Chapter 54

558 30 7
                                    

Scarlet pov.

"Kailan ang alis niyo pabalik sa manila?
Tanong ko sa kanya habang nasa tapat na kame ng bahay.
Naka sara na ang buong bahay namin at patay narin ang ilaw. Malamang tulog na sila mama.

"Maybe tomorrow or the next day.. why? You miss me?
Pang aasar niya sakin.

"Oo mamimiss kita' pero syempre sa isip ko lang yun. Ikakasal na yung tao ehh.
"Asa ka! Never kitang mamimiss"! Kabaligtaran sa nararamdaman ko.

"Really? Tsk! Mahal mona ata talaga si Vince'

"Bakit naman? 'Siguro nga kailangan ko nang magmahal ng iba. Para naman maka hanap ako ng para sakin diba?..
Sa puntong ito gusto kona talagang tumakbo papasok sa loob ng bahay. Kung anu anu nalang kasi ang lumalabas sa bibig ko ehh.

"You cant do that"
Matigas niyang sabi habang matalim na nakatitig sa mata ko. Galit ba siya? Anu bang ikinagagalit niya?

"Bakit naman? Ikaw nga nakahanap na ehh...
'Ang unfair mo naman'
Pagbibiro ko dahil sobrang seryoso na talaga ng mukha niya.

"Tsss..
Tanging sagot niya lang sakin. Hindi na siya nag salita ulit kaya medyo nailang na naman ako.

"Ah s-sige pasok na ako'
'Mag iingat ka sa byahe pabalik"
Akmang tatalikod na sana ako ng hawakan niya ang braso ko at hinarap sa kanya.
Hindi ko magawang pumalag. Tinitigan niya muna ako ng matiim saka hinila palapit sa kanya. Nasobsob ako sa matigas niyang dibdib. At naramdaman kong mahigpit ang pagkakayakap niya sakin na parang ayaw niya akong pakawalan. Ito na ba ang huling pagkikita namin? Hindi kona ba siya makikita? Pano ko siya makakalimutan kong sa huling pagkikita namin ay ganito siya. Yung pakiramdam kong mahal niya ako na handa niya akong ipaglaban. Pero hindi yun eh! Feeling ko lang yun dahil ang totoo ikakasal parin siya sa iba. Na kaya siya ganito ay hindi na kame magkikita ulit.
'Wag ka ngang oa scarlet! Magkikita pa kayo ulit! Buhay pa ang tao ehh kala mo naman sumakabilang buhay na!!!
Magkikita pa kayo ulit! Yun nga lang may sarili na siyang pamilya!
Pangsesermon ng isip ko saking sarili. Sa puntong ito ay hindi kona mapigilang yakapin siya pabalik. Naramdaman kong nag umpisa ng manubig ang pisngi ko kaya mabilis ko itong pinahid.

"Ssshh!! Dont cry! Mas magiging masaya sana ako kong tears of joy yan'
Pabulong niyang sabi sa tenga ko. Pano ba maging masaya kong ang taong mahal mo ay ikakasal na sa iba? May paraan ba para mawala agad ang sakit?
Inilayo niya ako at hinarap ulit sa kanya. Tinitigan  niya ulit ako at gamit ang kamay niya ay marahan niyang pinunasan ang luha ko sa pisngi.

"Stop crying'.. ganyan mo ba ako i good luck sa kasal ko?
Kahit umiiyak ako ay nagawa kopa siyang irapan. Ang walang hiya! Nginisian lang ako... hindi na niya ba talaga ako mahal,? Bakit nagagawa niyang ipakitang masaya siya sa harap ko? Samantalang ako dinudurog na ng sobra.

"You love him huh!
Mapang asar niyang sabi' at sinabayan pa ng nakakalokong ngisi...
Kunti nalang talaga hahambalusin kona ang kumag na to...

"You must be happy!!
Dugtong niya at mabilis na naman akong niyakap.
Happy? Sinasabihan mo akong maging masaya? Tssk! Siguro pag naka move on nako.

" i need to go! Please take care our son for me'
Naramdaman kong hinalikan niya din ako ng mabilis sa noo na nagpapikit sakin. Napamulat lang ako ng magsalita siya ulit ng sobrang lapit na kunting galaw ay magpapang abot na ang labe namin.

"And one last thing.... please take care yourself for me...

Sa sinabi niyang yun ay mas lalong bumilis ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. Na dahil sa lakas ng pagpatak ay hinayaan ko nalang dahil kahit anong punas ko ay tutulo at tutulo parin ito.

Napapikit ako at napahawak sa damit niya ng ilapat ang labe niya sa labe ko. Hindi ako umangal o nag alinlangan. Ito na ang huling magagawa namin ang ganito. Kahit hindi totoo sa kanya ang ginagawa niya, para sakin totoo ito lahat. At hindi koto pag sisisihan.

"Magkikita pa tayo.. at sa pagkakataong iyon ay parehas na tayong masaya"
Sabi niya bago pumasok sa kotse. Hinintay ko munang makaalis siya bago nag umpisang naglakad palapit sa bahay. Mukhang tulog na nga lahat kasi hindi manlang nila naramdamang nakapasok na ako. Hanggang sa mabilis akong nakarating sa kwarto ni mama. Sinilip ko lang si kyle na mahinbing na natutulog sa tabi niya. Kaya hindi kona inabala baka kasi magising pa. Nagtungo nalang ako sa kwarto ko para makapagbihis ng damit. At para narin makapagpahinga.
Nag half bath lang ako saglit at nag toothbrush saka nagbihis ng pantulog na damit. Pagkatapus ay humiga na sa kama. Bigla kong naisip kung bakit hindi manlang ako inabalang hanapin nila mama? Nakakapagtaka tuloy. Dapat sa mga oras nato hindi pa sila makakatulog sa pag aalala sakin. Pero bakit hindi manlang sila nag alala? Tssk! Pati ba naman sila hindi nako mahal? Psh! Ang oa kona yata. Bigla kona naman naisip ang sinabi niya kanina.

'Magkikita pa tayo.. at sa pagkakataong iyon ay parehas na tayong masaya'

Sana nga, sana nga sa pagkikita natin magawa ko nang maging masaya para sayo. Yung time na tatawanan ko nalang lahat ng nakaraan natin. Yung magagawa kong makipag biso biso sa naging pangasawa mo. Tatawa ng walang halong kaplastikan.

Ang tanong ko lang ay kung kailan? Kailan darating ang time na yun??

Mararanasan ko kayang maging masaya ng wala siya?,

Paano??

Sana talaga mabilis dumating ang araw na yun.

Yan ang mga katanungan gumugulo sa isip ko na hindi ko alam ang kasagutan...

:21marupok

Please support my second story guys.

"Destined To The Playboy"

Thabk you.

I Love You More Than He Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon