Prologue

340 38 9
                                    

Disclaimer:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, things,  locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. 

Please be advised that this story contains mature themes and strong language that are not suitable for very young audiences.

Read at your own risk.

Enjoy reading!

(Be Happy Hospital)
8:00 AM

Present

Isang normal na araw para sa mga nagtratrabaho sa nabanggit na ospital. Maliwanag ang sinag ng araw na nagpapangiti sa mga pasyente na nakatanaw malapit sa kani-kanilang bintana. Panibagong araw panibagong pag-asa. Malayo sa siyudad. Malawak na pananim at hindi masyadong mataong lugar ang kinakatayuan ng hospital.

Malayo sa napakagulong mundo sa Maynila.

Katatapos lang na naganap na opersayon na tumagal din ng sampung oras.

"Mahal sa wakas matatapos din ang paghihirap ni Anya." Ani ng isang ginang na nakatingin sa kanyang unica hija nanahihimbing sa kanyang pagtulog. Kulay gatas ang kutis ng bata at mapapansin din ang mahahabang netong pilik-mata at makinis na balat kagandahan na kahit na sa walong taong gulang palang eto.

"Sa tingin ko din makakalabas na din siya sa ospital na to." tugon naman ni Hector na ama ni Anya. Nakatingin si Hector sa kanyang mag-ina at nanalangin nang tahimik na sana malagpasan nila ang lahat ng problema ng kanyang pamilya at manatili siyang malakas bilang haligi ng pamilya.

Kilala ang mag asawang Del Fuente sa lugar na may busilak na puso at matulungin sa kapwa at sa kanilang nasasakupan. Ngunit hindi alam ng karamihan na sakitin at mahina ang katawan ng unica hija anak ng Del Fuente. Madalas silang nasa ospital dahil sa sakit sa puso ni Anya. Sanggol pa lamang eto ng malaman ng mag-asawa ang kalagayan ng kanilang anak. Hindi na nila alam ang gagawin kung papaano paraan ang gagawin upang maisalba ang buhay ng mimamahal nilang anak.

Hindi na napansin ng mag-asawang Del Fuente na nakapasok na sa kwarto na kanilang tinutuluyan ang doctor na nag opera kay Anya at may mahalaga etong sasabihin.

"Mr.&Mrs. Del Fuente tagumpay ang naganap na operasyon kay Anya hintayin nalang natin siya gumising at tignan ang kanyang magiging response kapag nagising na siya." sabi nang Doctor.

Hinawakan ng mag-asawa ang kamay ni Anya at nanalangin na sana ay gumising na eto.

Mabilis na lumisan ang doctor na balisa at hindi mapalagay.

Pagkaraan ng ilang minuto tinignan ni Hector ang kanyang asawa.

"Mahal hindi kapa ba nagugutom?" sambit ni Hector sa asawa naaawang tinignan ni Hector ang asawa mababakas sa mukha ng ginang ang kanyang pagod at pagkapabaya sa sarili dala narin sa pag-aalala sa anak.

Mabilis na umiling ang ginang at sinabi. "Dito lang ako kay Anya mahal hihintayin kong gumising ang anak natin gusto ko sa pag-gising niya ako agad ang makikita niya." sa naluluha netong boses.

"Ganun ba sige bababa lamang ako at titignan kung anong pwedeng bilhin sa canteen ng ospital nagugutom narin kasi ako at para hindi ka na rin bumaba mamaya kung sakaling abutin ka ng pagkagutom." tugon ni Hector sa kanyang asawa.

Ang Hindi Alam ng mag-asawa sa loob ng opisina ni Doctor Robert.

"Doc magigising pa ba si Anya?" Ani ng isang nurse na kasama sa operasyon. Mababakas sa mukha ng nurse ang pagod at pawis ngunit binalewala niya lamang eto dahil napamahal na din sa kanya ang bata kahit sa maiikling panahon.

Tumingin si Doc Robert sa nurse at sinabi "Sa lagay ng katawan ni Anya malabong magising pa siya masyadong pang bata si Anya para sa mga ganitong uri ng operasyon at milagro nalang siguro kung gigising pa siya".

"Pero bakit niyo sinabi sa mag-asawang Del Fuente na tagumpay at hintayin na lamang gumising si Anya dahil matagumpay naman ang operasyon?" Nagtatakang tanong ng nurse kay Doctor Robert.

"Anong gusto mong sabihin ko sa mag-asawang Del Fuente? Na isang milagro nalang ang mag papagising kay Anya?" Ani ni Doctor Robert.

Sumilay ang lungkot at pag sisimulang pag patak ng luha ng nurse. "Pero matagumpay ang operasyon napalitan natin ang puso ni Anya hindi magtatagal hihilom din ang mga sugat niya at babalik din siya sa normal." Ani ng nurse.

"Pero sa palagay ko hind-."

Hindi na natapos ni Doctor Robert ang kanya sasabihin dahil nag ring na ang telepono na pang emergency sa kanyang opisina.

"DOCTOR ROBERT?" Bati ng nurse sa kabilang linya. Mapapansin sa boses ng nurse ang takot.

Mabilis na tumayo si Doctor Robert at patakbong lumabas sa opisina upang tignan ang kalagayan ni Anya.

"HINDI!" ani ng doctor

"GANUN KABILIS?"

Ani ng doctor kahit sa maikling panahon napamahal na din kay Doctor Robert ang batang si Anya. Dahil narin siguro sa propesyon na tinatahak neto nakalimutan na netong isipin ang sarili at makapaghanap ng katuwang sa buhay at tinuon nalang ang sarili sa ospital. Minahal na neto na parang anak si Anya.

Mabilis na pumasok ang Doctor at napansin ang mag-asawang umiiyak at hindi na alam ang gagawin dahil sa panginginig at lalong pagkaputla ni Anya.

"SABI MO OKAY NA SIYA?" Sigaw ni Hector pagkapasok na pagkapasok palang ni Doctor Robert sa silid ng kanyang anak.

"NANGAKO KA NA PAPAGALINGIN MO SIYA?"

Mabilis na kumilos ang ginang at napaluhod at hagulgol na tumingin sa Doctor "Doc nagmamakaawa ako sayo anong nangyayari kay Anya?"

Sa isang saglit lamang nagulat ang lahat sa pag labas ng isang pulang tuwid na linya sa makina na nakalagay at nakakabit na nagsisilbing buhay ni Anya.

Napuno nang iyak ng mag-asawang Del Fuente ang silid hindi nila alam ang gagawin at hindi na nila kayang makita ang kalagayan ng kanilang pinakamamahal na unica hija. Masakit sobrang sakit hindi nila alam kung saan paglalagyan ang sakit para sa kanilang kung pwede nga lang sana sila ang magkasakit at hindi si Anya ay ginagawa na ng mag-asawa.

BAKIT?

ANYA?

HINDI PWEDE HINDI MAARI.

NORMAL NA ARAW NA SANA PARA SA DOCTOR NA SI ROBERT AT SA MGA NURSE NGUNIT NAGBAGO ANG LAHAT SA NAKAKATAKOT NA TUNOG NG MAKINA NA NAGSISILBING BUHAY NI ANYA.

TIME OF DEA-

      To be continued.

" Family is not an important thing. It's everything."
Michael J. Fox

Reconnect (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon