NAPHTALIE JEAN ASHER POV:Ang tagal ko nanghinintay ang araw na'to.Dahil hanggang ngayon hindi ko pa rin maiwasang hindi sya pumapasok sa isip ko.
' it's been a long time,but I'm still broken'
Hindi man kita nakalimutan, pero nasisigurado akong wala nang Cedric sa puso ko.
At ngayong inaasahan ko na magkikita kami sa iisang lugar, sisiguraduhin kong titingnan kita mata sa mata.
Walang panahong hindi ako dumadaan sa madali sa twing naiisip ko sya,lagi akong luhaan tinatanong ko ang sarili kung, ano ba ang wala sakin. Masakit pero kailangan kong magpakatatag para sa sarili ko.
Inalis ko nalang ang mga bumagabag sa sarili ko at bumaba na.....
Tulad ng sinabi ko kay Manang kahapon ay kinain ko yung niloto nya.
Dahil sa totoo lang miss na miss ko na ang niloto nya at pagkaing pilipino.Ako lang nag-iisa dito sa kusina dahil nasa sala silang lahat naghahanda ng mga gamit.
Sa wakas, makakabalik na ako ng Boracay minadali ko naman ang pagkain ko at hinanda yung swim suit wear ko sa rampa.
Makalipas ang ilang oras ay nagtungo na kami sa airport.
Napuno ng tawanan ang sasakyan namin, dahil sa totoo lang namiss naming lahat ang mag bonding-bonding kahit wala si papa.
Hindi ko maiwasang hindi malungkot, lumalaki akong hindi ko nakita si Papa....' Sana man lang nakita kita papa '
Nalungkot ako sa katotohanang hindi namin sya kasama ngayon...
"I'm so excited naahh" Sabi ni Phill,habang pasakay ng eroplano.
"Phill baby, picture-ran mo si mommy ah" Sabi ni Tita Kay Phill.
"Of course mom, we take a picture 'like mother like daughter hahaha" sabay silang nagtawan.
"Ayaw nyu ba ako isali?" Nagtatampong tanong ni Tito,napangiti naman akong pinanood sila.
"Sali ka naman dad, para happy family." Napayuko nalang akong naglakad papasok ng eroplano .
"Halika na, ihanda mo yung camera, let's enjoy the day." Sabi ko.
" And of course ,pati na din kayo turo ni phill samin ni nanay We're family kaya." Nagkangitian naman kami ni nanay.
Nang nasa byahe kami ay panay lang ang tawanan namin, panay kasi ang pagbibiro ni Tito.
Hindi naman kami pinagalitan ng mga staff'sNang makalapag na kami ay dumiretso kami sa hotel na nirerentahan namin malapit sa Boracay beach ressort.
Minadali ko ang pagligpit ng mga gamit ko sa loob ng closset tig-isa isa kaming kwarto pwera nalang kila Tita at Tito.
Naligo muna ako bago bumaba para sabay kaming kumain, matapos kong maligo ay nagpalit na ako ng susuotin, napili ko yung bonggang swim suit na nabili ko sa Singapore, at pinatungan ito ng beach dress, mamaya ko nalang ito huhubarin.
Nagsuot naman ako ng sun glasses, pagkatapos ay bumaba na ako dumiretso ako sa restaurant nitong hotel,na una na sila sakin.Nang nasa entrance area palang ako, pinagtitinginan na nila ako, hindi naman makatakas sakin yung mga matulis na tingin ng mga lalaking foreigners sakin, tingin palang parang hunuhubaran na ako, hindi mawala ang mga magandang papuri sakin.