chapter 17:

12 2 6
                                    


Naphtalie Jean Asher POV:

A few months later.....


Nakalipas ang dalawang buwan, puro lang pagala gala ang ginawa namin ni Phill kasama ang mga barkada namin.

At yun na ang huling pag-uusap namin ni Cedric.

Sinulit na namin ang mga panahong yun dahil balik eskwela na naman.

I miss Sydney University, Babies I'm back.

Maaga akong nagising,para naman maihanda ko ang mga gamit ko.
Pagkatapos ay bumaba na ako para kumain.

" Good morning nay" masayang bati ko, at patuloy parin sa pagsusuklay sa buhok ko.

" Morning nak, hali ka na pinagloto kita ng paborito mo" nagmamadali naman akong umopo, yeah same old matakaw pa rin ako pero hindi ko naman pinabayaan ang pag didiet ko.

Matapos akong kumain ay nagpaalam na ako kay nanay.
Tinext ko na din si Phill, nasa parking lot nalang kami magkita kita, and of course si Darwyn mas naging close kami ni Darwyn komportabli akong kasama sya.

Kaya kinuwento ko sa kanya yung tungkol samin ni Cedric noon, at sinabi naman nyang magpinsan daw sila. 

Inistart ko na ang kotse ko at nagtungo na sa school.
Medyo nainip ako dahil traffic, well wala naman akong magagawa firstday of school ngayon ih, same old Philippines traffic parin haysss.
Hindi na yata ito masosolusyunan.

Nang paparking na sana ako ay may biglang bumusina sa likod ko kaya tumigil muna ako saglit, ganun nalang ang gulat ko nang kinatok nya ang beautiful car ko, chemss!

" That's my spot" turo nya, kaya bumaba ako kilala ko yung boses na yun, sinadya kong lakasan ang pagbukas kaya medyo napa atras sya.

" Long time no see Kim" pinagdidiinan ko ang pag sambit ng pangalan nya, pinagtaasan ko naman sya ng kilay.

" This is my school, so I can park where I want!" duhh! pinagmukha pa talaga nya na sa kanya tong school? Nag aaral ako dito!! Wala akong paki!

" First come, first serve" irap ko sa kanya, at bumalik sa kotse ko at pinark bahala sya. Masyadong masaya ang umaga ko para sirain nya, bangasan ko kaya sya.

Kaya matapos kong mapark ay, nangangalaiti sya sa galit at nagmamdaling pumasok sa kotse nya.

Nakita ko naman si Phill at Jeon, parang may something din tong dalawa ih.
Lumapit ako sa kanila.

" Morning" nagbeso naman ako.

" Morning, so kumusta?" tanong ni Phill.

" I'm very fine...you?"

" I'm really good"

" What's with you and Jeon?" mapanuksong tanong ko.

" Friends" pinanglakihann nya ako ng mata.

" Okay" alams na eh! Deny deny pa halata naman.

" Hi Naph,good morning" nagulat ako sa sigaw na yun, paglingon ko si Darwyn lang pala.

" Morning" nakangiting bati ko, inakbayan nya naman ako.

naglakad na kami papasok sa campus, yeah same old parin.

" Sana classmates tayo" nakangiting bulong ni Darwyn.

" Tsh! Trust me" paninigurado ko.

Sa mga hindi nakakilala samin, masasabi talagang magjowa kami, super close lang talaga kami .

Coming BackWhere stories live. Discover now