Chapter 4:

65 35 20
                                    

NAPHTALIE JEAN ASHER POV:

Aaminin ko sa sarili ko na gusto ko si Cedric nung una ko syang nakita,kaya ganun nalang ang pag saya ng aking kaluluwa nung hinalikan nya ako,omoooghad yung taong gusto ko may gusto din sakin.Masayang masaya akong pumasok sa loob ng bahay bumungad naman sakin si Phill  na may pagtatakang tingin sakin.

"Ang saya mo ata dae?" takang tanong talaga nya at lumapit sakin,makiki tsismis naman sya.

"Hulaan mo" tawa-tawang sabi ko sa kanya,at nagsimula nang umakyat papunta sa kwarto kaya nagmamadali naman syang sumunod sakin.Nang nasa kwarto na ako ay tumalon talon ako sa saya at tumili nakita ko naman si Phill na nakatingin sakin na may nagtatanong na tingin,kaya tumigil na ako at humiga ng maayo tumabi naman sya sakin

"Alam mo dae,ang saya pala pag gusto mo yung isang tao,na gusto ka rin" nakangiting sabi ko habang nakatingin sa kisame.

"Si Cedric ba yan?" tanong nya sakin,at medyo lumapit sya ng kunti. Tsismisss

"Oo,alam mo ba kanina hinalikan nya ako at sinabi ko sa kanya na gusto ko sya" nakangiting pagkukwento ko sa kanya.

"Alam mo naman na may gf yung tao,diba?"tanong nya sakin.

Ay oo nga pala may girlfriend si Cedric malayong-malayo ako kay Kim,pero bakit nya ako hinalikan kanina at bakit kami magkasama na dapat si Kim yung kasama nya,naalala ko naman ang sagutan nila Zacharia at Kim kanina sa room.

"Narinig mo naman yung sagutan nila Kim at Zacharia diba?" tanong ko kay Phill.

"Oo,pero ah basta ayusin mo yan wag kang padalos dalos." paalala nya naman sakin,the best talaga tong kaibigan ko palaging concern di pareho sa iba jan mga plastic,lalapit lang sa'tin pag may kailangan.

Matutulog na sana ako kaso biglang tumunog ang cellphone ko,kaya kinuha ko at tiningnan kong sino ang nagtext lumitaw naman agad ang ngiti ko sa nabasa kong massage.

[Hey, goodnight] message ni Cedric ,kaya nereply-yan ko nalang siya.

[Goodnight din] reply ko

[Have a sweet dream,wag mokong masyadong isipin baka mapaginipan mo'ko hihihi] kapal naman ng mukha ng lalaking 'to,kaya nagmamadali naman akong nagreply sa kanya.

[Asa!hahaha wag kang assuming boy!] pagsisinungaling ko sa kanya.

[I love you until the night passed ,and the sunshine will appear,sleep well my future] then he hang up the call.

Kinikilig naman ako sa sinabi nya,isang Cedric na gwapo,hearttrub,mayaman nakagusto rin sakin ayss hulog ng langit.Habang nag muni-muni ako di'ko namalayan na nakatulog na ako.

KINABUKASAN

CEDRIC WAGNER POV:

Nakangiti akong bumangon at kinuha ang cellphone para ma-etext ko si NJ.

Coming BackWhere stories live. Discover now