1;

7 2 0
                                    

Kabanata 1


"Hey!" Tinapik ni Nica ang balikat ko.

"What?" Asik ko.

"You're too busy reading that book, hmm." Reklamo niya.

"I just started reading it yesterday, obviously hindi ko pa tapos 'to hanggang ngayon," Paliwanag ko.

Umirap lang siya sa akin at padabog na umupo sa tabi ko.

"I want to play," she pouted her lips.

"Langit-lupa?" Tanong ko.

Tumango lang siya na nakanguso parin ang labi. Natawa ako dahil sa itsura niya.

"Okay, let's play!" Sinara ko ang librong binabasa at agad na tinago sa bag ko.

"Yes!" Tumayo siya agad at hinila ako papunta sa labas ng room namin.

"Pero da-dalawa lang tayo, we need more kalaro," aniko.

"Okay, I will invite our classmates!" She said at kumaripas ng takbo pabalik sa room.

Natawa ako dahil sa word na 'invite'. She really wants to play 'Langit-lupa', huh?

Habang hinihintay ang mga tinawag niyang kalaro namin ay napatingin ako sa grass field dito sa school. Then someone caught my attention.

"Dito!" Sigaw ng lalaking umagaw ng atensyon ko.

He's handsome, cute and totoy. I'm just grade five but I know how to describe someone, huh.

"Nice game!" Sigaw niya muli.

I smiled a bit when I saw his tired face because of playing soccer. He's hot and so—

"Jiewel, let's play!" Nabalik ako sa wisyo nang marinig ang boses ni Nica sa likuran ko.

"Okay," wala sa sariling sambit ko at muling sumulyap sa lalaking soccer player.

I smiled again.

"Hey! You reading that again?" Istorbo ni Nica sa pagbabasa ko.

"Of course!" Mataray kong sagot at nagbasa muli.

"C'mon, Jiewel, let's play. Enjoy our childhood." Pangungulit niya.

I sighed heavily and looked at her.

"I'm tired playing langit-lupa, Nics," walang ganang sagot ko.

"But the soccer player is in the field," she whispered.

"What!?" Nabuhayan ako sa sinabi niya.

Actually, since the day I saw him playing soccer, I started to have a crush on him. Crush only because I'm too young for that love, not just like the book I am reading right now.

Naikwento ko rin kay Nica ang tungkol doon sa soccer player na hindi ko alam ang pangalan. I am thankful dahil hindi naman ipinagkalat ni Nica na crush ko ang first year high school soccer player na iyon.

"Crush na crush mo talaga, no?" Pang-aasar ni Nica sa akin nang makalabas kami ng room.

"Shut up, Nics." Kunwari'y mataray kong sabi na ang tingin ay nasa grass field.

Hinahanap ko kung nasaan si soccer player.

"Okay," bumungisngis siya.

What the gumsh! I am too young to feel like this! Ugh!

"'Wag nalang tayong maglaro, manood nalang tayo ng laro nila." Huling sabi ni Nica at tuluyang umupo sa bench malapit sa grass field.

Umupo na rin ako habang ang tingin ay nasa grass field. Hindi na naalis ang paningin ko roon nang makita ko si soccer player.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now