Kabanata 5
Walang gamit ang hindi ko pinagmasdan ng matagal bago ko ilagay iyon sa isang malaking maleta. Bawat gamit na nilalagay ko sa maleta ay may mga memoryang nakatatak na hinding-hindi ko malilimutan.
Nalulungkot ako na ngayong araw na ito ang alis namin sa bayang ito. Halos apat na taon rin kaming nanirahan dito pero ngayon ay aalis na kami para sa bagong project ni Daddy.
Nang matapos kong ilagay ang panghuling gamit na dadalhin ko ay nabaling ang tingin ko sa salamin ng kwarto ko. I smiled weakly and turned my gaze on my neck. Napahawak ako sa pendant ng kwintas na niregalo sa akin ni Kuya Espencer.
Napangiti ako sa maraming ala-alang nangyari sa aming dalawa ni Kuya Espencer. Sa tuwing tinatawag niya akong Cutie or kaya naman binibilhan niya ako ng meryenda. Nakakamiss pala ang ganoon pero hindi ko na siya crush ngayon pero alam ko namang friends parin kami.
"Welcome! See you next school year"
Biglang pumasok sa isip ko ang huli niyang sinabi noong huli rin kaming nagkita. Hindi ko siya nakita sa graduation ko at hindi ko pa pala nasabi sa kanya na aalis na ako! Inaasahan niya ako sa next school year? Na-guilty ako dahil hindi ko man lang nasabi na aalis na ako.
"Sweetheart," pumasok si Mommy sa kwarto ko. "Nailagay mo na ba ang mga kakailanganin mong gamit?"
"Yes Mommy." mahinang sambit ko.
"You okay?" Lumuhod si Mommy para magpantay kami.
Tumango lang ako bilang sagot. Wala na rin akong magagawa dahil ito na ang buhay ko. Walang permanenteng tirahan. Bawat taong lumilipas ay lumilipat kami ng lugar.
Naiintindihan ko naman ang ganitong sitwasyon dahil simula pa noon ay ganito na ang kinalakihan ko pero hindi ko maiwasang malungkot dahil lilisanin ko ang lugar na ito at may maiiwan akong kaibigan na sobrang minahal ko.
"Everything is okay?" tanong ni Daddy nang mailagay ang huling maleta sa likod ng kotse.
"Yeah." Mommy.
Nasa labas na kaming tatlo. Si Mommy ay sinimulang i-lock ang pinto. Si Daddy naman ay pinaandar na ang engine ng kotse. Habang yakap ang sariling teddy bear ay mainam kong pinagmasdan ang buong bahay na minsang naging tahanan ko na ngayon ay lilisanin ko na.
"Let's go, Sweetheart." Inako na ako ni Mommy papasok sa passenger seat nang matapos niyang i'lock ang pinto ng bahay.
"Dadaanan muna natin si Nica para makapag-paalam kana." Ramdam ko ang pag-silip ni Mommy mula sa front seat.
"Sige po." At sa huling pagkakataon, sinulyapan ko ang bahay namin na medyo malayo na.
Kinakabahan ako habang pinipindot ang doorbell nila Nica. Feeling ko ay hindi ko siya kayang iwan. Ilang sandali pa ay bumukas ang gate nila. Iniluwa nito ang Mommy niya na gulat nang makita ako.
"Oh, Jiewel. Hindi mo sinabi na dadalaw ka, halika't—" natigil si Tita nang makita sila Mommy na nasa likuran ko. "Good morning, Mr. and Mrs. Vega!" Ngiti ng Mommy ni Nica.
"Good morning din Mrs. Domingo. Narito kami para makapag-paalam ang anak namin kay Nica at sa iyo na rin." casual na sabi ni Mommy.
"Hindi ko inaasahan na matutuloy pala ang pag-alis ninyo. Halikayo't pumasok muna."
Tulad ng inaasahan ay pumasok kami sa bahay nila. Akmang kukuha pa sana ng meryenda ang Mommy ni Nica nang pigilan siya ni Mommy dahil hindi rin naman daw kami magtatagal rito, sa halip, tinawag na lamang ni Tita si Nica sa kanyang kwarto.
YOU ARE READING
STANDARD UTOPIA
Romance"My paramount favourite keen writer left me alone without any explication." That was Kaizer's last post on his social media account and after that, Jiewel didn't see any posts or even news about him. Since Jiewel was in grade 7, she kept in mind th...