Kabanata 16
Hinarang kami ng dalawang babae papasok sa cr. Hindi ko sila kilala, bago sa akin ang mukha nila. They're smiling at me like an evil. Sayang, maganda pa naman sila.
They are wearing our school uniform. Medyo mas matangkad rin sila sa amin tulad noong tatlong palaka. Sino na naman 'tong bagong palaka?
"Excuse us." Wika ni Tanya.
"Kung noon ay si Kaizer, ngayon naman ay si Arren?" Maarteng sabi nung babaeng katapat ko.
What?
Nagtaka ako sa sinabi niya. Anong ibig ipahiwatig ng bagong palaka na 'to?
"Excuse us, please." Diin ko. Hindi pinansin ang sinabi niya.
Medyo nahihilo pa ako, wala ako sa mood makipag-bangayan sa mga palakang 'to. Hindi ko rin role ang magsayang ng oras para sa isang walang kwentang palaka na tulad nila.
"Hindi naman ako na-inform na matapang din pala 'tong laruan ni Arren." Namintig ang dalawang tainga ko sa sinabi niya.
Laruan? Wow. Excuse me? At teka nga, bakit ang hilig ng mga palakang makipag-away sa cr?
"Who are you?" I asked lazily. "Don't tell me na girlfriend ka ni Arren." I casually said.
"You're right and his future wife." Maarte at nang-aasar niyang sinabi iyon sa mukha ko.
Pinigilan kong 'wag matawa. Future wife daw, grabe na ang mga babae rito. Mga assumera. Sa tingin ko nga ay kaedad pa lamang ni Arren 'to tapos wife-wife na iniisip. Nakaka-stress ang mga pinagsasabi ng mga palakang 'to.
"Well," I shrugged my shoulders. "Congrats." Walang emosyon kong sinabi na malalim ang tingin sa kanya.
Umawang ang labi niya na hindi makapaniwala. Tinaasan ko siya ng isang kilay at doon ko kinuha ang pagkakataon na lagpasan siya.
"Jiewel!" Biglang sigaw ni Tanya pero huli na nang makalingon ako sa likuran ko.
The frog suddenly grabbed my hair. "You're so annoying! Bitch! And slut!" Ramdam ko ang gigil niya habang sinasabi iyon.
Napapikit ako sa higpit ng sabunot niya sa buhok ko. Hindi ko siya magawang abutin dahil nasa likuran ko siya. Nanuot sa anit ko ang sakit ng paghila niya sa buhok ko. Ramdam ko ang paghiwalay ng ibang buhok ko na nahuhulog.
Gumsh!
"Slut!" Narinig ko ang sigaw ng kasama ng isa pang babae.
Pilit kong inaabot ang ulo niya para gantihan rin pero hindi ko magawa. Buset!
"Jiewel!" Sigaw pa ni Tanya na tila nahihirapan.
Pinilit kong imulat ang mga mata ko. Nakita ko sa salamin ang kaibigan kong sinasabunutan na rin ng babaeng kasama nitong palaka. Shit!
Bago pa ako makagawa ng paraan para gumanti ay bigla nalang binalibag ng babae ang ulo ko sa semento ng sink dito sa cr. Napasigaw ako sa lakas ng pag-untog ng noo ko. Sa mga oras na iyon unti-unti kong nararamdaman ang dugo na tumutulo mula sa ilong ko.
May gumuhit na kung ano sa noo ko na hindi ko maipaliwanag ang sakit doon. Nahilo ako sa epekto ng pagkaka-untog, nag-uumpisa na ring lumabo ang mga mata ko. Mas lalo pa akong nahilo nang sabunutan ako ulit ng babae. Gusto kong umiyak sa sobrang sakit, ramdam na ramdam kong may hiwa na ang noo ko. Nag-iinit na ang ulo ko sa sobrang sakit at hapding nararamdaman. Namamanhid na rin ang buo kong katawan. Nalasahan ko na rin ang sariling dugo na tumulo mula sa aking sugat.
YOU ARE READING
STANDARD UTOPIA
Romance"My paramount favourite keen writer left me alone without any explication." That was Kaizer's last post on his social media account and after that, Jiewel didn't see any posts or even news about him. Since Jiewel was in grade 7, she kept in mind th...