19;

1 1 0
                                    

Kabanata 19


"May malaking project na naka-atas sa akin. Hindi ko matatanggihan iyon dahil isa ako sa matagal na nilang pinagkakatiwalaan." Dugtong ni Daddy sa sinabi niya kanina.

"I understand, Honey pero paano natin sasabihin kay Precious na lilipat tayo ulit ng lugar? Alam nating napamahal na siya rito, alam nating mahihirapan na naman siyang mag-adjust sa sistema ng lugar." Mahihimigan ang pag-aalala ni Mommy.

Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko habang nakadungaw sa pinto. Pahigpit nang pahigpit ang pagkakayakap ko sa librong binigay ni Arren. May namumuo na ring luha sa aking mga mata habang sinasabi iyon ni Mommy. Maraming tanong ang pumasok sa isip ko. Maraming paraan ang naiisip ko para hindi makaalis dito pero ang pag-iisip na iyon ay nilulukob na wala akong magagawa kundi ang sumama at lumipat ng lugar kasama sila Mommy at Daddy.

"I know that, Honey but we don't—" tumakbo ako sa sariling kwarto at ni-lock ang pinto.

Hindi ko na pinakinggan ang mga susunod na sasabihin ni Daddy. Kagaya noon, ganoon na naman ang mga sasabihin niya. Naiintindihan ko naman noon na kailangan naming lumipat, pero bakit ngayon ay kahit naiintindihan ko at pilit kong intindihan ay hindi ko talaga lubos na maintindihan ang lahat.

Pwede naman kaming manatili rito ni Mommy at si Daddy nalang muna ang pumunta sa mga lugar na lilipatan sana namin. Pwede naman ang ganoon, e. Pwede namang magpagawa nalang kami ng saliring bahay. Magkaroon ng permanenteng bahay at lugar. Pwedeng-pwede 'yon.

Napasabunot ako sa sariling buhok dahil sa inisip. Hindi ko rin kayang mawalay si Daddy sa amin. It will took a years bago matapos ang project ni Daddy. And all of that years without my Daddy makes me feel worry. I don't want him to be alone.

Tumulo ang mga luha ko sa rami nang iniisip. Hindi ko kayang iwan ang mga kaibigan ko. I don't want them to left behind. Ayaw ko nang gawin ang ginawa ko kay Nica noon. Nasasaktan ako. Iniisip ko palang na lumayo sa lugar na 'to ay parang natutusok na ng maraming karayom ang puso ko. Napamahal na ako sa lugar na 'to, lalo na sa mga taong napalapit sa akin dito. Hindi ko na ulit kayang mang-iwan ng kaibigan.

Pilit kong pinunasan ang mga luhang tumutulo mula sa aking mata. Pinilit kong pakalmahin ang sarili. I slowly went to my window and slowly opened it. Bumungad sa aking ang bukas na bintana si Kaizer, naka-ilaw pa ang kwarto niya. Minuto ang lumipas, nasilayan ko si Kaizer na kalalabas sa kanyang door bathroom.

He smiled widely when he saw me. I couldn't smile back at him. Namuo muli ang luha sa mga mata ko. Every gazed of him, every twinkle in his eyes, every curved in his lips when he smiles and every dimple of him want me to cry over and over again. Iniisip ko palang ang gagawin ko sa kanyang pag-iwan ay naiiyak na ako.

"Hey," he called me.

Tumingin ako sa taas kasabay ang pagkurap nang paulit-ulit para hindi tuluyang tumulo ang luha ko. Nang makontento ay tumingin ako kay Kaizer na malapit na rin sa kanyang bintana.

"Uhm-h-hey," I chuckled awkwardly.

"Aren't you going to sleep yet?" He asked softly.

Mabilis akong umiling sa kanya bilang sagot.

"You want to watch the utopian sky?" Smile curved in his lips showed up.

Kumuha ako ng jacket sa cabinet ko. Mabilis kong sinuot iyon para hindi ako lamigin sa labas. Pumayag akong lumabas ngayong gabi kasama si Kaizer. Sa labas lang naman kami ng gate kung saan kami lagi pumu'pwesto kapag gabi para manood ng utopian sky o starry sky.

Tahimik kong tinahak ang daan pababa hanggang sa makalabas ako ng bahay. Nakita ko naman agad si Kaizer sa bench na naka-upo. I sighed heavily and slowly walked towards and sat beside him.

STANDARD UTOPIAWhere stories live. Discover now