"Joey! Tama na! Lasing na lasing ka na!" Awat ni Tristan sa bestfriend na si Joey. Paano'y napakawild na nito. Na sa sobrang kalasingan ay kung kani-kanino na nakikisayaw sa dancefloor.
"Ohhhh! Ang bestfriend kong napakacuteeee!!!!" Parang nabuhusan ng malamig na tubig si Tristan nang maramdaman ang labi ni Joey sa kanya.
Oo nagustuhan niya iyon. Matagal na siyang may lihim na pagtingin sa kaniyang bestfriend ngunit naduduwag siyang umamin rito. Ikinakatakot niyang baka masayang ang matagal nilang pinagsamahan.
Kahit gusto niya iyon ay alam niya sa sariling mali. Mali dahil wala naman sa katinuan ang babaeng matagal na niyang mahal. Mahina niya itong itinulak.
"Ano bang nangyayari sa'yo Joey? Hindi ka naman ganyan dati ah!"
"Oo! Hindi ako ganito dati! Eh punyeta kasi kayong mga lalaki eh! Kapag nakuha niyo na ang kailangan niyo, tangina! Bigla bigla ka nalang iiwan!"
Kitang kita ni Tristan ang sakit sa mga mata ni Joey.
Paano'y niloko siya ng kanyang first boyfriend na si Ruel.Jonathan Ruel de Luna. At ang malala pa ay nakuha na nito ang kaniyang pinakaingat-ingatan.
Buong tiwala ang naibuhos ni Joey kay Ruel dahil ang buong akala niya ay siya na talaga ang lalaking para sa kaniya. Ngunit nagkamali siya.
Saksi si Tristan sa hirap na dinanas ni Joey. Hindi niya ito magawang iwan kahit napakalaki na ng ipinagbago nito. Sa halip ay iniintindi na lamang niya.
Hindi nalamang nakapagsalita si Tristan sa huling ibinulyaw sa kaniya ni Joey.
"Hoy ikaw!" Tawag ni Joey sa isang lalaki. Sobrang gwapo nito, bakas sa kasuotan at itsura nito ang pagiging mayaman.
"Yes?" Sagot nito.
"Samahan mo ako!" Pagkasabi ay hinigit na niya sa kamay agad agad ang estrangherong lalaki.
Malungkot na habol-tingin nalamang ang nagawa ni Tristan sa kanyang nagbagong bestfriend.
Mula sa isang mahinhin, mapagmahal, responsable at mabait na si Joey ay heto siya. Tuluyan nang naging isang kawala. Kung kani-kaninong lalaki narin ito nakakapagpagalaw.
Andun nanaman ang pamilyar na kirot sa puso niya habang nakatingin sa papalayong dalaga. Alam niyang may makakagalaw nanaman rito. Lagi nalang ay iba't iba ang nagmamay-ari dito.
Pero kahit ganito na ang mga nangyayari. Kahit napakarami nang nabago. Kahit sobra na siyang nasasaktan ay hindi parin niya ito magawang iwan.
SI JOEY
Wala nanaman sa sarili siyang nanghigit ng kung sinong lalaki. Ganito naman siya palagi. Simula nga noong naloko siya.
Andito na sila sa isang hotel. Marahas niyang hinalikan ang lalaki pagkapasok na pagkapasok sa kwarto.
Kapwa naghahabol sila ng hininga nang makawala sa napakainit na halik.
"What's your name?" Tanong niya sa lalaki habang hinuhubaran ito. Wala namang kaangal angal ang binata.
"Rego. Dashriel Rego de Luna." Naginit ang tenga niya nang marinig ang apelyido nito.
PAK!
Isang malakas na sampal ang ibinigay niya sa lalaki.
"What was that for?!" Gulat na tanong ng binata.
Pagkatanong na pagkatanong ni Rego ay agad nanaman siyang sinunggaban ng halik ni Joey.
Magkadikit ang mga labi nila hanggang sa makarating na sa may kama.
Marahas niyang itinulak ang lalaki papahiga at agad na umibabaw rito at binigyan nanaman ng mainit na halik.
Doon na nagsimula ang mainit na pagtatalik ng dalawa.
-------
Maguumaga na nang magising si Joey. Nakayakap sa kaniya ang isang gwapong lalaki. Marahan niyang inalis ang kamay nitong nakadantay sa kanya at dahan dahang nag-ayos na ng sarili.
Pinakatitigan niya muna ang binatang mahimbing parin ang tulog. Isa si Rego sa nadamay sa kapusukan niya at nadamay sa galit niya sa kalalakihan.
Pagkatapos niyang titigan ang gwapo nitong muka ay tuluyan na siyang umalis.
Gumuhit ang nakakalokong ngiti sa kanyang maamong muka nang makalabas ng naturang silid.
"Hahanap-hanapin mo ako." Mahinang sambit niya habang taas noong naglalakad.
Siya si Joey Margarette Salazar, ang babaeng mahinhin noon, niloko noon, nasaktan noon. Bitch na ngayon.
BINABASA MO ANG
5 Suitors and a Bitch [R18]
Romance"I'm not the same girl anymore....PAIN CHANGED ME." - The Salazar Princess Joey Margarette Salazar. Ang babaeng mahinhin noon, sweet noon, NILOKO noon, NASAKTAN noon. BITCH na ngayon.