D's
"Hey boss! What are you doing?" Takang taka ang mokong kong bestfriend na si Jasmine.
"Bakit ka nagkakalat?" Pasigaw na saad nitong muli.
"I'm getting married Jas," saad ko at pinagpatuloy ang paghahanap sa mga gamit kong nakakalat na ngayon sa sahig.
"What??????" Tinignan ko sya. Napatawa nalang ako sa itsura nya.
Sabay nanglalaki ang mga mata at bibig nito tila hindi makapaniwala sa sinabi ko.
"Nahihibang ka na ba? Boss Deans? Sino papakasalan mo? Eh wala ka naman Jowa? Puro landi ka lang naman."
"I'm found the one, Jas. At sure akong sya na."
"Ano bang pinagsasabi mo? Saka paano ka magpapakasal eh hindi naman legal ang same sex marriage sa pinas."
"Kaya nga hinahanap ko yung titulo ng shop at ibebenta ko na."
"Anoooooooooo!!!!" Napapikit ako sa mas malakas na pagsigaw ni Jasmine, "no way, boss Deans. Baliw ka na!"
"Ano ba Jas? Ano bang problema dun? Mahal ang magpakasal sa ibang bansa aabutin ng milyon. Kulang pa ang ipon ko kaya kailangan ibenta ang shop para sumapat."
"Deanna, yung shop nalang yun ang natitira sayo! Ano ba yang sinasabi mo?"
"Jas, trust me. Worth it si Margarett, sobrang liit lang ng shop na yun kumpara sa babaeng yun."
"Nababaliw ka na! Alam mo, kung buhay si tito at tita. Hindi sila natutuwa sa ginagawa mo."
"Magpapakasal ka sa babaeng hindi mo naman ganun ka kilala tapos yung kaisa isang natitira sayo mawawala pa dahil sa babaeng yun?"
"Ni hindi ko pa nga nakikita yang bagong babae mo bro eh."
"Jas, huminahon ka naman kasi. Hayaan mo ipapakilala ko sayo si Margarett."
"Deans, hindi yun ang issue. Ang problema natin, masyado kang mabilis. Handa mo igive up lahat ng natitira sayo para sa babaeng kakakilala mo lang?"
Napahinga ako nang malalim bago tumayo at hinarap ang bestfriend ko.
"Bro, walang mawawala sakin, mapapalitan lang ng mas worth it." Hinawakan ko ang balikat ni Jasmine.
"Pare, naririnig mo ba ang sarili mo?" Ngumiti ako at tumango.
Napa-iling sya, "bahala ka nga. Bestfriend mo lang naman ako. Nandito lang ako para makinig at suportahan ka, bonus nalang kung makikinig ka sa mga sinasabi ko."
"Ngayon ko lang naramdaman yung gantong pakiramdam, Jas. Alam mo yun? Akala ko lust lang, yung tipong gusto ko syang halikan at hawakan ang malambot nyang katawan?"
"Ginugulo nya ang buong sistema ko! Nababaliw ako sa isiping baka sa iba sya magpakasal! Ewan ko, naguguluhan rin talaga sa ako nararamdaman ko, Jasmine."
"Hayyyyy naku! Kausapin mo nalang ako kapag malinaw na yang utak mo."
"Teka, saan ka pupunta?" Tanong ko sakanya. Palabas na ito ng pinto ng kwarto namin.
"Kay Bianca. Mas matinong kausap yung bebe ko kesa sayo. Babush!"
Napakamot nalang ako sa batok bago muling umupo para hanapin ang titulo ng tattoo shop ko.
Naiintindihan ko naman si Jasmine kung naiinis at naguguluhan sya.
Kahit ako rin naman hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Sino nga ba naman matinong taont magpapakasal sa babaeng hindi mo naman talaga kilala.
Tapos magpapakasal lang sya dahil nakasulat yun sa wishlist nya
Ang pinaka-worst eh, makikipaghiwalay rin naman ito.
Tinanggal ko ang pagkakatali ng buhok ko at ginulo 'to.
"Ano bang ginagawa mo Deanna?" Nasapo ko ang sarili kong noo.
Bahala na, gustong gusto ko si Margarett. Hindi ko rin kakayanin kung sa iba sya magpapakasal.
Siguro naman magbabago ko pa ang isip nya.
Kung maipapakita kong worth it din ako. Baka hindi nya na ituloy ang makikipag-divorse at makisama nalang sakin buong panahon.
Tama Deanna! Effort lang magugustuhan ka rin ni Margarett.
----
J's
"Nababaliw ka na Jemalyn!"
"Hindi ko na mabawi eh, nagulat din ako. Pero sineryoso na ni Izabella kaya hinayaan ko na."
"Anong say ni tito at tita?"
"Alam mong pagbibigyan nila ako kung ano pa man ang gugustuhin ko ngayon."
"Kahit babae at mukhang adik pa?" Napatawa ako sa tinuran ni Ced.
"Hoy, grabe ka dun sa tao. Mabait naman si Izabella, nakakatuwa syang kasama."
"Isa pa, naisip ko lang na sakanya ko naman na ibinigay ang pinakamahirap na nasa wishlist ko, bakit hindi nalang sakanya lahat 'di ba?"
"Kung lalaki pa ang papakasalan ko baka mabuntis ako at may bata pang madadamay."
"Sinasabi mong ang pakikipag-make out ang pinaka mahirap? Gaga ang pagpapakasal yun, sira. Dahil yung ginawa nyo ni Izabella mauulit din sa magiging asawa mo."
"Hoy, Deanna ang itawag mo sakanya! Ako lang may karapatan tumawag sakanya ng pangalan na yun."
"Wow! Ang possesive naman po pala ni Jemalyn, hindi pa yan kasal ah?" Palatak ng bruhang Ced.
"Sa totoo lang, yun nga rin naisip ko. Tutal kay Izabella ko na nga binigay ang sarili ko ng...," dalawang beses. Napalunok ako, "wala narin naman mawawala kung sakanya ako magpakasal 'di ba?"
"Dahil sabi mo nga, mauulit rin naman yun dahil kasal kami nung kung sino man ang papakasalan ko."
"Pakiramdam ko rin kasi, safe ako kay Izabella. Hindi dahil hindi ako mabubuntis sakanya."
"Basta sobrang kampante ko lang sa piling nya, at nagagawa ko ang mga gusto kong gawin ng hindi nahihiya sa iisipin nya."
"Baka naman masaktan mo yung tao? Papakasalan mo at hihiwalayan mo rin."
"Sa tingin ko naman, playgirl si Izabella. Sa palagay ko nag-eenjoy syang makipaglaro sakin."
"Hindi naman kami tatagal ng taon baka nga isang buwan lang Ced eh."
Napapikit sya bago nagsalita, "mahal magpasakal este magpakasal sa ibang bansa 'di ba?"
"Si Izabella naman daw ang gagastos kaya wala na akong iintindihin dun."
"Akala pa naman namin si Cy ang papakasalan mo, nakahanda pa naman na yung tao."
"Hindi rin naman ako nangako sakanya, sya lang naman yung nagpilit."
"So paano mo sasabihin sakanya na magpapakasal kana sa iba at sa babae pa?"
"Wala naman akong obligasyon sakanya," kaibigan ko sya. Matalik na kaibigan kaya hindi ko rin maisip na pakasalan sya at hihiwalayan din naman.
Masyado syang mahalaga para saktan ko lang.
Mas okay na yung hindi ko ganun kakilala at walang malalim na relasyon sakin.
At least hindi ako masasaktan at hindi rin ako makakasakit.
Isang buwan Jessica.
Ienjoy'in mo na ang isang buwan mong makakasama ang babaeng nagpapasaya sayo ngayon.
BINABASA MO ANG
My Wishlist
Fanfiction"Tumatakbo ang oras at iiwan na ako ng panahon" hey guys! karugtong po ito ng Tattoo and Drunk In Love sa Realismo one shot stories ko ☺