D's
Napahinto ako sa isang flowers shop, balak kong bilhan si Margarett ng paborito niyang bulaklak
Mahigit isang linggo na kaming kasal pero hindi pa ako makagawa ng hakbang para mapamahal ito sa akin
Pag-uwi kasi namin galing Thailand naging busy kami pareho. Ako sa paghahanap ng trabaho.
Si Margarett pumasok agad sa opisina, marami raw kasi syang naiwang trabaho
Sa totoo lang hindi kami nakapag-enjoy pagkatapos ng wedding ceremony namin
2 days lang kami sa Thailand, pagkatapos ng kasal, kinabukasan flight na namin pabalik dito sa Pinas
Bitin man ako, naiintindihan ko parin na hindi naman talaga yung kasal ang priorities nya
Pero masaya parin naman ako dahil sa higit isang linggo naming pagbabahay-bahayan
Sobrang palagay at kumportable naman sa akin ni Margarett.....
Inalis ko ang helmet sa aking ulo at isinabit ito sa manibela ng motor
Pagkababa ko sa big bike dumeretso agad ako sa loob ng shop
"Good afternoon Ma'am" bati ng sales lady sa akin
"Ah, isang bouquet of sunflowers" ngumiti sya tapos isinulat iyon sa maliit na papel
"Maglalagay po ba ng dedication at name ng pagbibigyan?"
"Ah eh. Hindi na siguro!" Napakamot ako sa batok ko. Hindi ko rin kasi alam ang sasabihin
"Sure po kayo?" Tumango lang ako. Ngumiti syang muli bago lumakad palayo sakin
Tumungo ito sa likod ng mga nakaharang na bulaklak
Inabala ko naman ang aking sarili sa pagtingin pa ng ibang mga nakadisplay na mga bulaklak roon
Pinamulsa ko ang aking mga kamay habang mabagal na pumapadyad upang pawiin ang pagkabagot sa paghihintay
"Here's your flowers Ma'am" napatingin akong muli sa sales lady
Agad kong binunot ang wallet sa likuran ng aking pantalon
"P1,200" nanglaki ang mata ko, ganun pala kamahal ang bulaklak na ito?
Binuklat ko ang wallet at napalunok ako sa laman nun
Pumikit ako bago bunutin ang P2000 na natitira sa wallet ko
"I received 2000 pesos" saad nya habang binilang pa iyon
Ngumiti ako bago inabot ang sukli sa kanyang kamay at kinuha ang bulaklak na nasa counter sa harapan nya
Huminga ako ng malalim pagkalabas ko ng shop
Hanggaang saan aabot ang 800 mo Deanna?
Hindi ko alam saan pa ko hahanap ng trabaho. Halos walang tumatanggap sa akin
Pagkakita pa lang nila sa itsura ko eh, hinuhusgahan na nila ako
Papaano ko masusurportahan at mapoprovide ang lahat ng needs ni Margarett ngayong wala na kong pinagkakakitaan?
Napabuga ako ng hangin. Bahala na....
Pagkabukas ko ng pinto ng aking bahay, nagulantang ako sa aking nasasaksihan
Nagkalat lahat ng gamit sa sahig, nakabaligtad ang sofa
At ang pinaka pinanglakihan ko ng mata ay basag ang aking flat screne tv
"Ahhhhh nasaan na yun? Bakit hindi ko makita!!!" Nabalik ang tuliro ko sa pagsigaw ni Margarett
Frustrated ito... halos magtatalon na ito sa inis... nagwala ba sya?
BINABASA MO ANG
My Wishlist
Fanfiction"Tumatakbo ang oras at iiwan na ako ng panahon" hey guys! karugtong po ito ng Tattoo and Drunk In Love sa Realismo one shot stories ko ☺