My Wistlist (6)

969 83 35
                                    

J's

Nagising ako sa di pamilya na kwarto. Bumalot ang takot sa aking buong katawan

Bumalikwas ako upang tumayo pero may mabigat na kung ano ang nakadantay sa aking tyan

Mabagal ko itong tinapunan ng tingin... lalo akong kinahaban

Sino ang babaeng nakayakap sa akin? Nasaan ba ako? Gusto ko ng maiyak

"Tulog pa tayo, baby." Baby? Tinawag nya ba akong baby? Ako ba yung tinatawag nya?

Natatakpan ng bloude nitong buhok ang kanyang mukha

"Ara? Ikaw ba to? Nagpahaba ka na ba ng buhok?" Hinawi ko ang hibla ng buhok sa kanyang mukha

Nanglaki ang aking mga mata at mabilis na napa-atras palayo rito dahilan para mahulog ako sa kama

"Ahhhhhwwwts" daing ko. Nabalian ata ako ng balakang

"Marga, baby. Are you alright? Anong nangyari?" Nakaupo na ang babaeng katabi ko kanina sa kama

Marga? Baby? Bakit nya ako tinatawag sa ganun pangalan? Bakit may endearment sya sa akin?

Sino ba ang babaeng ito?............ nasapo ko ang noo ko sumasakit ang ulo ko sa sobrang pag-iisip

"Marga" naramdaman ko ang paghawak nya sa kamay kong nasa aking sentido

"Masakit ba?" Iniwas ko ang sarili ko sakanya "Shhhhh let me do it"

Nahigit ko ang aking paghinga.... sobrang lapit ng mukha nito habang minamasahe ang sentido ko

Napapikit ako.... sobrang warm ng palad nya. Tila kinakalma nito ang ano mang takot na bumalot sa akin kanina

Tila pamilyar ang mga haplos nya sa akin.... tumatunaw ito sa aking puso

Ang mainit na hininga nyang dumadampi sa aking balat sa mukha

Pinagmasdan ko ang singkit nitong mga mata na binabagayan ng kangyang makakapal na kilay

Tila ba kay tagal ko ng tinititigan ang kanyang magandang mga mata

Napalunok ako. Lalo atang sumakit ang aking ulo

"Iza....." pilit na sambit ko sa kanyang ngalan

"Yes, baby? Masakit pa ba?" Umiling iling ako. Niyakap ko sya kasabay ng pag-agos ng luhang dumadaloy na sa aking mga pisngi

"I'm sorry!" I'm sorry kasi nakalimutan na naman kita.

"Shhhhh ok lang, baby. Bibili nalang ulit ako ng bagong TV" natatawang saad nya

TV? Anong meron sa tv? Nasira ko ba? Pilit kong inalala ang mga nangyari pero katulad kanina sumakit lang ang ulo ko

May kung anong gusto rin lumabas sa aking lalamunan

Dahil humihilab ang aking tyan.... tinulak ko si Iza... kitang kita ko ang pagka-gulat sa kanya

Tumayo ako at tinakpan ang aking bibig.... lalabas na talaga

Hinanap ko ang banyo sa silid na ito ngunit wala nga palang banyo ang kwarto ni Iza

Patakbo akong lumabas at sa sink ng lababo ako dumeretso

Umubo ako at halos maiyak sa pagkawala ng lahat ng kinain ko kagabi

Hinang hina akong napahawak sa counter ng lababo

"Marga, ayos ka lang ba?" Nag-aalalang tanong ni Iza. Naka-alalay na ito sa aking likuran

"Pagod na ko Iza. Gusto ko ng magpahinga" pagod na pagod na talaga ako. Ayoko na ng pakiramdam na'to

My WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon