D's
Hindi ko alam kung anong nangyari at ganun kabilis na ayos ang kasal namin ni Margarett.
At ito na nga, nag-hihintay na ako sakanya sa dambana.
Habang mabagal itong naglalakad sa aisle at inaalalayan ng kanyang mga magulang.
Simple lang ang suot ni Margarett, bagay sa balingkinitan niyang katawan ang suot nyang white dress na hanggang tuhod ang laylayan.
Light ang make up, subalit kumikinang parin ang kanyang kagandahan.
Sobrang ganda ni Margarett, kay swerte ng taong kanyang makakatuluyan.
Gagawin ko ang lahat upang ang simpleng kasunduang ito ay mauwi sa totohanan.
Napalunok ako sa matalim na matang pinupukol sa akin ng Papa ni Margarett.
Gayun pa man, inabot nya sa akin ang kamay ng kanyang anak.
Ngunit ang kanyang kamay ang aking inabot upang magmanong at ganun rin ang ginawa ko sa Mama ni Margarett bago ko kinuha ang kanyang kamay.
Ngumiti si Margarett at hinawak ang palad nya sa braso ko.
Wala kaming kibuan habang naglalakad patungo sa harapan ng dambana kung saan naghihintay ang isang thai officiant na magkakasal samin ni Margarett.
Sa thailand napili ng mga magulang ni Margarett na ipakasal kami dahil mas mura rito at syempre mas malapit sa Pilipinas.
Madali rin ang proseso ng pagpapakasal ng parehong kasarian. Legal kasi ang same sex marriage sa bansang ito tulad sa canada at paris.
Hindi man ganun katanggap, hindi rin naman ganun kakumplekado.
Sa isang famous beach wedding, ginaganap ang kasal namin ngayon ni Margarett.
White beach ito sa Phuket, Phuket Thailand.
Tanging ang parents lang ni Margarett ang witness ng kasal na ito at syempre para sa consent narin.
I'm 11 years older than Margarett, hindi lang halata dahil baby face ako.
Hindi naman na minor si Margarett, pero mas okay na rin na may consent sya ng parents nya. Dahil nga, mas matanda ako sakanya ng higit sampung taon.
Tamang tama ang edad upang magpakasal.....
Dahil biglaan ang kasal na 'to at hindi naman talaga kami couple ni Margarett.
Wala kaming naihandang vows para sa isa't isa.
Kaya scripted vows ang inuusal ni Margarett ngayon sa harap ng dambana.
Nakatitig ako sa kanyang mga mata, tila totoo at nanggaling talaga sa loob nito ang lahat ng kanyang tinuturan.
Para bang hindi ako makapaniwalang nangyayari 'to.
Sobrang bilis ng pagkakataon ngunit, hindi ako manghihinayang na hinahabol ko 'to.
Para lang makasama ang babaeng nagpapaligaya sa akin ngayon....
Nang matapos ang scripted vows ni Margarett. Scripted vows lang din ang sinambit ko sakanya.
Nakatitig lang ito sa akin habang binabasa ko ng buong puso ang mga pangakong nakasulat sa papel na aking hawak.
Ngunit hindi man sa akin nanggaling ang lahat ng nakalathala rito.
Pinapangako kong tutuparin ko lahat ng namutawi sa aking bibig.
Hindi man ito ang kasal na aking pinangarap, sapat na sa akin makasama sa mahabang panahon ang babaeng halos kakakilala ko lamang.
Gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, mapagbago ko lamang ang isip ni Margarett. Gagawin ko ang lahat upang hindi matupad ang huli nitong hiling na nakasulat sa kanyang wishlist.
BINABASA MO ANG
My Wishlist
Fanfiction"Tumatakbo ang oras at iiwan na ako ng panahon" hey guys! karugtong po ito ng Tattoo and Drunk In Love sa Realismo one shot stories ko ☺