J's
Naalimpungatan ako sa kalagitnaan ng gabi, pakiramdam ko'y kakatulog ko lang
Kaya naman napahawak ako sa ulo ko nung kumirot 'to
Wala naman bago sa sistema kong 'to, madalas naman talaga, eh hindi ako makatulog sa gabi
Kung makatulog man eh, katulad ngayon magigising ako sa kalagitnaan ng tulog ko
Mabagal akong pumihit pagilid at kinapa ang kama
Wala akong katabi? Wala si Iza, nasaan sya?
Lately nakaktulog akong muli, mula sa pagkakagising ko kapag nayayakap ko na si Iza
Pakiramdam ko'y nagiging safe ako sa bisig nya at lahat ng mga iniisip ko napapawi nito dahilan para muli akong makatulog
Mabagal kong minulat ang aking mga mata at dahan dahang umupo upang hanapin ang asawa ko
Nilibot ng paningin ko ang kwarto namin ni Iza, at natagpuan ko ito na nakasubsob sa study table nya
Kunot noo akong bumangon sa kama at lumapit sa kinaroroonan nito
"Iza, baby. Sa kama ka na matulog" tinapik ko ang kanyang pisngi
Nilayo ko rin ang laptop sa tabi ng nakasubsob na mukha nito
Baka nagpuyat ito sa pagdudrawing or pagdedesign
Madalas ko kasi syang napapansin nakatutok lang dito sa laptop nya at gumuguhit
Muling kumunot ang noo ko nung umilaw ang laptop, tumambad sa akin ang pinagkaabalahan nya kagabi
"Brain tumor?" Bakit sya.... nagsesearch tungkol sa sakit na 'to?
Mag-aaral ba sya ulit? At papasok sa larangan ng medisina?
Napangiti nalang ako sa naisip ko... mukhang wala naman hilig ang babaeng ito sa ibang bagay, bukod sa sining
Pinatay ko ang laptop at pilit na tinayo si Iza, mabigat sya
Sa payat nyang pangangatawan ay sobrang bigat nito
"Hmmmmm" ungol nito. Inakbay ko sa aking balikat ang braso nya
"Iza, ililipat lang kita sa kama" hirap na saad ko habang inaalalayan sya
Ano bang kinakain mo bukod sakin? At sobrang bigat mo? Hahaha letse
Mabagal ko syang hiniga sa kama at kinumutan ito
Hihiga narin sana ako nung mapansin ko ang isang white clear box na naglalaman ng mga gamot ko
Napahawak ako sa noo ko nag-uumpisa na naman kumawala ang ano mang nasa loob ko
Ayokong ayoko talaga nakikita ang gamot na yan dahil pinapa-alala nito sa akin ang totoong kalagayan ko
Ayokong ayoko pumupunta ng doktor dahil pinaparealized lang nila sa akin ang totoong sakit ko....
Ang sakit ko.... ang sakit na pilit kong tinatakasan....
Nangilid ang mga luha ko... I'm overthinking na naman
Tumataas na naman ang emosyonal stress ko....
Pero teka? Madami akong nakain ka gabi diba? Ang sarap kasi ng nilutong ulam ni Iza, nainom ko ba yung gamot?
Pero parang hindi naman ako masusuka? Naiiyak na talaga ako
"Hindi 'to pwede ayokong tumaba!!!!" Napasigaw ako. Nanginginig rin ang buwang katawan ko
"Hindi to pwede!!!" Lumandas na ang luhang kanina ay nangingilid lang
Nasaan na ba yung gamot na yun? Hindi ko na mapigilan magpanic
Wala na ata akong paki-alam kung may natutulog sa loob ng kwartong ito
Hinahagis ko lahat ng mahawakan ko. "Nasaan na ba yun?" Tumatangis kong usal
Nakagawa ako ng malakas na ingay dahilan para magising ang babaeng nag-alalang nakatitig na sa akin
"Marga? Anong nangyayari?" Hindi ko sya pinansin pinagpatuloy ko lang ang paghahanap sa letseng gamot na yun
"Margarett, tama na! Kumalma ka! Ano ba yung hinahanap mo?"
"Yung gamot ko!!!" Sumigaw ako ng ubod lakas
"Gamot?" Nagpalinga-linga rin si Iza. Nang makita nya ang white clear box na naglalaman ng mga gamot ko at inabot nya iyon
"Ito na! Kukuha lang ako ng tubig!" Umiling ako at hinablot iyon sakanya
"Hindi 'to ang gamot na kailangan ko!!!!" At binato ito sa pader, dahilan upang mabuksan ito at tumapon lahat ng laman nito
"Margarett!!!!" Napasigaw narin si Iza. "Anong ginawa mo? Gamot mo yun... yun nalang tanging alam kong magpapagaling sayo"
"Wala akong paki-alam!!! Hindi iyon ang gamot na kailangan ko!!!! Hindi iyon!!!! Naiintindihan mo?"
Nakita kong nagpipigil sya ng hininga at humawak sa likod ng ulo nya
Pero hindi ko sya pinansin.... kung hindi ko makita ang gamot ko
Isa lang ang tanging paraan upang mailabas lahat ng kinain ko kagabi
Mabilis akong tumakbo palabas ng kwarto at sa sink ng lababo ako dumeretso
Inawang ko ng malaki ang bibig ko at pinasok ang daliri ko roon
Pinilit kong abutin ang lalamunan ko at halos masuka at maubo ako sa ginagawa ko
Muling tumulo ang luha sa aking pisngi sa pahirapan na pinaparanas ko sa aking sarili
Pero pinagpatuloy ko lang ang pagsundot sa lalamunan ko
Hirap na hirap akong umubo at tila ba lalabas na lahat ng bituka ko
"Margarett, ano bang ginagawa mo?" Nag-aalala tanong ni Iza, alam kong nasa likod ko lang sya
Nagmumog ako bago ito hinarap.... galit ko syang hinarap
"Kasalanan mo ang lahat ng 'to!!!" Kahit hinang hina ako eh, nagawa ko parin syang sigawan "Bakit mo ba ako laging pinipilit kumain ah?"
"Hindi mo ba alam na mabilis akong tumaba? Mabilis akong tumaba!!!!"
Sumandal ako sa ref. hapong hapo na ako.... pagod na pagod na talaga ako ayoko na
"I'm sorry, Margarett. Kung.... kung kasalanan ko!"
Napapikit ako... sinapo ng dalawang palad ko ang aking noo
Mabagal akong dumausdos pababa upang mapa-upo sa lapag
"Ayoko na nito.... pagod na pagod na ko! Gusto ko ng mamatay! Gusto ko ng mamatay!!!!!"
"Margarett!" Sigaw ni Iza. Sinasaktan ko na ang sarili ko "Ano ba yang ginagawa mo?"
Hinuli nya ang dalawang braso ko... nakaluhod na sya sa harapan ko
"Bitawan mo ko!!!! Gusto ko ng mamatay!!!! Gusto ko ng mamatay!"
"Huwag mong sabihin yan! Huminahon ka" tumatangis nitong pigil sa akin
"Ayoko na Iza, pagod na pagod na ko! Hindi na ko gagaling, alam mo ba yun? Kaya gusto ko nalang mamatay! Napapagod na ko! Gusto ko ng takasan ang lahat.... ayoko na... ayoko na"
Hinang hina na ako, kaya hindi ko na sya malabanan... hinayaan ko lang syang yakapin ako
"Ssssshhhh wag mong sabihin yan, please lumaban ka ah? Nandito lang ako tutulungan kita"
Umiling-iling ako... hindi na ako makakontra dahil hapong hapo na talaga ako
"Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang, kung kailangan kong ibenta ang bahay na ito para sa pagpapagamot mo gagawin ko"
"Gumaling ka lang! Huwag mo lang akong iwan ah? Hindi ko kaya Margarett eh. Kasi mahal na mahal kita. Mahal na mahal na kita"
Hindi na malinaw sa akin kung ano man ang sinasabi nya
Pagod na ko..... pagod na ko para intindihin pa iyon......
BINABASA MO ANG
My Wishlist
Fanfiction"Tumatakbo ang oras at iiwan na ako ng panahon" hey guys! karugtong po ito ng Tattoo and Drunk In Love sa Realismo one shot stories ko ☺