My Wishlist (8)

890 74 37
                                    

D's

"Selective memory loss?" Nanlalaking matang saad ko. Malumanay lang naman tumango si Celine

Napilit ko syang sumama sakin upang pag-usapan kung anong nangyayari kay Margarett

Naka-upo narin kami ngayon sa pang-apatan na upuan sa loob ng coffee shop

"Niloloko mo ba ako? Lahat tayo nagkakaroon ng selective memory loss"

"Mas malala lang yung kay Jema" seryosong saad nito

"Eh ano nga? Selective amnesia? Pero imposible, dahil bumabalik rin naman yung alala nya?"

Napahinga ako ng malalim at tila ba may na-alala

"Huwag mong sabihing alzheimer's disease?" Napatawa ng mahina si Celine

Agad ko naman syang kinunutan ng noo

"Hahaha sorry, sorry. Kasi naman pangmatanda lang yang sakit na sinasabi mo"

"Eh ano nga kasi? Bakit ba kasi ayaw mo pa akong deretsuhin? Please sabihin mo na kasi sakin?"

"Pasensya na, Deanna. Pero hanggang dyan lang ang pwede kong sabihin sayo"

Napapikit nalang ako at pinagdaop ang aking mga palad sa ibabaw ng lamesa

"Hindi lang naman ikaw ang nakakalimutan nya Deanna, pati rin naman kami"

"Alam mo bang kababata ko si Jema? Pero minsan akala nya katrabaho nya lang ako"

"Gustuhin ko man sabihin sayo ang lahat, pero wala kasi ako sa lugar para sabihin yun"

Mabagal kong minulat ang aking mga mata at tinapunan muli ng tingin si Celine

"May tanong ako, at sana ito sagutin mo"

"Kung kaya kong sagutin at pwede kong sagutin. Bakit hindi?"

"Bakit hindi na sya pumapasok sa opisina? Dahil makakalimutin na sya?"

"Bukod dun, masyado na syang iritado kapag may mga bagay syang nakakalimutan. Nagwawala sya. Hindi narin sya nakakapagtrabaho ng maayos."

"Masyado na syang emosyonal, pinipilit nya lang kung anong gusto nya. Hindi naman sya pwedeng pigilan dahil mas lalong makakasama yun sa sitwasyon nya."

"Oo lang kami ng oo sa lahat ng gusto nyang mangyari. Deanna, gusto kong humingi ng sorry kasi nadamay ka pa!"

"Wala naman kaso sakin yun Celine, eh. Pinasok ko 'to at ginusto ko 'to. Kaya lang gusto lang din naman malaman kung anong nangyayari"

"Masyado na akong clueless, nahihirapan na akong isipin kung ano bang sakit ni Margarett"

"Sorry talaga, Deanna. Wala ako sa posisyon para magsabi sayo eh. Ayokong pangunahan sila tito lalo na si Jema."

"Dahil baka lalo lang itong makadagdag sa pinagdadaanan nya"

Kumuyom ang mga palad ko.... mukhang wala akong makukuhang ano mang sagot mula sa kaibigan ng asawa ko

"Naiintindihan ko" kahit ang totoo gulong gulo na ako

"I'm sorry Deans, at maraming salamat sa pag-aalaga sa kaibigan ko"

"Asawa ko sya, obligasyon kong alagaan sya"

Ngumiti si Celine "Mahal mo na sya no?"

Matamlay akong ngumiti "Sa palagay ko, mahal na mahal ko na ata ang kaibigan mo"

"At handa akong gawin ang lahat para lang mapasaya sya. Kasi ang nagmamatter lang sakin ngayon ay ang kasiyahan nya"

"Kung sa bandang huli, kasiyahan yang iwan ako. Ibibigay ko yun sa kanya" kahit sobrang sakit pa

My WishlistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon