J's
"Ced, please umuwi na tayo. Saan pa ba tayo pupunta?" Nagpapanic kong saad
Hindi kasi ang dereksyon pauwi sa bahay namin ang tinatahak ng sasakyan lulan kami ni Ced, ng kotse nito
"Iuuwi na nga kita Jemalyn!" Kalmado nyang tugon
"Sure ka? Nag-iba na ba kami ng bahay? Lumipat na ba kami?"
Tumingin ito sa akin ng bahagya. Pinanliitan nya ako ng mata
"Sinusumpong ka na naman, kanina lang matino ka pa ah?" Ano daw?
"Ano ba yang pinagsasabi mo? Hindi kita maintindihan! Pwede ba iuuwi mo na ko?" Nayayamot na talaga ako sa babaeng ito
"Pauwi na nga tayo, pauwi na tayo sa bahay ng asawa mo" nanglaki bigla ang mga mata ko
"Nagbibiro ka ba? Ako may asawa?" Naiirita na ako. Hindi ko malaman kung anong dahilan
"Breath Jemalyn! In hale exhale!" Utos ni Ced. Pakiramdam ko nag-iinit na ang ulo ko
"Tigilan mo ko Ced, ah?" Pasigaw na saad ko
Bumuntong hininga ito "Ok talo na ko. Please kumalma ka lang, may pupuntahan lang tayo. Samahan mo lang ako, saglit ah?"
I rolled my eyes sabay irap sakanya. Kitang kita ko sa gilid ng mata ko ang malawak na pag-ngiti nito
Baliw na ba ang babaeng 'to?
Hindi nalang ako kumibo, medyo naiirita na talaga ako.
Tapos iniisip ko kung bakit ba ako laging galit? Kahit walang basehan, kahit sobrang simpleng bagay lang
Pero putcha! Sumakit lang ang ulo ko. Walang pumapasok na sagot sa lahat ng tanong ko
Pakiramdam ko nag-uumpisa na naman umakyat lahat ng dugo ko sa katawan. Mula sa talampakan hanggang makarating ito sa ulo.
Nag-iinit na naman ang ulo ko. Parang anytime sasabok na naman 'to
Pero bakit ba ako nagagalit? Ano bang dahilan ng ikina-gagalit ko?
Dahil hindi ko maalala kung bakit ako galit? Putangina talaga!!!!
Pinukpok ko ang sarili kong ulo. "Ahhhhhhhh!" Ilang ulit kong sinaktan ang sarili ko
"Jessica Margarett!" Sigaw ng babaeng pumipigil na ngayon sa aking mga braso
"Bitawan mo ko!!!! Naiinis ako sa sarili ko! Naiinis ako!!!" Nangilid sa gilid ng aking mga mata ang butil ng luha hanggang ito'y tumulo na
"Jema, please kumalma ka!" Mahinahong saad ng babaeng hindi ko matandaan kung kilala ko ba
Nagpapanic akong lumayo rito. "Sino ka?" Sigaw ko.
"Shhhhhh it's ok Jemalyn!" Tinap nito ang ulo ko ng paulit-ulit
"Sinabing sino ka?!!!" Pilit kong inaalis ang kamay nya
Pumikit sya. Sumigaw ako ng sobrang lakas..... "Mommy!!!!! Mommmy!"
Bigla nalang dumilim ang paningin ko. Tila may tinabon sa akin na kung ano
"Sssssshhhhh Jemalyn, tama na ah? Tahan na! Please! Wala ng mananakit sayo! Nandito kami, ako, si Deanna, ang asawa mo. Si Mama at Papa mo!"
Kumalma ako sa haplos nya sa aking ulo sa labas ng kung anong nakapatong rito
Hinayaan ko lang ang sarili kong umiyak habang dinadama ang haplos nya
"Ok na ah? Ok na ah? Wala ng mananakit sayo!" Tumango-tango ako
BINABASA MO ANG
My Wishlist
Fanfiction"Tumatakbo ang oras at iiwan na ako ng panahon" hey guys! karugtong po ito ng Tattoo and Drunk In Love sa Realismo one shot stories ko ☺