*** Trouble ***
Bumalik kami sa laboratoryo isang linggo matapos ang hindi makakalimutang punta namin sa siyudad. Time passed by quickly.
Malapit na yung Intramurals kaya todo ayos kami ngayon sa Dulcenia. Next week, Wednesday to Friday yung paligsahan kaya dapat handa na ang lahat. Apat na eskwelahan pa naman yung pupunta. Usually, when it comes to competitions, lahat ng schools within Sta. Caro ay kasali kasama kami pero iba naman kapag Intramurals. Mayroong Creon, Dulcenia, Ferrer, at Sceva.
Charolais, Venn, and Milliana had been very caught up lately with their sports while Nairobi and I were tasked to be in the committee.
"Thylane, ikaw in-charge sa food control. I-check mo yung cafeteria dahil doon kakain ang athletes, especially yung matutulog dito. Ikaw na rin sa banners at sa accommodation ng students. Nairobi, sound system ka. Make sure na parang hindi semeteryo ang vibe ng buong school dahil walang music. Check the utility as well—kung may mga sira or kailangan ipaayos."
The officers were all over the place for this hectic week. Minsan, ginagabi na kami sa pag-uwi kaya nagpapasundo na lang ako kay Mang Ben.
"Josh, sa lights ka. Lantern lighting, fireworks, lahat. Ikaw na rin ang mag-asikaso ng mga bagay na kailangan buhatin at lilipatin. Kevin, booths. Dapat bago makarating ang mga estudyante rito, nandyan na sila nakapwesto. Shawn, sa mga equipment ka for the sports. Dapat palaging may sobra kung sakaling may emergency. The rest, tumulong kayo sa decorations, sa mga kit na ipamimigay, at sa kaayusan ng lahat. Thylane, Nairobi, Clinton, at ako, dapat maaga pa tayo sa Wednesday para makapaghanda sa pagdating nila. Nasa harapan tayo ng school for the registration and giving of details slash instruction. Kayong apat dyan," tawag niya sa mga officers na nasa likuran ng sports club office. "Kayo ang iikot buong araw sa event. Kapag may problema, tumawag kayo kaagad sa amin. We will print out and announce the schedule of activities on Tuesday so that may ideya ang lahat."
I didn't get to go to any of my classes that day because I was swarming with org work and running errands. Chineck ko kung malinis na ba yung pool para sa swimming, kung may mga kalat pa ba sa soccerfield, kung maayos na ba yung stadium, at kung masarap yung mga pagkain.
"Thylane," Catrina approaches me as I am talking to one of the chefs sa cafeteria.
"Oh, Cat. Bakit? May ipapaayos ka?" ani ko habang nagsusulat ng mga gagawin at natapos na sa clipboard.
"We already provided the contestants of the pageant their outfits and costumes. Ready na rin yung sa'yo. May mga makeup artist na rin kaming kinuha at hairstylist. Yung ibang schools na lang yung kukuha para sa kanila."
Tumango ako. "Sige. Hindi pa kasi ako nakakahanap ng susuotin. Nakalimutan ko nga na sasali pala ako, eh," mahina akong napatawa ngunit biglang tinablan ng pagsisisi.
"Dahil maraming contestants, tatlong eskwelahan at anim per school ang mayroong participants. We have to narrow it down. Sa umaga yung preliminaries at dahil eighteen kayo, kailangan natin gawing twelve. Gagawa ako ng pangalawang schedule of events para sa pageant. Pwede bang..." she plays with her hand as she nervously wants to ask me something.
Bahagya kong nilakihan ang aking mata para malaman niya na naghihintay ako sa kanyang susunod na sasabihin.
"Pwede bang maging substitute ka kung sakaling may emergency sa badminton at swimming? Hindi kasi ako available sa dami ng gagawin. Ikaw rin yung ilalagay ko sa medic dahil alam kong magaling ka roon," she offers me those eyes when people usually wanted me to accept their favor.
I purse my lips. Sobrang dami kong gagawin. Nakakapagod na kapag kukunin ko pa pero ayaw ko naman magsabi ng 'hindi'. I am capable of being a versatile human being. It's just that, I'm weighing in the exhaustion and burnout afterwards.
BINABASA MO ANG
Visions of the Sea
General FictionShe paints. She dances. She's the epitome of beauty to the masses. Most importantly, she's on her way in becoming a cardiothoracic surgeon, succeeding in her mother's footsteps and continuing her lauded legacy. 15-year-old Thylane Puertollano's li...