Umpisa

40 10 2
                                    

MASAMA ba maging masama? Minsan kasi, hindi naman tama ang maging tama na lang palagi. Nakakasakal. Mahirap kaya maging Santa sa harap ng lahat kung ang totoo naman ay may kasamaan kang tinatago kapag nakatalikod na sila.



Hindi ako pinalaking sinungaling pero hindi rin naman ako 'yung tipong mabait. Sabihin nating matapat ako pero maldita. Wala akong pake.



Kung ano ang gusto kong sabihin, 'yun ang lalabas sa bibig ko. Kahit masakit man at least walang plastikan. Kung ayaw ko sa'yo, malalaman mo agad 'yon dahil talagang hindi ako makikisama sa'yo. Remember, ayoko maging plastic.


Hindi ako plastic e.



"Ary, sama ka sa'min? Birthday ni Ryvo. Invited kami kaya..alam mo na? Pwede kaming mag-invite." Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita sa tabi ko. Nakangiti pa siya at parang sincere na gusto talaga akong isama. As if naman!


Si Ryvo ay isa lang namang heart throb ng campus. Maraming babae ang talagang humahanga sa kagwapahun niya. Playboy din, typical sa mga sikat.


Napairap ako.



"Sige." Walang ano-ano'y tumayo na ako at naglakad palabas ng classroom namin. Ayokong tumagal kaharap ang isang babaeng humaling na humaling kay Ryvo. Kadiri!



Hindi ako sinungaling kaya talagang gora ako sa party na 'yon. Like duh? I love parties more than boys. Kung papipiliin ako between party or boy siguradong party agad ang isisigaw ko.



Hindi ako man-hater pero hindi rin naman ako lover. Duh? Wala lang talaga akong amor pagdating sa mga lalake.



Dumeretso na ako sa bahay namin. Bumungad naman sa'kin agad ang sweet moments nina Mommy at Daddy.


"Gadness gracious! Nasa taas lang naman ang kwarto Mom and Dad. Kaloka kayo." Palagi talaga silang naglalambingan kahit saan. KAHIT SAAN TALAGA, AS IN. Sanay naman na ako pero syempre, sana naman ay respect sa single 'di ba? Echos.



"Oh..Hahaha.. naandito ka na pala baby. There's meryenda in kitchen. I'll get it after you change your clothes." Nakangiting lumapit sa'kin si Mom saka hinalikan ang kanang pisngi ko. Si Dad naman ay sa kaliwa ko.




Naalala ko pa ang dahilan kung bakit kailangan ay doon talaga si Mom sa kanan. Sabi niya, "I'm on the right side because I'm always right!"  At ang dahilan naman kung bakit si Dad ay sa kaliwa, "and you! You should be on the left side 'cause you always leave me after our love session."


Natatawa nga ako sa part na 'yon. Ewan ko kung yung green ba ang ibig sabihin ni Mom or what. LOL.


"Okay Mom... Punta na'ko sa kwarto. Tuloy niyo na ni Dad," pang-aasar ko sa kanila. Tumawa lang si Daddy kaya hinampas siya ng mahina ni Mommy sa balikat niya.

Hulyana's MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon