NAGISING ako sa tila-ok ng mga manok. May sinag din ng araw na dumeretso sa mukha ko kaya nasisilaw ako. May lumabas pa na ungol sa bibig ko dahil sa pagstretch ko ng mga braso at paa ko.
Hay! Ang sarap matulog!
Nanatili lang akong nakapikit at naka
Yakap sa unan ko.Inalala ko naman ang mga ginawa ko kagabi. Umpisa sa may nag-aya sa'kin na pumunta sa isang party hanggang sa may nakita akong memoir.
Agad akong napaupo nang maalala ang nangyari.
Shete! Nakauwi ba ako?
Minulat ko ang mata at parang gusto kong maiyak nang makitang hindi ito ang kwarto ko!
Kinapa ko ang katawan ko nang makasiguradong walang sign na hinalay ako o pinatay ako. Nakahinga naman ako ng maluwag nang mapagtantong walang masakit sa katawan ko. Kompleto rin ang katawan ko kaya napanatag ako ng kaunti.
Tumila-ok ulit ang manok kaya tuloy parang nagising talaga ako sa diwa ko. Parang bumalik ako sa reyalidad.
Wala ako sa bahay namin!
Inilibot ko ang tingin sa kabuuan ng kwartong kinaroroonan. Nakakapagtaka dahil ang estilo ng bahay ay parang makaluma---ay mali, talagang makaluma!
Ang dingding ay kahoy. Ang mga kabinet at upuan ay talagang sa kahoy gawa. Parang mga antigo ang mga bagay sa lugar na'to. Ang bintana ay katulad din sa mga bintanang makaluma sa mga historical fiction na palabas lang sa T.V. na dati ay napapanood ko lang.
May manok din!
Posibleng nasa probinsya ako..pero bakit ako makaaabot sa probinsya?
Napatakip ako sa bibig.
Gad! Kahit kailan ay hindi pa ako nakapupunta ng probinsya dahil wala naman kaming bahay doon. Sa Manila lumaki si Daddy dahil sa Maynila daw talaga ang base nila eversince. Si Mommy naman ay walang sinasabing may pamilya kami sa probinsya. Kaya in short, wala talagang rason kung bakit narito ako ngayon sa isang probinsya.
Napatingin din ako sa suot. Halos lumuwa pa ang mata ko nang makita kung ano ang nasa katawan ko ngayon.
"Baro't saya?!" P-paano?! Tiningnan ko pa ang tela at klase ng saya na suot ko ngayon. Hindi ako makapaniwalang makasusuot ako ng ganitong klase ng saya. Siguradong mahal ito! Kakaiba ang klase ng tela ang ginamit. 'Yung tipong pangmayaman talaga.
Sinampal ko ng malakas ang mukha ko. Napa-aray naman ako nang magmanhid iyon dahil sa sakit. Ibig sabihin lang niyon ay hindi ako nananaghinip. Totoong nangyayari 'to!
Napahawak ako sa ulo ko nang medyo kumirot iyon..
Hang-over ata? Pero hindi nga kasi ako nalasing. Baka sa kaiisip ko lang.
Nagulat pa ako nang biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko at may babaeng halos kasing edad ko lang ang dali-daling lumapit sa'kin. Mukhang nag-aalala pa siya.
Gusto ko pa nga sanang matawa nang makitang nakasuot din siya ng saya tulad ko. Ang kaibahan lang ay medyo kupas ang kulay ng kaniya at mukhang luma na.
"Binibini, ano ang iyong nararamdaman? Nais niyo po bang dito na lang mag-agahan?" Seryosong tanong sa'kin ng babaeng kapapasok lang sa kwarto ko. Doon ko lang naalala na nakahawak pa ang kamay ko sa ulo kong sumakit kanina.
"Ah..eh..wala naman! Ah..okay lang ako?" Nakita ko sa mukha ng babae ang pagkataka sa 'di ko naman alam na dahilan.
Siguro sa tingin niya mukhang nasisiraan na ako. Itanong ko ba naman na okay lang ako.

BINABASA MO ANG
Hulyana's Memoir
Narrativa StoricaSa pagpulot ni Arylle Monteverde ng isang makalumang kuwaderno, magbabalik siya sa nakaraang panahon. Sa unang pagkakataon, muling mabubuksan ang isang kwento. Kwentong nangyari halos dalawang siglo na ang nakararaan. Ang kuwadernong kaniyang napulo...