Naging mabilis nga ang takbo ng oras. Natapos na ang isang week bago ang birthday ko. Ngayon ay dalawang araw na lang ay kaarawan ko na. Excited ako na medyo kinakabahan ngayong magdidebut na ako. Excited ako dahil magiging legal na ang edad ko. Pwede ng pumasok sa bar or clubs, pwede na akong pumunta o gumala ng malayo. Kinakabahan din naman ako at the same time dahil kailangan ko ng magmature sa ibang bagay.
Mix emotions ang nararamdaman ko ngayon.
Nasabi rin sa'kin ni daddy na may nirekomenda raw si Mr. Guillermo na probinsya. Nalimutan ko na ang pangalan pero maganda raw doon. Doon daw lumaki si Mr. Guillermo kaya may basis ang sinasabi niya. Dumagdag din iyon sa excitement ko. For the first time, makakapunta na ako sa isang probinsya. Hindi na tuloy ako makapaghintay.
Ilang araw na nga akong hindi makatulog.
Ngayon ang biyahe namin papunta roon. Nakahanda na ang mga dadalhin namin. Eroplano ang gagamitin namin para mas mabilis kaming makarating. Five days lang ang excuse ko sa school kaya hindi kami ganoon katagal.
"Baby, handa na ba ang lahat?" Chineck ko ang mga bagahe namin. Hinanda pa kasi ni daddy ang sasakyan namin. Apat ang bagahe na dala. Katamtaman lang naman ang laki ng mga luggage namin. "Yes Mom." Sagot ko nang masiguradong walang maiiwan.
Tinulungan ko na silang dalhin sa compartment ng sasakyan ang mga luggage namin. Inayos ko ang hat na suot. Gawa iyon sa straws at galing pa iyon sa Batanggas. Magandang klase ito. Bagay sa pupuntahan ko. Probinsya. Mag-aala haciendera ako.
Pumasok na ako sa backseat nang matapos na namin malagay ang lahat. Isang oras pa bago kami makararating sa airport. Huwag ngalang traffic dahil baka mas matagalan.
Nagkukwentuhan lang sina Mommy at daddy about sa plano nilang gagawin namin sa birthday ko. Gusto pa rin nila talaga na maghanda. Hinayaan ko na lang. Sila naman ang magpreprepare.
Sinalpak ko na lamang ang earphones sa tenga at naghanap ng magandang music. Sumandal ako sa sandalan at pinikit ang mata.
HINDI ko pala namalayan na nakatulog na ako. Nagising lang ako sa mahinang kalabit ni Mommy sa braso ko. Nakarating na pala kami sa airport. Pinasundo lang ni daddy ang sasakyan sa driver namin. Hindi namin siya madalas pinadadrive lalo na kung andiyan naman si daddy.
Sumalubong sa'kin ang air-conditioned na hangin sa loob ng airport. Marami rin ang tao. May nagsasalita rin sa speaker.
On-time lang kami dahil hindi na namin kinailangan pang hintayin ang eroplano na sasakyan.
Nang makasakay na kami ay pinili kong umupo sa may parte ng bintana. Gusto kong tumingin sa peaceful clouds.
Nakasakay na siguro ang lahat ng pasahero kaya nagsalita na ang flight attendant tungkol sa mga paalala at sa kung ano ang mga dapat gawin.
Kanina pa naman ako nakaseatbelt kaya wala na'kong problema.
Nagbasa na muna ako ng libro na dala. Iyong lessons namin ngayong araw ay pinag-aaralan ko na. Nakatulog na kasi ako kanina kaya hindi na ako inaantok. Sina Mommy at daddy naman ay tulog na. Nakapatong ang ulo ni Mommy sa balikat ni daddy. Si daddy naman ay nakapatong ang ulo sa may ulo ni Mommy. Nakaakbay din siya sa balikat na mommy. Sana all nga ay sweet. Kung may langgam dito sa eroplano, siguradong puno na sila.
Minsan ang hirap pang intindihin ng libro pero mabuti na lang dahil hindi loading ang utak ko ngayon kaya nakukuha ko naman kahit papaano.
BINABASA MO ANG
Hulyana's Memoir
Fiction HistoriqueSa pagpulot ni Arylle Monteverde ng isang makalumang kuwaderno, magbabalik siya sa nakaraang panahon. Sa unang pagkakataon, muling mabubuksan ang isang kwento. Kwentong nangyari halos dalawang siglo na ang nakararaan. Ang kuwadernong kaniyang napulo...