Kabanata Walo

7 3 0
                                    

NAGISING na lang ako na nasa kwarto na. Pero hindi pa rin ako nasa panahon ko. Heto pa rin ako sa lugar kung saan si Hulyana ako at hindi si Arylle.


"Hulyana..mabuti na po ba ang iyong pakiramdam?" Nag-aalalang boses agad ni Issa ang narinig ko. Maingat akong tumayo. Inalalayan niya pa nga ako. "Okay lang ako... I mean ayos lang. Anong nangyari? Tapos mo ng hugasan 'yung mga plato?" Naalala ko kasing naghuhugas pa kami ng plato nang biglang nahilo na lang ako tapos ay may mga alaala na pumasok sa utak ko.


"Hulyana...ika'y nawalan na nga po ng malay ngunit ang mga kubyertos pa rin ang iyong inaalala.." Umiling-iling pa siya. Natawa na lang tuloy ako.


"Sorry naman...Uy nga pala..gumala ba talaga tayo? Tapos umupo tayo sa isang upuan sa ilalim ng puno?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Well, para malaman ko kung alaala ba 'yun o isang panaginip lang. Uso rin naman kasi ang magtanong. Tumango siya. "Nagpunta po tayo roon noong isang araw, Hulyana" Napahawak ako sa baba.


Ilang araw na ang nakalipas nang mapanaginipan ko 'yun. Akala ko nga ay panaginip lang, hindi pala. Totoo pala talaga. Nangyari pala talaga.


"Totoo?" Tanong ko ulit. Unli lang. Para sure talaga 'no. "Totoo po, Hulyana" sagot niya naman sa'kin. Tumango na lang ako.


"Samahan mo 'kong gumala ulit.." Parang gusto ko kasing pumunta na muna roon. Peaceful at nakakakalma ang lugar. Kailangan ko rin 'yun para mabawasan ang stress ko ngayon. "Ngunit Hulyana...baka ika'y mahimatay lamang ulit" may pag-aalala at alangan sa boses niya.


Umirap ako. "Duh? Hindi 'yan!" Natigil ako nang may maalala.


"Issa, wala naman bang nakaalam na hinimatay ako?" Tanong ko. Baka kasi kapag nalaman nila ay kung ano pa ang iisipin nila tungkol doon. Dadagdag 'yon sa pag-aakala nilang gusto ko ng mag-asawa dahil nga sa ipinagluto ko sila kanina. Baka isipin din nila na buntis na ako kaya nga nagluto ako.

Kaloka!


"Hindi pa Binibini. Ngunit mamaya ay akin pong ipaaalam sa kanila ang nangyari upang masuri ang iyong lagay..." Mabilis na umiling naman ako. Mabuti na nga'ng hindi nila alam. "Huwag, please! Okay lang naman talaga ako e. I mean, ayos, mabuti, gano'n! Huwag ka ng masyadong mag-alala.." Feel ko hindi talaga siya nakumbinsi.



"Hulyana..nakakapagtaka pati ang iyong pananalita. Hindi ko alam kung ano ba ang iyong pinagdaraanan ngayon.. Ako'y nag-aalala." Sa totoo lang, kumportable ako sa kaniya kaya hindi ko pinipilit magtagalog ng malalim 'pag siya lang ang kasama ko. Ayokong maging Hulyana kahit sa harap niya lang sana.


Ngumiti ako ng malungkot. Kung malalaman niya rin naman o nila ang kung ano man ang pinagdaraanan ko ngayon ay hindi  rin naman nila paniniwalaan. Sino ba ang halers na maniniwalang galing ako sa future? Na hindi ako ang babaeng kinikilala nila ngayon. "Ano ka ba? Bawal na bang mag-iba ng pananalita? Hindi tayo malaya mula sa Espanyol sa panahong 'to pero malaya naman tayong magbago, 'di ba? Anong masama kung magbabago ako ng slight?" Natigil ako. "I mean ng kaunti?" Hay, sisiguraduhin kong magsalita ng purong Filipino 'pag nakabalik na'ko sa panahon ko. Dapat talaga ay mas tinatangkilik ang sariling atin.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 25, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hulyana's MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon