Ito na nga ang araw na pinakahinihintay ko. Araw na isa sa mga importante para sa mga babae. Araw na pinakainaabangan ko rin na dumating.
18th birthday ko na ngayon. Ang dahilan kung bakit kami naandito sa probinsya. Ang dahilan kung bakit napuntahan ko rin sa wakas ang lugar na pinakagusto kong mapuntahan. Masasabing weird nga ang pagkagusto kong makapunta sa isang probinsya. Madalas kasi ay mas gusto ng mga kaedad ko na mapuntahan ay ang mga lugar na labas sa bansa. Tulad ng Korea, Japan or Paris. Pero ako ito, na mas gustong makapunta sa isang probinsya na naririto sa Pilipinas.
Hindi ko pa kasi nalilibot ang Pinas, hindi pa lahat ng tourist destinations dito ay napuntahan ko kaya nga iyon ang pangarap ko. Sabi ko noon, once na magbirthday na ako, magdebut, sisiguraduhin kong uumpisahan ko na ang paglilibot. Well, tatapusin ko pa rin naman ang college with flying colors. Hindi ko pababayaan ang studies dahil importanteng may kursong natapos para magkaroon ng pera sa huli. Pera na magagamit ko para makapagtravel.
Nag-ayos na ako ng sarili. Sinuot ko ang red fitted-dress na regalo ni Mommy. Above the knees ito. May slit din sa kanang bahagi bilang style. Paekis ang style ng strap na nagdudugtong sa likod na tela mula sa harap ng dress na ito.
Napangiti ako ng todo habang tinitingnan ang reflection sa mahiwang salamin na ito. Charot! Maganda lang talaga ako kaya mas gumaganda pa ako lalo rito. Hindi ko tinali ang buhok. Ni-curl ko rin ang dulo ng buhok para na rin dagdag sa style. Light lang ang make-up ko kasi hindi naman na kailangan pa dahil natural na ang beauty ko kumbaga.
Sa suot ko ngayon parang mas lalo ko tuloy na feel na nasa tamang edad na ako.
Bumaba na ako para makaumpisa na ang party. Naisip kasi nilang magparty pa rin kahit ayaw ko nga. Pinagbigyan naman nila ako na hindi bongga kaya okay lang.
Pagkalabas ko pa lang sa kwarto ay rinig ko na ang mga ingay na nanggagaling sa mga bisita sa baba. Nagpaalam naman daw si daddy na magdiriwang sila ng party sa bahay na ito, pumayag naman si Mr. Guillermo kaya walang problema.
Dahan-dahan akong bumaba sa hagdan. Unti-unti ko ng nakikita ang maraming bisita na nagkalat sa living room.
Lumapit sa'kin si Mommy at Daddy. Ngumiti ako sa kanila. "Happy birthday my baby..." Emosyonal na greet ni mommy. Natawa na lang ako sa niyakap siya. "Don't cry Mom, thank you po.." Si Daddy naman ang sumunod na bumati sa'kin. "Happy Birthday sa unica hija ko. Dalagang-dalaga ka na, anak ko. Kinakabahan na tuloy ako, baka dumagsa ang mga manliligaw mo na magpupunta sa bahay natin." Natatawa si daddy kaya tumawa na lang kami. Kaloka rin talaga ang iniisip ni daddy.
"Ano ka ba naman dad, as if naman. Ang lumapit nga sa'kin, 'di nila carry. Ang magpunta pa kaya sa bahay?" Natawa na lang ulit kami.
"Saan nga po pala kayo kumuha ng mga bisita?" As in marami talaga kasi. Feeling ko inimbitahan nila ang isang buong bayan sa dami ng tao. "Sa mga kapit bahay natin saka mga nakilala namin sa bayan." Nakangiting sagot ni daddy. Kahit saan ata siya magpunta ay magkakaroon agad siya ng kaibigan. Sa kaniya ako nagmana sa pagiging confident. Hindi nga lang ako friendly. Ni friend nga ay wala ako, bestfriend pa kaya.
Ipinakilala na ako nina Mommy saka binati naman ako ng mga bisita. Ang mga mukha nila ay pulos may mga ngiti. Kumuha muna kami ng mga picture. Ang buong bahay habang may sari-sariling ginagawa ang mga bisita. Family picture namin. Pagkatapos ay lahat kami. May pinapicture lang muna si daddy na isang tao. Natawa pa ako dahil ginamit na agad ni daddy ang bagong camera niya. Pagkatapos kumuha ng isang babae ay alternate naman sila ng isang lalake para may picture rin ang babae na kasama kami.
BINABASA MO ANG
Hulyana's Memoir
Fiksi SejarahSa pagpulot ni Arylle Monteverde ng isang makalumang kuwaderno, magbabalik siya sa nakaraang panahon. Sa unang pagkakataon, muling mabubuksan ang isang kwento. Kwentong nangyari halos dalawang siglo na ang nakararaan. Ang kuwadernong kaniyang napulo...