GUMALA na muna ako. Nagpunta na kasi sa bayan sina Mommy at daddy para bumili ng handa ko. Gusto nila akong isama pero ayaw ko kaya nagpaiwan naman ako. Hindi pa nga sana pabor si Daddy pero napapayag ko naman.
Actually, hindi naman talaga ako gumala sa malayo. Duh? Ayokong maligaw o matagpuan bukas sa isang talahiban, ano. Saka pumayag naman ang apo ni Lolo Alex na samahan akong mamasyal sa lugar.
"Ngayon ko lang ba nakapunta rito?" Tanong ng lalakeng apo ni Lolo Alex. Tahimik kami mula kanina kaya nagulat ako nang magsalita siya. "Hindi naman ako magpapasama kung nakapunta na ako kaya... oo." Simple kong sagot. Hindi niya nga siguro inaasahang gano'n ang sagot ko. Maya-maya ay tumawa siya. "Bakit dito mo gustong magbirthday?" Matanong pala ang isang 'to. Sana pala ay 'di na lang ako nagpasama.
Tumingin ako sa kaniya. "Bata pa lang ako, gusto ko ng pumunta sa isang probinsya. Saka, gusto ko ang vibes dito." Tumango siya. Ilang minuto ulit kaming natahimik.
"Alam mo ba na ang iba ay mas gusto sa Maynila kaysa probinsya?" Tanong niya. Sa linya niyang iyon ay naalala ko si Lolo Alex. Talagang maglolo nga sila. "Hmm.. depende naman kasi." Sagot ko. "Tama. Hindi lang siguro nila naaappreciate ang ganda rito. Hindi nila nararamdaman ang kapayapaan sa lugar na ganito." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon.
Magaan ang loob ko sa kaniya. Hindi ko nga alam kung bakit. Pati kay Lolo Alex ay palagay ang loob ko. Feel ko matagal ko na silang kilala. Feeling ko lang naman.
"Dito madalas magpunta ang mga mamamayan ng lugar nito. Sabi ng mga matatanda." Tumigil kami sa malapit sa balon. Hindi na kami lumapit dahil daw baka may mga insekto roon. May mga lumot na ang sementong harang niyon. Hindi na masyadong napupuntahan. Halatang pinabayaan, in short. "Sabi pa nila, mahiwaga daw ang balon na 'yan dati." Nakangiti niyang kwento. "Mahiwaga? Talaga?" Natawa ako. Kahit noon pala ay nagpapaniwala na sila sa fantasy.
Tumango siya at natawa na rin. "Oo, totoo. Dyan daw sila humihiling kapag may gusto silang makuha o mangyari." Nakatingin pa rin siya sa balon. "Natutupad naman daw ba?" Tanong ko na lang para sakyan ang kwento niya. "Oo raw. Madalas ay natutupad. Pwedeng coincidence pero malay natin, baka totoong mahiwaga nga ang balon. Kung iyon naman ang pinaniniwalaan nila, edi nasa kanila na 'yon."
Naglakad na kami. "Saan na naman tayo ngayon?" Hindi makapaghintay kong tanong. "Basta." Mas lalo tuloy akong nacurious.
Nagtungo kami sa isang patagong lugar. Maraming puno kaya hindi mo malalaman kung ano ang nasa likod ng mga iyon. Doon kami patungo kaya kinabahan tuloy ako.
Tumigil ako sa paglalakad. "Hoy! Bakit tago 'to?! Ayokong sumama, baka ano pang..." Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Nag-init tuloy ang mga pisngi ko. "..balak mo!" Dugtong ko sa unang sinabi. Tumawa siya. Napahawak na rin sa batok.
"Kung ano 'yang nasa isip mo, hindi ko 'yan kayang gawin. Huwag kang mag-alala dahil gusto ko lang talagang ipakita ang nasa likod ng mga punong 'yan." Tinuro niya pa ang direksyon kung saan ang mga matatayog na puno. Nakagat ko tuloy ang pang-ibabang labi. Masyado na talaga sigurong naging maberde ang utak ko. "Kung ayaw mo... O sige, halika na. Marami pa namang magandang lugar na pwedeng puntahan." Naglakad na siya sa pwesto ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/239687114-288-k738807.jpg)
BINABASA MO ANG
Hulyana's Memoir
Historical FictionSa pagpulot ni Arylle Monteverde ng isang makalumang kuwaderno, magbabalik siya sa nakaraang panahon. Sa unang pagkakataon, muling mabubuksan ang isang kwento. Kwentong nangyari halos dalawang siglo na ang nakararaan. Ang kuwadernong kaniyang napulo...