Kabanata Tatlo

11 8 0
                                    

Pagkatapos ng pagsupalpal ko sa impokritang iyon ay sinama ko sa CR ang babaeng nakatapon. Isabela pala ang pangalan niya. Gaya nga ng hula ko ay hindi sila gaano kayaman kaya ganoon na lang siya alipustahin ng babae kanina.

Mas lalo talagang nag-init ang ulo ko sa impokrita dahil si Isabela pa pala ang mas natapunan. Siya talaga ang basang-basa. Ang kwento niya pa nga sa'kin ay ang impokrita ang may dala ng wine glass na may laman. Hindi daw iyon tumitingin sa daan kaya nabangga siya at iyon nga, natapunan siya. Nakatalikod kasi si Isabala raw nang bigla na lang may bumunggo sa kaniya at natapunan pa siya ng wine pero dahil sa natapunan din ang impokrita, edi ayon, umakting na akala mo artista sa sikat na palabas.


Kulang sa pansin. Kaloka!


"Hintayin mo lang, padating na rin ang damit na pinadala ko sa Yaya namin."  Seryoso kong sabi. Humarap ako sa salamin para ako naman ang makapag-ayos. Medyo gumulo na kasi ang buhok ko. Nastress din siguro sa impokrita. "Naku, miss Arylle! Nakakahiya na po.." halata pa nga na nahihiya siya. Hinarap ko siya. "Mas nakakahiya na ganiyan ang itsura mo paglabas dito." Mataray kong sagot na ikinatahimik niya na lang.



Ilang minuto pa ang hinintay namin bago dumating ang damit. Dali-dali naman siyang nag-ayos. Pagkatapos ay lumabas na kami sa CR at pumunta na sa kaniya-kaniyang pwesto.


Hindi ko na nga nakita ang impokritang babae. Siguro ay nag-inarte nanaman. Hiyang-hiya naman kami sa kaniya. Napairap na lang ako sa hangin.


"Baby...hindi man lang tayo nagkita roon sa banyo, sana sabay na lang tayong pumunta" bungad ni Mommy nang makabalik na ako sa table namin. Nasa tabi niya pa rin si Ryvo. Nakangisi. "May sinamahan lang ako Mom. Nga pala, si daddy hindi pa rin ba bumabalik?" Kanina pa 'yon ah?


"Not yet. Hayaan mo na...Nawili na siguro.." Mahinhin na humalakhak si Mommy. Bumaling siya kay Ryvo. "Oh, hijo...Musta ang parents mo?" Sumimsim si Mommy sa wine niya.

"Their fine po..baka nga daw po doon sa restaurant niyo po ganapin ang anniversary nila." Kung titingnan, akala mo talagang mabait at inosente si Ryvo habang kausap si Mommy. 'Yun pala kabaliktaran. Pasimple akong umirap. Kulang na lang talaga ay maduling na ako.



"Wow! I don't know what to say... Don't worry, sisiguraduhin kong magiging masaya ang anniversary nila." Hindi na ako nakinig sa pinag-uusapan pa nila. Wala akong interes doon.





PAGKATAPOS ng party ay umuwi na rin agad kami. Wala naman akong ginawa roon kun'di umupo pero napagod pa ako. Nagbihis na muna ako ng damit bago pabagsak na humiga sa kama.


Napatingin ako sa kisame. Para bang doon ko mapapanood ang imagination ko.



"Ah! May handog nga pala ako sa iyo aking munting dyamante.." Pinaupo niya muna ako sa kaniyang kama. May kinuha siya sa aparador nila. Nang lumapit siya sa'kin ay may hawak na siya. "Sana'y iyong magustuhan ito anak" binigay niya sa'kin ang isang bagay na napakapamilyar sa'kin. Hindi ako makapaniwala nang kunin ko iyon sa kaniya. Sinuri ko pa ang pabalat niyon.

Halos lumabas ang eyeballs ko nang manlaki ang mata ko dahil sa napagtanto.

Ito nga!

Hulyana's MemoirTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon