WBS: 25

1.8K 89 70
                                    

Mew's POV

Kakarating lang namin ni Gulf sa bahay ng may biglang lumapit sakin at basta na lamang akong hinalikan sa labi.

Nanigas buo kong katawan ng makilala ito.

"K-Kathlyn?"  gulat kong napatitig sa kanya.

She looks so different now than before. Yung dating simpleng babae ngayon, she looks slut in my eyes.

I checked her from head to toe. She's wearing a fitted dress that almost see her soul and a thick red lipstick.

"I miss you hon. Did you missed me?" Nailayo ko mukha ko sa kanya ng muli niya akong halikan.

"Why are you here?" hawak ko siya sa magkabilang braso at bahagyang siyang inilayo sakin.

"Anak!" napalingon ako ng tawagin ako ni mama.

Andito din pala sila ni papa.

"Ma what is this all about? What is she doing here?"

"Nakiusap siya samin nak. Gusto ka daw niya makausap." saad ni mama sakin.

"Mommy!" I heard Rain's voice.

He's running towards us.

"My baby!" bumitaw sa pagkakahawak ko si Kath at hinarap si Rain na patakbong lumapit samin.

She open her arms widely to embrace my son.

Huminto si Rain sa pagtakbo at nakatitig lamang sa ina nitong naghihintay na yakapin siya.

"Come here Rain. Hug mommy!" sabi ni Kath.

I almost forgot about Gulf. Nilingon ko siya. Wala itong imik na nakatingin lang sa aming lahat.

"You're not my mommy!" galit na tugon ng anak ko kay Kath.

"What are you saying? I'm your mother!"

Nilampasan lamang siya ni Rain and directly went to Gulf.

"This is my mommy! Not you!" masungit nitong sabi kay Kath sabay hawak sa kamay ni Gulf.

"What? You're kidding me! This man...." turo niya kay Gulf. "is your mommy?" hindi makapaniwala niyang sambit sa anak ko.

"What kind of joke is this Mew?" sa akin naman niya ibinaling inis niya.

I'm about to talk back with her when my son suddenly pushed her.

"You're a joke here!" galit nitong sabi sa kanya.

Sinaway naman ito agad ni Gulf.

"Sorry! Akyat ko lang siya sa taas para makapag usap kayo!" sabi ni Gulf sabay karga ka Rain.

"Ma, pa, you better get home. I'll talk to her!"

Tumango naman mga ito. Hinatid ko sila hanggang sa labas.

"I'm sorry nak. Ayaw niya kasi paawat. I already told her na huwag ka na guluhin pero masyado siyang mapilit. Isa pa, siya parin ang ina ng anak mo!" mahabang paliwanag sakin ni Mama.

"You don't have to apologize ma. Hayaan niyong ayusin ko to between us!" kinuha ko mga kamay nito at marahang pinisil pisil.

"Drive safely pa!" tugon ko kay papa na tumango naman sakin.

Kumaway ako sa kanila habang papalayo ang sasakyan nila.

Bumalik ako sa loob at nadatnang nakaupo sa sofa si Kathlyn.

WANTED: BABY SITTER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon