WBS: 32

1.8K 86 16
                                    

Mew's POV

"Ma si Rain?" tanong ko kay mama. Hinalikan ko ito sa pisngi.

Nasa hardin ito ng pamamahay nila ni papa at inaayos mga bulaklak. Isa ito sa naging libangan niya.

Kagagaling ko lang ng opisina.

"Andun sa sala naglalaro kasama ang ama mo!"

Pinuntahan ko naman agad si Rain sa sala. Naisip ko kasing ipasyal to.

Naabutan ko nga sila naglalaro sa sala ni papa.

"Rain! Hi pa!" tawag pansin ko sa kanila.

Lumingon sila sa direksyon ko.

"Daddy!" tuwang tuwang salubong nito sakin.

"Have you seen mommy already daddy?" bungad agad na tanong niya sakin ng buhatin ko siya.

"Not yet baby! Mahirap hanapin mommy mo!" he made a sad face dahil sa sinabi ko.

"Don't be sad na. Let's eat outside. Malay mo makita natin si mommy mo!" pinisil ko pisngi nito.

"Pa, alis na po muna kami. Father and son bonding again!" natatawa kong saad sa kanya.

Tinapik naman niya balikat ko.

"Go ahead and hopefully mahanap mo na si Gulf!" saad nito.

I hope so!

We both said goodbye to my parents.

"Bye lala, bye dada!" Rain is waving his cute little hands on my parents as we go outside the house.

"Bye bye! Have fun with your dad okay!" Mom shouting and waving back at us.

"Let's go Butler. Sa mall tayo!" sabi ko.

Agad naman kami ni Rain sumakay. Ilang sandali pa at nakarating din kami ng mall.

Sa KFC kaagad kami dumeresto para kumain. Iniwan ko muna si Rain kay Butler at ako na ang nag order ng kakainin namin.

Nasa ikatlong pila ako ng may mapansin akong isang tao sa kabilang linya.

"Gulf?" mahina kong sambit.

Hindi ako pwede magkamali. Siya ang nakikita ko. Nakasumbrero ito ng kulay puti. Naka adidas na itim na jacket at asul na pantalon.

Matapos makapag order ito ay sinundan ko siya ng tingin. Umalis ako sa linya ko at hinabol ito. Palabas na ito ng KFC.

"Gulf wait!" pagpigil ko sa kanya.

Huminto naman ito at kunot noong humarap siya sakin.

"Pardon me? What did you just called me?"

Halos di ako makapagsalita ng humarap ito. He looks so different now.

Ang nakakapagtaka lang bakit di niya ako kilala?

"Is this a kind of joke Gulf? So ano to?Matapos mo akong iwan nagka amnesia ka na?" galit kong asik sa kanya.

Parang lalo pa itong naguluhan sa sinabi ko.

"Excuse me? Wala akong alam sa sinasabi mo. Sino ka ba?" hinila nito ang braso niyang hawak ko.

"Stop playing around Gulf. Hindi nakakatuwa na magpanggap kang walang alam!" inis kong sabi dito.

"Mr. Who you are, first of all, I'm not playing not even joking at you. Second of all, I'm not Gulf. Im Type! Type Thiwat." galit na rin ito.

Natawa naman ako ng pagak sa sinabi niya. Type Thiwat?

Type my ass. Ano to? Nagpalit na din siya ng pangalan para takasan kasalanan niya sakin. Ang kasalanang iwan ako ng basta basta nalang.

WANTED: BABY SITTER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon