WBS: 8

2K 109 38
                                    

Gulf's POV

Nagising ako sa tilaok ng mga manok. Maririnig ko din ang mga ibon na tumitilaok este humuhuni.

Tinatamad na bumangon ako ng kama. Wala na sa tabi ko ang dalawa. Ayos mukhang ako lang di nakatulog ng maayos nito.

Bwisit naman kasing abs at patutoy ni Mew hindi tinantanan utak ko.

Bumababa ako sa kama at nagtungo sa banyo. Mukha akong zombie. Sabog ang buhok.

Kinuha ko ang toothbrush ko at wala sa sariling nag toothbrush. Naghilamos na rin ako matapos makapag-toothbrush.

Lumabas na ako ng kwarto. Maaga pa naman kaya may oras pa akong magluto ng umagahan. Baka nagbonding ang mag ama.

Patungo na ako ng kusina ng madatnan ko si Mew na nagluluto.

Halos mapanganga ako ng pagmasdan ko siya. His wearing an apron with boxer only.

Ganito ba talaga siya lagi dito?

"Daddy, should I wake up mommy?" rinig kong sabi ni Rain.

Kinukuyakoy pa nito sa ilalim ng mesa ang paa habang nakapangalumbaba sa mesa.

"No baby." sabi naman nito sa anak.

"Ehh? why not daddy?" he said while pouting.

Napatago ako sa gilid, sa may dingding ng humarap si Mew sa anak. Pinakinggan ko usapan nila habang nakatago.

"Let's bring this food to your mommy and eat together in your room. Shall we?" rinig kong sabi ni Mew.

"Okay daddy!" masiglang sabi nito sa ama.

Shit! Kailangan kong bumalik sa loob ng kwarto.

"Wash your hands first! Come let me wash it!" sabi ni Mew.

Nilingon ko sila. Saktong nakatalikod mga ito kaya kinuha ko ang pagkakataon na yun para bumalik sa kwarto.

Kung kanina para akong zombie, ngayon para naman akong si flash sa bilis ng takbo ko.

Natataranta ako kung ano sunod gagawin ng makapasok sa kwarto.

"Kalma Gulf, kalmahin mo puso mo!" parang tangang kausap ko sa sarili ko.

Shit! Bakit kasi naisipan niya pang dito kumain.

Sa taranta ko bumalik ako sa kama at nagkunyaring tulog.

Kulang nalang lumuwa puso ko sa dibdib sa lakas ng kabog. Letseng puso to.

Maya maya pa ay narinig ko ang pagbukas ng pinto. Naramdaman ko ang pagbounce ko sa kama.

"Mommy! Mommy wake up!"

Nagkunyari pa rin akong tulog. Ayokong imulat mga mata ko. Ayoko makita hitsura ni Mew.

"Daddy kiss mo si mommy para magising!" rinig kong sabi nito.

Pisting bata to. Kailangan talagang ganun gawin ng ama niya para lang magising ako?

Agad ako nagmulat ng mata. Ayokong maulit nangyari kagabi.

"Good morning baby!" bati ko kay Rain.

Letse ka itatapon na talaga kita sa bintana.

"Good morning too mommy!" masaya nitong bati sakin. Pinaulanan niya pa ako ng halik sa mukha.

Kung di lang talaga sweet at cute ang batang to, binalian ko na sana to ng leeg pero syempre joke lang. Di naman ako child abuse. Sa utak lang.

"Tama na yan. Kumain na tayo!" sabi ni Mew. Mukhang nagseselos pa ata dahil sa ginawa ng anak niya sa akin.

WANTED: BABY SITTER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon