WBS: 6

2K 124 13
                                    

Gulf's POV

Gaya ng sabi ni Mew, naging bodyguard namin ni Rain si Butler.

We went to the mall to give my resignation letter. After handing that letter to my boss we went straight to our next destination.

Dumeretso kaagad kami ni Rain sa loob ng restaurant matapos kaming maihatid ni Butler.

He'll just wait for us outside.

"Uy pare! Buti naman at nagpakita ka! Teka! Sino yang bata? Anak mo? Kapatid? Pinsan?" walang prenong tanong sakin ni Jaxx, katrabaho ko.

"Isa isa lang, mahina kalaban. Dami mo tanong!" natatawa kong sabi sa kanya.

"Hi. My name is Rain." bigla biglang pagpapakilala niya sa kanila. Andito rin ang manager naming si Elaine.

"Aww ang cute mo naman!" sabi ni Elaine ng lumapit ito sabay pisil sa pisngi ni Rain.

Ngiting ngiti naman itong si Rain kay Elaine.

Naging close kami ni Elaine kaya parang kapatid ko na kung ituring ito.

"Thank you po!" magalang nitong sabi. Aba good boy.

"Bakit ngayon ka lang Gulf?" tanong nito sa akin.

"Sensya na. May emergency lang na nangyari." sagot ko kay Elaine.

"Eh sino mo naman tong kasama mong bata? Anak mo? May anak ka pala?" siya naman ang nagtanong.

Napapailing nalamang ako sa kanya.

"Mahabang kwento madam! Nasaan si boss?" pang iiba ko ng topic para maiwasan ko tanong nila.

"Andun sa office niya!" sagot nito.

"Favor naman oh! Pwede mo bang bantayan muna tong si Rain?" pakiusap ko kay Elaine.

Tumango naman ito.

Binalingan ko si Rain at naupo para pumantay ako sa kanya. I hold both of his arms.

"Baby, I'll go to the office muna okay! Dito ka muna kay ate Elaine mo. Behave ka lang ha!"
malambing kong sabi sa kanya.

"Yes mommy. I'll behave po promise!" sabi nito.

Damn! Hindi ko pala mapipigilan bibig nito kakatawag sakin ng mommy.

"Mommy tawag niya sayo Gulf?" natatawang tanong sakin ni Elaine.

"He's weird right? Sige puntahan ko lang si boss." paalam ko sa kanya na tumango lang.

Hindi naman ako nagtagal sa loob ng opisina ni boss. Sinabi ko lang sa kanya dahilan ng pagresign ko.

Nagulat pa nga ako dahil kilala nito si Mew. I wonder kung gaano ka well-known itong Suppasit nato.

Hindi rin talaga kasi biro sahod ko sa kanya. Hanggang ngayon nga di pa rin ako makapaniwala eh.

Binalikan ko sila Elaine at Rain. Ipapasyal ko pa si Rain gaya ng pangako ko sa kanya.

Napahinto ako bigla sa paglalakad palapit kina Rain ng may isang pamilyar na tao akong nakita ang nakaupo di kalayuan kila Rain.

Shit! Anong ginagawa niya dito?

"Hi sweetie!" maarti nitong bati sakin.

Sweetie my ass! Oh yeah, she's my fucking ex by the way.

Lalapit na sana ito ng bigla siyang harangan ni Rain.

"Hey kid. Don't blocked my way!" mataray nitong sabi kay Rain.

WANTED: BABY SITTER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon