WBS: 9

1.8K 107 28
                                    

Gulf's POV

We're already here at the amusement park and both Rain and I are excited.

Nakasunod lang sa amin si Mew at Butler.

"Wow! Look mommy, can I ride to that?" he asked while pointing to the carousel.

"Ask your daddy!" sabi ko sa kanya.

"Daddy can I?" tanong nito sa ama.

"Of course son. Do you want me to go with you?"

"Yes daddy!" tuwang tuwa nitong sabi.

Di mapagsidlan ang tuwa niya habang papunta silang mag ama sa carousel.

Magkahawak kamay silang lumapit papunta doon. Napapangiti ako ng kusa habang pinagmamasdan sila.

"Ngayon ko lang po nakitang masaya si Mr. Suppasit simula nung iwan siya ng girlfriend nito." biglang kwento ni Butler sa akin.

Ayoko mang panghimasukan ang personal na buhay ni Mew pero curious din ako kung bakit hindi nila kasama ang ina ni Rain.

"Ano ba nangyari sa ina ni Rain?" tanong ko sa kanya.

Pinapanood lang namin ang mag ama habang enjoy na enjoy si Rain sa pagsakay sa carousel.

"Bagong silang palang si Rain, iniwan na silang mag-ama. Dapat nga kasal na yan si Sir kaso iniwan siya." kwento nito.

"Simula noon naging mainitin lagi ang ulo ni Sir. Ni hindi nga nito magawang ngumiti. Pero nitong mga nakaraang araw, ibang iba na siya kaysa noon." dagdag pa nito.

Napatango tango naman ako. Marahil isa sa dahilan ng pagbabago ni Mew ay ang boyfriend nitong si Art.

I wonder if Butler knows about their relationship.

"Kilala mo ba si Art?" Hindi ko alam kung bakit yun ang naitanong ko sa kanya.

"Yes sir. Alam ko pong magkasintahan sila." sagot nito sa akin.

Nakaramdam ako ng kaunting kirot sa puso sa bagay na yun. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nakakaramdam ng kirot sa puso.

Pinilit ko nalang na iwaksi sa isipan ko ang ano namang nararamdaman ko.

"Hindi man lang ba binisita nung nanay si Rain?" tanong kong muli sa kanya.

Umiling ito bilang sagot. Kaya ba ganun nalang ang batang to kasabik na magkaroon ng mommy? At sa malas ako pa nakikita niya bilang nanay nito.

Mukha ba akong babae sa paningin niya? Ang nakakapagtaka lang, maging sarili ko ay nasasanay na sa ganoong set up ko sa bata. Nanny na mommy pa. San ka pa?

"Mommy! Did you see me riding in a horse?" patakbong tanong nito sa akin ng matapos sila sa carousel.

Ngumiti ako sa kanya. "Yes baby."

Napatingin naman ako kay Mew na seryosong seryoso ang mukha. Binawi ko naman kaagad tingin sa kanya.

Hinila ako ni Rain at lumapit kami sa isang ferris wheel na pambata.

"Let's ride here mommy, daddy please?" sabi nito.

Pinagbigyan naman namin siya. Siguro parehas kami ng naiisip ni Mew na dapat namin pagbigyan ang bata sa kung ano gusto nitong gawin sa amusement park.

Sumakay kami matapos makapagbayad ng ticket ni Mew.

Inalalayan kong makaakyat si Rain. Saktong inihakbang ko isa kong paa papasok sa loob ng ferris wheel ng matisod ako.

Napapikit ako sa pag aakalang masusubsob ako sa sahig nito pero may naramdaman akong isang kamay ang pumulupot sa bewang ko.

"Careful!" sabi ni Mew malapit sa tenga ko.

WANTED: BABY SITTER (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon