CBMB 15

9.5K 254 4
                                    

-----------

TODAY is the start of hell week. Exam week namin ngayon kaya sobrang puno ng schedule ko for this whole week. From 8am to 8pm ay marami akong ginagawa. Marami pa kaming ginagawang mga projects dahil this week din ang deadline.


Hinatid niya ako papunta sa school dahil maaga ang pasok ko samantalang siya ay mamayang 10am siya. Nasa harap na kami ng school ngayon at iba ang dala niyang kotse para iwas issue.


"Hindi ako sasabay sayo sa pag-uwi. Pupunta pa akong library mamaya to review." At humalik ako ng mabilis sa pisngi niya. Tinted naman ang kotse kaya malakas ang loob kong halikan siya.


"Okay. Study well, Rylle. I'll give you a reward after this exam week." Naexcite naman ako bigla dahil may reward daw after this week.


"I'll go now. See you later." Paalam ko at lumabas na ako sa kotse niya at naglakad papasok.


Agad na hinanap ko ang designated room at naghanap ng pwesto ko. Pumwesto ako sa pinakalikod. Nagdala rin ako ng jacket dahil saakin nakatutok ang aircon.


Nilabas ko na angmga reviewer na ginawa ko para sa unang subject ng exam namin. Dalawang subject lang ang pageexam namin ngayon kaya nakakapagfocus ako.



7:30 am palang ng umaga kaya may time pa ako para magreview. Nilabas ko ang ginawang sandwich na ginawa ni Mason para saakin dahil hindi pa ako nagalmusal. Mas inuna ko ang pagrereview ko.



(Hindi ko kasi alam ang schedule time duting exam sa Australia kaya nagbased nalang ako sa kung paano ang exam sa Pilipinas. Nagbased din ako sa mga subjects na meron kami as first years. Gomen~)



Kumagat ako sa tuna sandwich ko habang nakatingin sa reviewer ko.



"Ang aga mo ah." Oliver said at naglalakad papunta sa pwesto ko. Umupo ito sa tabing bakante upuan at nilabas din niya ang reviewer niya.



I didn't bother to answer him because I'm busy eating and busy reviewing. I just nodded at him instead.




Mabilis na lumipas ang oras kaya magsisimula na ang exam namin sa Communication. Nilagay namin sa harap ang lahat ng bags namin at tanging mga pencils at ballpen ang hawak namin to shade the answer sheet.



Medyo ganado ako sa pagsasagot dahil yung mga nareview ko ay nasa exam. Mabuti nalang at nagtatake down notes ako during class.



Binigyan kami ng 2 hours and 30 minutes para tapusin ang exam sa Communication pero 30 minutes ko lang ito natapos. Tinignan kong muli amg test paper ko kung meron ba akong hindi nasagutan sa mga questions.



Agad na tumayo na ako at binigay ang test paper ko sa proctor at kinuha ang bag ko para lumabas. Babalik ako sa room after 2 hours kaya kailangan kong magreview lalo na at major subject namin ang next.



Pumunta muna ako sa canteen para kainin ang natitirang sandwich na ginawa ni Mason saakin. Nang maubos ko na ang pagkain ko, pumunta na akong library para magreview muli.



I stayed at the library for 2 hour and 25 minutes para may oras pa ako para maglakad at bumalik sa room namin. Pati ang break time namin ay sa library ko nalang ginawa.



Pagpasok ko sa room namin, sakto namang dumating ang proctor namin kaya nagsimula na ang exam namin.



Binigyan kami ng tatlong oras para tapusin ang subject namin pero kinailangan ko lang ng isang oras para matapos. Agad na pinasa ko ang paper ko at sinabihan ang mga groupmates ko na sa gate nalang kami magkita kita.


Dumeretso ako sa faculty office ni Mason para kunin ang lunch ko na nasa loob ngayon ng office niya. Good thing at hindi magbabantay si Mason sa mga mageexam.



Kumatok muna ako bago pumasok. Pagpasok ko at seryoso itong nakatingin sa mga papel na nasa harap niya. Sinara ko ang pinto.



"I just finished my exam for today." Wika ko at lumapit palapit sa kanya. Tumingin naman ito saakin at ngumiti.



"How was your exam?" Tanong niya atsaka siya tumayo at nilapitan ako. Binigyan niya ako ng mabilis na halik sa labi at hinila ako papunta sa sofa at inupo sa lap niya.




He buried his face to my neck while hugging me.  "Okay lang. Papasa naman ako." I casually said. I am quite confident with my answer kaya papasa ako panigurado.


Tinuro niya saakin kung nasaan ang lunch ko. "Thank you." Nakangiting wika ko at niyakap siya pabalik.



Bumitaw na ako sa kanya dahil baka naghihintay na ang mga group mates ko sa gate.



"I better go now. See you later." I said and gave him a quick kiss to his lips atsaka umalis mula sa pagkakaupo sa lap niya at nagmadaling umalis sa office niya.



Dala ko ang bag na tinuro ni Mason dahil nandito ang lunch ko na ginawa niya. Naabutan ko ang mga groupmates ko sa gate na mukhang hinihintay talaga nila ako.




Nandito kami sa bahay ni Oliver dahil siya ang leader sa group namin at siya ang nagpresinta na sa bahay niya nalang kami gumawa ng project.




Nagbyahe kami ng 20 minutes bago nakarating sa bahay nina Oliver. Agad naming sinimulan ang project namin nang makarating kami para matapos namin agad ito.



"What do you guys want to eat? My treat!" One of our groupmates said. Mukhang hindi pa sila naglulunch. Nagsimula na silang nag ingay kung ano ang oorderin nilang pagkain.



"How about you Annalise? What food do you like to eat for our lunch?" She asked pero umiling lang ako.



"I brought my lunch today." I said to her and showed the little bag.



"Oh. Okay. How about a snack?" She asked again. Pero umiling akong muli at pinakita ang mga macarons na ginawa ni Mason kaninang umaga.



"Wow, sinong nagluto niyan? Babysitter mo?" Napatingin ako kay Oliver dahil sa sinabi niya. But he just mouthed 'What?'



"You have a Babysitter? Aren't you too old to have a Babysitter?" One of my groupmates asked with her confused eyes.



"My Babysitter didn't cooked this. It was my boyfriend who prepared all of this food."

---------------

BS#6: Claimed By Mr. Billionaire -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon