CBMB 16

8.8K 230 4
                                    

-----------


"YOU have a boyfriend? Wow! Do you have his photos? Show us his photos!" One of my groupmates said.



"I don't have any photos of him in my phone." Sagot ko sa kanila at pinakita ang gallery ko.



Puro notes lang ang laman ng gallery ko at wala picture si Mason dahil nasa laptop ko ito. Good thing at nasa bahay ang laptop ko at hindi ko dinala.



"Oh why? We want to see who stole Annalise attention." Another girl from my group said at pilit na sinasabihan akong magpakita ng pictures ni Mason.



"Girls, we should start working with our project. We still have exam for tomorrow." Biglang sabi ni Oliver pero seryoso ang kanyang itsura.




I sighed in relief because they stop on asking me about Mason's photo. Nagsimula na kaming umpisahan ang project namin.




Nang sumapit ang 7pm, sakto naming natapos ang project namin. Nagliligpit na kami ng mga gamit namin at nagsisiuwian na ang mga ibang kagroupmates namin.



"I should get going now." Paalam ko sa kanila. I said my goodbyes to them at umalis na ako sa bahay ni Oliver para mag-abang ng taxi.



I didn't bother to call Mason dahil baka makita nila siya. Sakto naman at may humito agad na taxi sa harap ko at sumakay agad ako. Nagpahatid ako hanggang sa harap ng building namin. Agad na nagbayad ako at pumasok na ako sa loob ng building.



Pumunta agad ako sa harap ng elevator at pinindot ang up botton. I was just waiting for the elevator to open. Pagbukas ng elevator, bumungad saakin ang mukha ni Mason.



May ngiting lumitaw mula sa mukha ni Mason. Agad na pumasok ako sa loob at niyakap siya. Mukhang kakauwi lang din niya.



I can smell his fragrance and it's making me comfortable. I hugged him tightly and gave he gave me a quick kiss to my lips. "Shall I make our dinner?" Nakangiting tanong niya at pinalupot ang isang kamay niya sa bewang ko habang ang isang kamay niya ay hawak ang bag niya.



"Yes please." Sagot ko sa kanya. Nakayakap lang ako sa kanya hanggang umabot sa 15th floor ang elevator. Hinawakan niya ang kamay ko at hinila palabas ng elevator.




Agad na binuksan ko ang pinto sa unit ko. "I'll just take a bath first." Mason said. Tumango naman ako at pumasok na kami sa kaniya kaniyang unit.




Agad na naghilamos ako at nagsimula nang magreview para sa exam namin. Nasa sala ako at nakalatag ang mga mga notes ko sa center table at sa sahig. Kahit ang laptop ko ay ginagamit ko dahil may nakasave na lessons galing sa mga teachers namin.




Hindi ko alam kung ilamg minuto na ang nakalipas pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Mason. Pero kahit na hindi parin dumadating si Mason, nagpatuloy lang ako sa pagrereview. Tanging isang pitsel ng tubig lang ang iniinom ko.




Pero nagtaka ako lalo nang makita ko ang orasan. It's 11pm already pero wala paring Mason ang lumilitaw. I decided to go to his unit. Kinuha ko ang spare key ko at agad na lumabas mula sa unit ko.



Pagbukas ko sa unit niya, pumasok na ako pero ang bumungad saakin ay ang nakahigang Mason sa sofa.  Hindi pa siya nakakapagpalit ng damit. Linapitan ko siyang agad at hinawakan ang kamay niya.



Mainit.


I placed my palm to his forehead. May lagnat siya. "Mason? Wake up." And pat his shoulder. He slowly opened his eyes and I saw how surprised he is.



"Rylle, what are you doing here? I forgot to cook for our dinner. I should cook-"
Natatarantang sabi niya pero pinutol ko ang sasabihin niya.



"Ako na ang bahala doon. Nilalagnat ka. Let's move you first your bedroom." Unti unti itong tumayo at inalalayan ko naman siya papunta sa kwarto niya.



Nang makaupo siya sa kama niya, pumunta agad ako sa banyo niya para humanap ng palanggana at bimpo. Kumuha rin ako ng damit niya mula sa closet niya. Kumuha ako ng pajama niya at plain tshirt.



Bumalik ako sa pwesto niya at nginitian siya. Umupo ako sa tabi niya at nilagay ang palanggana sa bedside table. Humarap ako sa kanya and start to unbutton his polo. Nakita ko ang pagkabigla mula sa mukha niya dahil sa ginagawa ko.



"What are you doing?" Gulat na tanong niya at hinuli ang mga kamay ko habang seryoso ang tingin niya saakin.



"Papalitan ko ang damit mo." Sagot ko kanya at tinanggal ang mga kamay niya sa kamay ko para maipagpatuloy ko ang ginagawa ko.



Nang matanggal ko ang lahat ng butones mula sa polo niya, tumambad saakin ang magandang katawan ni Mason. Napalunok naman ako dahil sa ganda ng katawan niya. Binabad ko yung bimpo sa tubig mula sa palanggana at pinalipit ito atsaka sinimulan na siyang punasan.



He was just watching my every movement. Marahan kong pinunasan ang mukha niya. Mula sa noo, papunta sa mga mata niya, mula sa ilong, sa mga pisngi niya at sa labi niya.




Bumaba ang mga kamay ko papunta sa kanyang leeg. I gently wiped his neck, down to his collarbone and down to his abdomen. I was about to go down when he suddenly grabbed my hand.




"Let me continue it instead. Ako na ang bahala sa sarili ko. Baka may magawa ako sayo kapag pinagpatuloy mo pa ang pagpupunas saakin." Bulong nito saakin na nagpataas ng balahibo ko. Agad na tumango ako atsaka tumayo.



"I'll cook porridge for you." At lumabas na ako sa kwarto niya. My face is like tomato now. He just whispered to my ear pero namula na ako ng ganito.



Kalma lang self, pigilan muna natin ang sarili mula sa tukso.


-----------

BS#6: Claimed By Mr. Billionaire -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon