CBMB 17

8.8K 214 7
                                    


------------

AGAD na kinuha ko ang mga ingredients para sa porridge mula sa refrigerator ni Mason at nagsimula ng magluto. Nang maluto ko ang porridge, nilagay ko ito agad sa bowl at nilagay sa tray. Naglagay din ako ng isang baso ng tubig at gamot para sa lagnat.



Pagpasok ko sa kwarto niya, nakapagpalit na ito agad pero nakatutok siya sa kanyang laptop. "Anong sa tingin mo ang ginagawa mo?" Nakakunot na tanong ko sa kanya. Napatigil ito sa ginagawa niya at tumingin saamin.



"Working?" Sagot niya at pinagpatuloy ang ginagawa niya. Nakapagpalit na rin siya ng damit niya. Binaba ko yung tray sa bed niya at kinuha ang laptop niya.



"May sakit kana nga pero nagtatrabaho ka pa. Hindi ba pwedeng magpahinga ka muna?" Galit na wika ko sa kanya.



"I need to. May nakadeadline akong trabaho bukas." Sagot niya.




"Magsick leave ka muna this week. Hindi ako papayag na papasok ka bukas sa school habang may lagnat ka tapos ngayon nagtatrabaho ka pa. I won't allow it." Seryosong sabi ko sa kanya at binigay ang bowl na may porridge at binigyan siya ng spoon. "Eat."



Nagsimula na siyang kumain habang nakatingin lang ako sa kanya. "I think you need to go back to your unit. May exam ka pa bukas." He said while eating.



"I'll stay here so I can watch you. You should inform your head department for your sick leave later." Wika ko at umupo sa tabi niya.




"I can go to work tomorrow." He said while coughing. Ang tigas din ng ulo nito. "No. Take a rest tomorrow."



And I watched him as he fall asleep samantalang ako ay tinuloy ko ang pagrereview ko.




Nang matapos ko ang ginagawa ko, I checked his temperature. Mukhang bumababa na ang lagnat niya. Tumayo na ako para pumunta sa kusina niya at kumuha ng tubig niya at gamot mula sa medkit niya at bumalik sa kwarto ni Mason atsaka nilagay yun sa bedside table.




Nag-iwan din ako ng note na nagsasabing,



Don't forget to drink your medicine~
-Rylle♡



Atsaka na ako lumabas ng unit niya. May pasok pa ako bukas kaya kailangan ko na ring matulog.



-



Isang linggo na ang nakakalipas at natapos na ang exam namin. Nagkaroon kami ng tatlong araw na bakasyon dahil kakatapos lang ng exam namin.




Nasa kwarto ko ako ngayon at nakahiga. I'm just relaxing and making myself stress free. Si Mason ay nasa school ngayon dahil marami silang trabahong gagawin. Medyo naaawa ako sa kanya dahil subsob na talaga siya sa trabaho pero wala naman akong magagawa.



"Ano bang magandang gawin ngayon?" I'm bored. I want to do something. Malinis naman ang unit ko, may pagkain sa refrigerator, wala naman akong mga school works na dapat gawin at mas lalong wala naman akong kulang na gamit sa bahay





Alas-dos na ng hapon at wala pa rin akong maisip na gagawin. I think I have an idea!





Tumayo ako at kinuha ang spare key ko. Lilinisin ko nalang ang unit ni Mason ulit. Nagpalit ako ng short at plain tshirt atsaka na ako lumabas ng unit niya.




Bubuksan ko na sana ang pinto ng unit niya ng biglang may lumabas na lalaki mula sa loob. Nanlaki ang mata ko dahil dun.





Who is he? And why is he here?




"Who are you?" I asked him and looked him from head to toe. He was wearing a two piece suit.




"Who are you?" Balik na tanong nito saakin at sumeryoso ang tingin niya. "I should be the one asking that question to you." Wika ko at nilagay ang mga kamay ko sa bewang ko.





"Why are you inside the unit of my boyfriend?" Tanong kong muli sa kanya. He suddenly crossed arms in front of me and looked behind his back.




"Kuya, your girlfriend is here." At tumabi ito bigla sa pinto at bumungad saakin ang nakaapron na Mason.





"Kuya?" Naguguluhang tanong ko at tumingin sa lalaking nasa tabi ko na ngayon.





"Hi there, Baby. That's my little brother." Rinig kong sabi ni Mason at pumunta sa pwesto namin.




"Miguel, meet my little Girlfriend. Her name is Rylle." Pagpapakilala ni Mason at inakbayan ako.




"Oh, mahilig ka pala sa bata Kuya." Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Narinig ko naman ang pagtawa ni Mason dahil sa sinabi ng kapatid niya.



I rolled my eyes and looked at Mason. "Plano ko sanang linisin ang unit mo dahil nabobored ako pero saka nalang pala. Mukhang may gagawin pa kayo." Atasaka siya binigyan ng mabilis na halik sa pisngi at bumalik na ako sa unit ko.





Kinagabihan, kasabay kong naghapunan ang magkapatid. Pinagluto kami ni Mason ng hapunan namin at ngayon ay nasa sala kami para magpalipas ng oras.




"How old are you, kid?" Mason's little brother asked.




"I'm not a kid. I'm already 20 years old." Sagot ko sa kanya at kumagat sa mansanas na hawak ni Mason.




"Too young for you, Kuya." Aniya at sumeryoso ang tingin niya. Tumingin ito kay Mason bigla. "Alam ba ng magulang niya, Kuya?" Seryosong tanong niya kay Mason pero hindi ito sinagot ni kaya saakin siya biglang tumingin.




"Alam ba ito ng magulang mo, Kid?" Seryosong tanong niya saakin. That made me stopped. My parents doesn't even know about Mason.



Biglang tumayo ang kapatid ni Mason. "Kuya! Ano ba itong pinasukan mo? Are you looking a trouble?" Galit na tanong niya kay Mason.





"Migs, I know what I'm doing." Sagot ni Mason sa kanya at hinila ulit ang kapatid niya paupo.




The ambiance is kinda awkward now. Walang may gustong magsalita sa kanilang dalawa bigla. Pero nakatingin sila sa isa't isa na parang nag-uusap sila pero sa mata.






"That's it! You should go back to the Philippines, Kuya." Galit na wika ng kapatid ni Mason.




Ano daw?


------------







BS#6: Claimed By Mr. Billionaire -COMPLETE-Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon