Chapter 10

139 2 0
                                        

BREANA'S POV

Sumiksik pa ako sa leeg ni chase nang maramdaman ang mga kamay niya sa likod ko. N-nakatulog pala ako.

"How's your feeling in new hairstyle huh??"

"Ahh!!" gulat akong bumagsak sa sahig nang marinig ang boses ni angel tsaka sinipa pa ng malakas ang tagiliran ko.

"Ang kapal ng mukha mo!" kunot noo kong kinapa ang ulo dahil wala akong mahawakang buhok. A-anong ginawa niya sa akin?!!! Kinalbo ba niya ako???

Tinignan ko pa saglit si chase na gulat ding nagising. Hinila ni angel ang damit ko at kinaladkad palabas sa kwarto nila kaya hindi ko na alam anong gagawin.

*pak*

"ANG KAPAL MO!!" yumuko lang ako at tinanggap lahat ng hampas niya sa akin dahil nakasunod na din si chase. Ayoko siyang magalit kapag lalaban ako!!

"G-gel sorry"

"Chase you don't have to say sorry! This woman take advantage of your situation while I was gone!!--ano?!! Bakit hindi ka lumalaban?!!"

"Umalis ka na lang!" hinihila na din ako ni chase kaya kumapit ako sa cabinet para hindi nila ako mailabas dito sa condo nila.

"A-ayoko! Wala akong mapupuntahan!!" pinagsisipa ako ni angel kaya umiyak lang ako at hinayaan siya dahil baka kapag bibitaw ako maipalayas na nga nila ako.

"AYOKO SIYANG NANDITO!! ANG KAPAL NG MUKHA NIYA!!"

"Umalis ka na sabi dito!"

"Hindi talaga ako makapaniwala sa babaeng to! You tried to sneaked on my husband! Baliw ka nga talaga!!" bumagsak ako sa sahig kaya lumayo na silang dalawa. Nanginginig ko namang sinuot ang hood ng jacket para takpan ang ulo ko. W-w-wala na akong buhok!

"Sorry"

"Sabihin mo nga! Ano ba talaga sadya mo at pinagsiksikan mo ang sarili sa amin!??!"

"Kumalma ka gel. Ang anak natin"

"Hindi chase eh! Ikaw talaga ang habol nito kaya kahit anong pagtatabuyan ang gagawin mo, didikit ang malanding to!" sinara ko lang ng maigi ang bibig para hindi makagawa ng ingay matapos akong sipain na naman sa tagiliran.

"S-sorry"

"Huwag kang umiyak!! Nakakarindi ka nga talaga! Tama si chase! Parang ikaw pa agrabyado dito ah?!!"

*sip* pinunasan ko ang mukha tsaka naikuyom na lang ang kamao kaya ang kamay ko na naman ang tinadyakan niya.

"Mas mabuti pa lumabas ka kung aarte ka lang! Nakakabwesit yang mukha mo! Wala kang ambag sa buhay namin!!"

"Anong nangyari dito?" humarap silang dalawa kay gab na kakapasok lang. May balak pa siyang tulungan ako pero agad siyang hinila ni angel.

"Don't ever touch this woman gab! She is crazy as hell!--chase kunin mo na ang gamit. Aalis muna tayo bago sa trabaho mo!" sinunod naman niya agad kaya nagmamakaawa akong tumingin kay chase na nililigpit ang bag sa sahig. Nahulog niya yan kagabi.

"Chase sama ako" nilalaro ko ang mga daliri habang nakatingala sa kanila. Si angel naman nakapamewang sa harap ko at mukhang nagbabantay pa na hindi ako makalapit sa a-asawa niya.

"You'll stay here!! Baka may gagawin ka na naman!! This will be your last and if you do something AGAIN--I swear they WON'T see you anymore!!!" lumabas na sila kaya naiiyak kong tinignan si gab na nakangisi lang sa akin at nilock pa ang pinto.

"Chase sasama ako! Chase ayoko siyang makasama! Ikaw gusto ko! CHASE!"

"Miss hindi naman ako masamang tao"

MIND plus HEART (Book 2)Where stories live. Discover now