Page 3 - Game of Chance

1.6K 32 9
                                    

Page 3 - Game of Chance

“W-WAIT, I need to go to the CR.” Pigil ko sa kaniya.

“Okay, tara sa CR—”

“Vincentte! Privacy man lang oh.”

“Willow. Hubad ka na ngayon. Anong difference?”

“Tatae ako. Pati ba tae ko ayaw mo tantanan?” sa sobrang inis ko at para mawalan din siya ng gana, “Gusto mo ibalot ko pa sa plastic tae ko tas dalhin mo pauwi at gawing air freshener?” dagdag ko.

“Willow!” Vincentte looked as if he's about to puke. Finally.

Naglakad na ako papunta sa CR sa loob ng kwarto. I'm familiar with this room. Parati kaming naglalaro ni Kuya Ethan dito noon.

“Bilisan mo, Willow. Marami pa akong balak gawin sa'yo.”

Napalunok ako at padabog na isinara ang pinto. Binuksan ko ang gripo pati na rin ang shower. Saglit kong tiningnan ang sarili sa salamin.

“Willow Kageyama, you need to let him go,” nanginginig ang boses ko nang sinambit ko ang sunod na linya, “..kahit ayaw niyang umalis, let him go.”

Pumatong ako sa bowl. Sana magkasya pa ako.

Ito lang ang daan papalabas. Masikip at naglalawa na pero wala akong ibang choice. 

I punched the screen na alam kong kaagad matatanggal dahil mahuna na ang pagka-screw nito. Nahulog ang screen sa labas, madamong parte ng garden kaya hindi gumawa ng malakas na ingay.

I pulled myself up with the support of my arms at inulusot ang katawan sa butas. Napasubsob ako at nagalusan ang mga tuhod sa pag-landing. I didn't look back at naglakad papalayo. Tinapos ko na ang relasyon namin at hindi dapat akong makipag balikan sa kaniya.

I am bad for Vincentte Van Helsing. Someday, he would eventually give up and find someone better than me.

Once Upon in High School…

“Genius talaga ni Sasha! Hindi man lang nag-review, bihira rin pumasok, pero siya pa rin yung highest!” narinig kong sabi ng isa kong kaklase habang hinihintay kong tawagin ni teacher para kunin ang resulta ng final exams namin.

“Sina Bret at Sasha lang naman nag aagawan sa top one. Ang saya siguro kapag genius ka. Genius ha, hindi lang basta matalino. Hindi mo na kailangan magpaka-pagod para mag review.”

Totoo. Ilang oras ba ako nag review para sa midterm na 'to? Three hours? Four? Basta hindi bababa sa tatlong oras tapos per subject pa 'yun at may seven subjects kami.

“Instead of mag review, gala or party na lang tas ‘pag nag-exam pasado at mataas pa rin ang marka! Imagine that kind of life.”

The life of the gifted and genius, I couldn’t imagine it happening to me kasi hindi ako ganoon. Hindi ako matalino. I am average at everything I do. I need to work hard or else sa bagsak na marka ang diretso ko.

“Willow Kageyama.” lumapit ako kay teacher upang kunin ang test papers.

There’s no fuss from my classmates as I walked compared when it’s those top students who would get their papers. Even my teacher just dropped the papers on my hand, not saying anything to me. Tinawag na lang niya ang sumunod sa akin.

Seduce the Gambler (PUBLISHED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon