Page 10 - Coming For You, Gambler

1.2K 32 4
                                    

Page 10 – Coming For You, Gambler

NASA LABAS ako ng building kung saan naroon ang Universe Hall. Today’s the day of Bet 'Til You Drop. Mahaba pa rin ang pila na tanaw sa 'di kalayuan. I watched those people in line observing the expression on their faces. Pare-pareho. Excited, nervous, curious, excited, excited. EXCITED.

I watched them and saw myself. Siguro ang pinagkaiba lang, they gamble occasionally while I do this every single day. Even at my sex life, I gamble. I pretend to be normal kapag kaharap ang pamilya. I don’t really have friends. Hindi ako lapitin ng tao. Lapitin ako ng pera kapag sinuswerte.

Sumandal ako sa isang railing at iniangat ang hawak kong bouquet of red rose. Wala pa ring nagbabago. I still hate this flower but I love what it reminds me of at may nadagdag na rin ngayon.

Nakakadama na ako nang pagdagsa ng lungkot sa tuwing makikita ko ang bulaklak na 'to. Ipinaalala na nito sa akin si Vincentte.

Vincentte, the man I shouldn’t have because I’m toxic for him. Napatawa ako ng mapait, ibinato yung bouquet ng rosas sa semento, at tinapaktapakan iyon. I only stopped after the petals looked so torn and ruined, reddish sap now creeped out, tainting the ground.

“Teardrops of blood indeed.” sabi ko sa sarili at nagsimulang maglakad papalayo. Hindi ako lumingon pabalik. Alam ko kung saan ako pupunta. No one else must be blamed for my actions. This is me and what I love doing no matter how twisted it is.

WALANG NAKAKITA sa lalaking naka-itim na dumampot ng isang bugbog na rose petal at matapos itong tingnan, pinakawalan, at hinayaang ilipad ng hangin.

“So that’s Ethan’s sister huh?” tanong ng kasama nito. Babae. May kwintas na suot. The design of its pendant was a gun firing with blooming roses.

Tumango ang lalaking kulay lupa ang mga mata, “Yeah.” May lungkot sa boses ng lalaki. “Where are the others, princess?”

“Nauna na sa loob. Everything is set up as planned, Vanilla.”

“Thank you, Zony. Hindi ko alam kung paano ka papasalamatan—”

Tinapik ng babae ang braso ng lalaki, “I told you, I’m not sending you to war alone, brother-mine. Anyway,” muling napatingin ang babae sa rosas na nagka-durogdurog sa semento, “Parang malaki ang galit ni Willow sa rose ha.”

Napalingon ang lalaki sa direksyon na pinuntahan ni Willow Kageyama at sumagot, “She hates red roses,” there’s a wistful expression on Vincentte Van Helsing's face when he added, “And ice cream.”

“Oh,” napangiti ang kasama niya, “I think we'll get along just fine.” saad ni Zony Evviola.

PUMASOK AKO sa loob ng building. Ilang hakbang ko pa lang sa Universe Hall, nilapitan ako ni Sharkie, pinapatawag daw ako ng boss.

Isinara ko ang pinto nang may nagsalita, “Second floor.”

Boses ni Zenair. His office has a second floor na may glass-paned balcony. Tinted ito kaya hindi kita mula sa labas ang nangyayari sa loob.

Nang nakaakyat ako, lumantad sa akin ang maskulado at hubad na likuran ni Zenair. He's half-naked while he observed the happenings on the Universe Hall down below. I settled beside him and also stared at the view from his balcony.

Seduce the Gambler (PUBLISHED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon