Page 4 - Falling while Flying

1.4K 32 5
                                    

Page 4 – Falling while Flying

MY LUCK these days were good. Wait, not just good. Way beyond good. Pakiramdam ko ako na ang pinakaswerteng tao.

“Putcha, Willow! Nanalo ka na naman! Balato man lang diyan oh!” mutawi ng frontman ng laban ngayong gabi.

Kaagad kong tinanggap ang sobre na busog na busog. Three hundred thousand, i-minus yung twenty thousand kong taya, lugaw ang tubo!

Nanginig ang mga kamay ko. This money plus the 1.5 million na naipon ko because of my consecutive wins, malaki na itong pandagdag upang mabawi ko sa kaniya ang aking business. Half of it…itataya ko ulit bukas.

Alam kong dapat na akong tumigil ngunit hindi ko kaya. The risk and the pleasure of winning bucks of easy money, it made me feel so alive. Iba ang saya na naidudulot nito sa akin. Saya na naramdaman ko lang noon dahil sa presensiya ng isang tao—but let’s not go there, self.

“May pangangailangan ako, Ruiz. Next time.” sagot ko sa frontman ng Bet & Fight, isang underground street fighting na kung saan ang mga piling manunuod ay pinagpupustahan kung sino ang mananalo sa pagitan ng dalawang taong nagbubugbugan sa ring.

“Kuripot. Puro next time! Teka, mukhang malaking pangangailangan sa pera 'yan kung hindi pa sapat ang sunod-sunod mong panalo,” he licked lips. Oh no. Here we go again. “..handa akong bayaran ka ng kalahati niyan, paligayahin mo lang ako ngayong gabi babe.”

Ang mga mata niya ay nagpunta sa v ng suot kong black blouse. Along with this blouse, I'm wearing a fitted maong pants. Hindi naman malandi ang suot ko. There were other girls I saw earlier na manipis na bra at panty lang ang suot. Unfortunately, bago lang ang frontman na 'to. Two weeks pa lang siya sa trabaho. Naka-leave raw si Shark, ang paborito kong frontman. Sana bumalik na siya agad dahil nakakasawa nang makipagtalastasan dito kay Ruiz.

“Ano babe? Huwag mo ng pag-isipan! Saka for sure mag eenjoy ka. Masarap akong kasiping sa kama—”

Hindi na natuloy ang sinasabi ni Ruiz nang may sumuntok sa mukha nito. Diretso lupaypay sa sahig na nagpatili sa mga taong nasa palibot namin. Hindi gumalaw si Ruiz, nawalan ng malay.

Mayamaya, may malalaking braso na pumulupot sa beywang ko. My nose was assaulted by a familiar scent of sandalwood. Ilang beses ko bang inimagine na grapes instead of sandalwood ang naamoy ko?

“He’s not informed that you are my property?” tanong ng isang malamig na boses. Boses pa lang niya, alam mo ng may itsura.

“He's new, Zenair.”

The man behind me started kissing my neck. Though he's not my Vincentte, my body was attracted to him, specifically, to the thrill he brought to my life.

“Two weeks is not new, Willow. He should have figured out that the owner, his boss, owns you.”

Zenair is a very successful businessman and probably one of the richest people in the entire planet.

“Akala ko I'm free to be with another.”

Binigyan kami ng space ng mga tao. Tapos na rin naman ang laban. Hinihintay na lang nung iba na lapitan sila ng mga frontman na naka-assign sa kanila at may mga nagsisiuwian na.

Seduce the Gambler (PUBLISHED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon