Page 9 - Amidst Blood's Teardrop

1.1K 24 3
                                    

Page 9 – Amidst Blood’s Teardrop

Once Upon in High School…

“I..I like you, Willow.”

First time na may nag-confess sa akin at dahil ito ang unang beses, hindi ko alam ang gagawin. Ang alam ko lang noon, masaya ako.

“T-Thanks.” sagot ko. Nagulat ako nang may ibinigay siya sa aking ice cream. Kinuha ko ito at hindi man lang naramdaman ang lamig ng ice cream na aking hawak.

“Eat that.” Napakamot yung lalaki sa ulo. “It’s for you. Think of me, will you?” Pagkatapos noon, halos araw-araw niya akong binibigyan ng ice cream.

Nangyari rin ang gusto niya. Parati ko siyang naiisip. Hanggang sa panag-inip, naroon siya. Life was like a dream when you’re happy until you’re not.

I was walking on our hallway the next day when I heard the whispers,

“Hey, have you seen the new couple? They’re so sweet.”

Marahan akong naglakad. Kami ba nung may crush sa akin ang tinutukoy niya? Halata na ba? Pero nitong mga nakaraang araw kasi, palagi siyang busy at wala. Hindi naman kami ganoon kadalas nag-uusap.

“Oo nga eh! Bagay sila. I heard he gave her flowers? Bouquet of red roses pa! Kakainggit!”

Baka ibang couple 'to. Hindi naman ako binigyan ng bouquet of roses 'nun. Puro ice cream. Saka ba't ba couple ang tawag ko sa'min eh samantalang nanliligaw pa lang 'yun at hindi pa naman kami?

Bibilisan ko na ang paglalakad nang may muntikan na akong mabunggo. Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Muling nagsalita yung mga schoolmates kong pinapakinggan ko kanina, “Kya! Nandiyan sila oh! Ang sweet! Magka-holding hands.”

Bumaba ang tingin ko sa kamay nilang magkapulupot sa isa't-isa.

“Wait lang. Si Willow! Close sila nung lalaki 'di ba?”

Napatingin ako diretso sa mata nung lalaki. He was staring back at me with a grin on his face.

“I think so. Binibigyan pa 'yan ng ice cream nung lalaki. Akala ko nga siya ang nililigawan.”

I watched as his eyes went to the girl whose hands he's holding.

“Akala ko rin actually.”

I'm no different. Akala ko rin.

“I guess compared to cold ice cream, a warm-looking bouquet of red rose is better huh?”

Once Upon in High School…

“Hindi mo ako kailangang ihatid.” nahihiya kong sabi sa kasama ko.

“I want to.” sagot niya at ngumiti ng malambing sa akin.

My stomach was fluttering. Ito ba yung butterflies na sinasabi nila? Creepy. May paru-paro sa tiyan mo?

“Uhm, so how was exam?” tanong ko and I pretended I’m interested in listening about exams as he answered when I’m more interested in him, as a guy.

Seduce the Gambler (PUBLISHED) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon