Chapter 7 -- Remembering those memories

31 1 0
                                    

"The Nature of Things"

Written by: ImHappy1

All rights reserved | 2012

Vote | Comment | Fan ^________^

--------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Tori's POV

Tumaas na lang ako sa kwarto ko. Edi wag siyang lumingon! Grr!! Napaka baliw talaga nung Mark na yun!!

Humiga na lang ako sa kama.

Naalala ko naman bigla si Kiera. Hmm kung si Kiera yun, hindi sya agad magagalit.

Bura, bura!

Ano ba itong iniisip ko? Siya nga ang dahilan kung bakit ganto ang nangyari e!

-☆ Flashback ☆-

Kainis naman si Kiera, iniwan akoooo!

Omo!! Si Sean yun a! Mu-mukang papalapit dito! Sheesh, wala naman ako katabi dito so ako ang pupuntahan nya?!

ASSUMING! ;-P

wait.

Dito nga siya pupunta! Suot-suot pa nya ang kanyang mga ngiti.

"Diba ikaw si Tori?" ^____^ my gosh lalo akong naiinlove!

"A-ah oo ako n-nga! W-wag mo kong sasaktan!"

"Ha? Hindi naman kita sasaktan e? Nandito lang ako para makipag kaibigan sayo."

nga naman. Sa pogi nyang yan mananakit siya? Haha shunga ko ever. XD

pero siya makikipag kaibigan sakin?

"Anung date ngayon ha?!" tatandaan ko tong araw na to!!

"July 17 bakit?" halata naman sa mukha nyang naguluhan siya.

"Wala lang!" nginitian ko siya.

"Tara sabay na tayong umuwi? Alas singko na din e."

"T-tara!" July seventeeeeeen! Iloveyouuuuuuu! :">

-☆ End of Flashback ☆-

Napangiti na lang ako nung naalala ko yung araw na una kaming nag-usap.

Halos araw-araw magkasama kami. Wala kasi si Kiera nun e, palagi niyang kasama si Xandra. Ewan ko ba kung bakit hindi ako isinasama.

Pero.. biglang sumagi sa isip ko yung araw na sinabi niya saakin na may gusto siya kay Kiera.

-☆ Flashback ☆-

Nakaupo kami ngayon ni Sean sa isa sa mga bench dito sa park malapit sa bahay namin.

"Bakit hindi kayo magkasama ni Kiera?" tanung saakin ni Mark.

"Ah kasi kasama nya si Xandra. Yung ano.. yung ex mo?" yup, ex nya si Xandra pero friends pa din sila.

Napatigil naman siya dun. Para bang nalulungkot, basta parang may something na naalala sya nung nabanggit ko si Xandra.

"Alam mo ba.."

"Hindi. HAHAHA!" ang seryoso naman nito hahaha!

"Seryoso muna tayo ngayon. Alam mo kasi.. matagal ko ng gusto si Kiera."

"Ah bakit hindi mo siya ligawan?" ouch.. nanlumo ako sa nasabi niya. Pero hindi ko pinahalata.

"Natotorpe kasi ako kapag nasa harap ko na siya e. Matutulungan mo ba ako?"

napatayo na lang ako at tumakbo paalis.

Ewan ko, bigla na lang naging ganun ang reaksyon ko..

Bakit si Kiera pa?

..tulo ng tulo ang luha ko, yung halos hindi ko na makita ang dinadaanan ko.

*BOOGSH*

tumayo naman ako agad at niyakap yung nakabunggo ko. Wala akong paki kung sino man sya.

Bumitaw na ako sa yakap nya at hinila ko sya papunta sa bahay namin.

Wala pa ring naimik saamin habang papunta kami iyak pa din ako ng iyak.

*Nakarating na kami sa bahay.

Pinaupo ko naman sya.

"T-tori.." nakatungo lang ako nun sa tuhod ko.

Bakit kilala ako nito?

Tinignan ko kung sino sya. Si Mark pala, yung classmate ko..

niyakap ko ulit sya tsaka ako nagsalita. 

"Alam mo ba ang sakit sakit!"

hindi pa din sya nag-uusap.

"Ang sakit malaman na yung kaibigan mo ang mahal ng mahal mo," hihikbi-hikbi pa ako habang sinasabi yun. "Tapos.. tapos.. kaya ka lang nya nilapitan para magpatulong!"

"Nakakainis pa dahil ang tanga ko! Nag-assume agad ako na may gusto sya saakin!" hagulgol na talaga ako sa kanya.

"Wag ka ng umiyak, nandito lang naman ako lagi para sayo e." tumingala ako sa kanya.

"Talaga? Ngayon ikaw na ang bestfriend ko ha!" ^_____^

"O-oo ba." tapos tumigil na ko pag-iyak nun.

"Uhm.. Tori uwi na ako."

"Ha? Agad agad?"

"Oo may pupuntahan pa kasi ako e."

Hinatid ko na lang siya hanggang sa gate namin.

"Salamat sa oras mo ha, pasensya na kung ikaw pa yung naabala ko.." ngumiti na lang sya nun.

-☆ End of Flashback ☆-

napangiti naman ako nung naalala ko yung araw na yun. Haha parang kanina lang.. umiiyak ako. ^____^

buti na lang laging nandyan si Mark para saakin.

To: bbf Mark <3 

Uy bestfrieeeeeend! Sorry na po ha. Bati na tayo? :3

---

------------------------------------------

Hello po!! ^_____^ Sorry ngayon lang ako nakapag update. Hindi kasi ako nakapag internet for 4 days e.

May nakamiss po ba? Hehe joke! ^____^V

The Nature of ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon