Third

15 1 0
                                    

"Uh, sino ka?" tanong ko sa kaniya, tinawanan niya muna ako bago niya ako sinagot. "Zapphire," inabot niya ang kamay niya sa akin, "Zapphire Sin." Inabot ko rin ang kamay niya at nginitian siya, bumitiw na siya sa shake hands kuno namin at dire diretso siyang tumungo sa kama at humiga, nakapikit pa talaga siya agad ah matutulog ata. "Sa kabilang kwarto ka na lang, akin na tong isang to e."

I awkwardly left that room. Shet, nagkamali pa ako ng napasukan, baket naman ganon? Habang naglalakad ako palapit sa kabilang kwarto e may nakabangga ako. Babae nanaman, nakasalamin siya at naka braid ang buhok yung dalawang braid ganun ang itsura ng buhok niya at naka croptop tapos ripped jeans din. "Uhm, Sorry miss kung nabunggo kita, hindi ko naman sinasadya, hindi kasi kita napansin." Paghingi ko ng paumanhin ko sa kaniya, "Ayos lang yon" sagot niya sa akin na parang nahihiya, ano ba naman ito baket puro babae dito? Nung una si Zapphire tapos ngayon eto naman.

Napatigil ako sa pagiisip ng iabot niya ren sa akin ang kaniyang kamay. "Seraphina Haven," pagpapakilala niya. Inabot ko ang kamay niya at nagpakilala rin "Liana Diamond" ngiti kong pagpapakilala sa kaniya. "Ah so ikaw pala yung bago?" tanong niya sa akin, "Anong bago?" nagtataka kong tanong sa kaniya, "Uh well hindi mo pa pala alam, uhm gotta go see ya later!" at umalis na siya sa harapan ko. Wow what was that? Naka tagpo ako ng dalawang babae sa bahay na ito. Isa ren ba sila sa may mga special ability kagaya ng sinasabe ni Iza?

Bumaba muna ako sa living room nitong bahay na ito at hinanap si Ai, "Iza!! Nasaan ka?" sigaw ko sa buong living room na ito nagulat ako ng biglang nagbibitak yung tinatapakan ko. Teka lumilindol ba? Pero bakit hindi naman ako nahihilo? "Huy!!" sigaw ng nasa likod ko. Letse si Iza ba to? Bakit siya galing sa ilalim ng lupa? Demonyo ba to? hehe charot "Ai! Ano ba naman yan? Anong ginagawa mo sa ilalim ng lupa? Akala ko pa naman kampon ka na ni satanas!" tinawanan niya ako at binatukan, "Gaga ka! Special Ability ko yan! Kaya kong kontrolin ang lupa." pagyayabang niya pa sa akin, pero hindi naman ako nayabangan at namangha pa ako sa taglay niyang kapangyarihan. "Pero hindi ko pa namamaster itong special ability ko na ito kasi hindi pa ako nagsisimula sa training ko e."

Buti nga siya at training na lang iniintindi niya pano naman ako? Ni hindi ko pa alam special ability ko! Nakaka stress na 'tong nangyayare sa'kin feeling ko kapag sinama pa ako sa training na yan mamatay na ko jusko po wag naman sana.

"Ah, Ai pwede mo ba akong samahan sa kwarto ko talaga? Kasi kanina nung pumunta ako sa kwarto na sinabe mo may-ari na pala nun yung Zapphire." Pag chismis ko sa kaniya, tinatawan nanaman ako nito, ano bang problema nitong babaeng to? Mukha ba akong clown sa kaniya? baliw na ata ang isang to, tsk.

"Hahaha ganon ba? Na meet mo na pala si Zapphire pasensya ka na at natatawa ako pano ba naman kasi kapag nahuli ka ni Zapphire na nasa kwarto niya tiyak na maninigas ka sa yelo." kinilabutan naman ako sa sinabi niya, paano naman nangyare yun, yelo? Teka ayun ba special ability niya? "Oh bakit parang nakakita ka naman ng multo Liana?"  nag-aalala niyang tanong sa'kin, "Paano ba naman kasi?! Hindi mo sinabe sa akin na may kasama ka dito! Paano pala kung badtrip si Zapphire at sinabuyan ako ng yelo? Edi natigok na ako dito." rant ko sa kaniya "Ano ka ba naman Liana! Mas matindi pa special ability mo kesa kay Zapphire, Sure ako na ikaw magiging leader namin." Nakangiti niya pang sabi at kinindatan pa ako, napaka wirdo!

"Tara na nga! Ihahatid na kita sa kwarto mo" aya niya sa akin at inakbayan pa ako, teka lang naman Iza baka mamaya isipin ko ng may gusto ka sa'kin hays. "Sure ako nameet mo na ren si Seraphina, pero don't worry mababait naman kami tsaka sa susunod ko na sasabihin yung special ability niya, malihim kasi siya e." bulong niya sa akin, andaldal naman pala ng isang ito akala ko kaninang umaga nung nameet ko siya napaka taray niya at suplada ang kulit pala nito at ang ingay.

"Ayan, diyan na ang kwarto mo, tsaka nga pala pag sapit ng alas siete y media bumaba ka na sa living room kakain tayo ng hapunan at magpaplano." sunod sunod niyang sinabi sa akin, hindi ko na natanong kung ano ang plano na sinasabi niya. Mamaya na nga lang, magpapahinga muna ako nasstress ako sa mga nalalaman ko e. Pumasok na ako sa kwarto at katulad nung kay Zapphire ganun din ang istilo ng kama may kurtina din, may sofa, may coffee fable at may malaking bintana buti na lang at parang pare parehas ang itsura ng kwarto dito kaniya kaniyang paraan na lang ng pagdidisenyo, humiga ako sa kama at pumikit muna saglit, matutulog muna ako.

***

short chap. sorry for typos.

Bardden AcademyWhere stories live. Discover now