“Wh-what the f-fuck?” sabi ni Ai at hindi na rin siya nakagalaw nung nakita niya ang tinitingnan ko.
Hindi ko na alam kung anong nangyari dun sa tatlo naming kasama. Ang alam ko lang ay hindi na ako humihinga kanina pa.
Nanlilisik ang mga mata ng Oso ng tingnan namin ito, kulay pula ang mata at naglalaway pa, parang nagugutom ata sa pagkain. Hindi naman kami mukhang pagkain, 'wag sana kami kainin nito.
“Ano pang ginagawa-” natigil ang kung sino man sa tatlo ang magsalita nung nakita siguro yung nasa harapan namin ngayon, hindi ko alam ang gagawin. Dapat na ba kaming tumakbo?
Paano kami tatakbo?
Sinubukan kong galawin ang kanang paa ko paatras at hindi ako nilingon nung Oso. Inulit ko ulit sa isa kong paa at nagsimulang umatras ng paunti unti.
“Ano bang ginagawa mo Liana? Pinapahamak mo ba ang sarili mo?” pag suway sa akin ni Iza na naka estatwa pa rin doon sa kinakatayuan niya.
“Huwag ka ng masyadong gumalaw Liana, lalapitan ko kayo diyan,” ang tinig na iyon ay galing kay Seraphina.
“Seraphina! Use your goddamn powers!! Use your invisibility!” sigaw ni Ambrosia.
Nagulat ako sa ginawang kilos nung Oso, sa isang iglap biglang tumalsik si Ambrosia sa isang puno ng narra at nanghihina na tumayo.
“Ambrosia!” sigaw ni Zapphire.
Sinubukang lumapit ni Seraphina sa amin at malaki ang advantage na pag atras ko konti sa pwesto niya.
“Gawin mo ang ginawa ko Ai, dahan dahan mong iatras ang mga paa mo hanggang sa makarating ka dito sa gilid mo, hindi napapansin ng Oso ang maliliit na galaw.” Utos ko kay Iza.
Nung nakalapit na sa'min si Iza ay hinawakan lang kami ni Seraphina sa magkabilang braso at tingin ko ay naging invisible na kami. Invisible na ako?!!!
Hindi ko muna pinansin ang ginawa sa amin ni Seraphina at nilapitan namin agad si Ambrosia na may sugat sa kaniyang kanang braso.
Pagkalapit namin kay Ambrosia ay ginawa rin ni Seraphina ang ginawa niya sa'min kanina, feeling ko invisible na rin ang dalawa. Pero nakikita ko pa rin sila, siguro gano'n talaga kapag kapwa kayo invisible nakikita niyo pa rin ang isa't isa.
“Bakit ka ba kasi sumigaw ng gano'n? Alam mo namang may Oso sa mga gubat na 'to?” panenermon sa kaniya ni Zapphire.
“I was shock okay? I'm sorry.” Paghingi ng paumanhin ni Ambrosia at iniinda ang sugat niya sa kaniyang braso.
“Ano ba naman yan! Gutom na nga tayo, ganito pa nangyayari sa'tin.” Reklamo naman ni Iza.
“Anong balak gawin sa Oso?” tanong ni Seraphina. Tiningnan ko yung Oso at mukha siyang tanga na naghahanap ng makakain niya, hinahanap ata kami.
Tumayo si Zapphire sa kinauupuan niya kanina at nilapitan niya ang Oso. Pumorma siya na parang kukuha ng lakas sa kaniyang katawan at sinabuyan niya ng yelo ang Oso ng buong lakas, nasa gilid ren pala niya si Iza at tinulungan patumbahin yung Oso, tinali ni Iza yung Oso sa isang puno at hinayaan na makatulog do'n.
“Pampatulog ba ang ginawa niyo?” tanong ko sa kanila. “Oo, 'Wag ka mag alala, hindi yan mamamatay.” Paninigurado sa akin ni Zapphire at nilapitan ulit si Ambrosia.
“Ano? Kaya mo bang maglakad pa ulit? Ang arte mo pa naman, tss.” Sabi ni Zapphire kay Ambrosia.
“Oo kaya ko, kailangan ko lang ng gamot dito sa sugat ko, thanks sa concern.” sagot niya kay Zapphire at nginitian ito. Mag bff ba sila?
YOU ARE READING
Bardden Academy
FantasíaBardden Academy. Yan ang tawag sa isang paaralan na kung saan napupuno ng mga estudyanteng may kakaibang kakayahan. Special abilities sabi ng iba, sabi naman ng iba mga "Abnormal." Ano nga ba ang totoo? Ang tanong may katotohanan nga ba? This is my...