Hindi ko na inalintana ang luhang nakita ko sa mga mata ko, paglabas ko ng CR dumiretso na ako sa mga kasama ko.
“Guys, tara na?” tanong ko sa kanila, baka gutom na kasi sila, pwede naman na kaming kumain sa baba.
“Okay ka lang ba Lia? Bakit ka may luha kanina? Masama ba panaganip mo?” tanong sa akin ni Phina. “Hindi, ayos lang ako wag niyo na akong alalahanin,” nginitian ko sila isa isa.
“Baba na tayo?” tanong ko ulit sa kanila. “Tara na,” sagot naman nila.
Hindi ko alam kung bakit masyado kong dinidibdib yung panaginip ko at ang nakakapagtaka e wala akong maalala na nangyari yun sa buhay ko.
Sino yung tinatawag kong papa? Tatay ko ba yun? Kung tatay ko yun nasaan siya? “Ayos ka lang ba Liana?” tawag sakin ni Seraphina, napansin ata na nakatulala ako. “Oo ayos lang ako, wag niyo akong alalahanin.”
Nasa may hagdan na kami pababa nung nakita ko na yung mga tao sa karinderya e may mga nakatali sa kanilang baging. What the hell? Paano?
“A-Ai, ikaw ba may gawa nito?” nauutal kong tanong sa kaniya. “Oo Liana, angas no? hahaha.” tuwang tuwa niya pang sinabi, baliw na ata to.
“Ayos lang ba sila diyan?” nakita ko kasi si Aling Bebang at Aling Marites na nakatali din sa gilid pilit na kumakawala. “Oo ayos lang sila, friendly yang mga alaga ko hehe.”
“Bilisan na natin kumilos, baka may makakita pa sa ginawa ni Ai,” utos ni Zapphire sa amin. Kaniya kaniya na kaming lapit dun sa kusina at kuha ng mga pagkain nung nakakuha na kami ay pinaglapit namin ang dalawang lamesa at dun kami kumain ng sabay sabay.
“Kailan mo pa ginawa yun Ai?” tanong ko sa kaniya habang kumakain kami. “Kanina lang habang tulog ka, tagal mo kasi gumising hindi na kita nahintay, balak ko sanang ipakita sayo powers ko e haha,” tuwa niyang sinabi at nag flex pa ng muscle.
Grabe naman sila, sana may ganun din ako, gusto ko rin ng gano'n.
Pagkatapos namin kumain ay pinasawalang bisa na ni Ai yung mga nakatali sa tao dun sa karinderya, “Matatanggal rin yan once na nakalayo na tayo sa lugar na to,” ayun lang yung sinabi niya at umalis na kami sa lugar na yun.
Habang nasa sasakyan kami ni Zapphire ay hindi ko nanaman maiwasan yung napanaginipan ko, bakit naman kasi gano'n? Kagabi lang ako nanaginip ng gano'n, halos blurred pa yung nakikita ko sa panaginip ko na yun.
“Ang lalim ata ng iniisip mo Liana?” pangungulit sa'kin ni Seraphina, oo siya nanaman ang katabi ko dito, syempre no choice, ganun talaga. Baka magalit pa si Zapphire kung mag request ako sa front seat.
“Wala to Seraphina, wag mo alalahanin.” Pangungumbinsi ko sa kaniya para hindi na niya ako kulitin. Umusog siya sa kabilang side nitong passenger seat, nasa kaliwa ako at nasa kanan naman siya nag eemote na rin dun sa bintana.
Habang nag eemote din ako dito sa bintana na 'to may nakita akong babaeng hirap na hirap maglakad. Mukhang papunta rin sa school na pupuntahan namin or naglayas lang talaga?
“Teka Zapphire, ihinto mo ang sasakyan, may nakita akong babae.” Sinunod naman ako ni Zapphire at ginilid niya dun malapit sa may babae.
“Miss, saan punta mo?” tanong ni Zapphire.
Nagulat pa yung babae nung tinanong siya ni Zapphire, niyakap niya ang sarili niya at tila takot na takot. “Miss 'wag ka magalala, hindi ka namin sasaktan,” sabi ko sa kaniya nung sumilip na rin ako sa bintana.
“Miss, saan ka pupunta?” tanong ulit ni Zapphire. “Papunta ako s-sa sa Bardden A-Academy.” Sagot niya kay Zapphire na nauutal pa.
“Tamang tama dun din kami papunta, sumabay ka na sa amin.” Pang aaya ni Iza, at si Seraphina naman ay walang imik.

YOU ARE READING
Bardden Academy
FantasyBardden Academy. Yan ang tawag sa isang paaralan na kung saan napupuno ng mga estudyanteng may kakaibang kakayahan. Special abilities sabi ng iba, sabi naman ng iba mga "Abnormal." Ano nga ba ang totoo? Ang tanong may katotohanan nga ba? This is my...