Prologue

31 3 3
                                    

"Once upon a time," yan ang karaniwang nababasa sa mga fairy tales story na may happy ending, pero paano naman sa akin na karaniwang tao lang? Do I have my own happy ending too?

Sa buhay hindi sure kung ano ang kakahantungan mo, kailangan mo maghintay ng "right time" sabi nila, pero paano kung hindi ka na makapaghintay? Paano kung kagaya kita na atat na malaman ang kakahantungan ko? Paano na?

Sa buhay ba may kasiguraduhan talaga na kung ano ang naiisip mo na mangyayari sayo sa hinaharap e mangyayari nga talaga? Bilog ang mundo, umiikot ito, minsan nasa ilalim ka minsan nasa ibabaw. Ano nga ba ang kasiguraduhan ng isang kagaya ko? Sabi nila hindi ako normal dahil magkaiba ang kulay ng mata ko. Paano ako hindi naging normal? Hindi ko rin alam.

Matagal na akong nagtitiis sa mga pangungutya ng mga tao sa akin, ewan ko ba, sadya bang makikitid ang utak nila o ano? Makitid nga siguro talaga.

"Hoy, Liana! Tulala ka nanaman diyan. Kumain na tayo sumabay ka na sa akin." tawag sa akin ng kaibigan kong si Iza, eto nanaman siya, ang ligalig nanaman. Napaka jolly niyang tao parang walang pino-problema. "Oo na eto na Ai, susunod na ako sayo." Sumunod na ako kay Ai na nangunguna sa aking harapan.

Pumunta kami sa cafeteria nitong school, malawak na cafeteria. Maraming tao kagaya ng dati, pero di mo aakalain na sobrang tahimik ng lugar na to. Ang karaniwang cafeteria ay maingay, magulo, may nagrarambulan kung saan saan, pero ang isang to kakaiba, parang may mali sa mga tingin nila. Yung tingin na sinasabi na hindi kayo welcome sa school na ito, ganoon.

Lumapit kami ni Ai sa counter at nag order ng makakain. "Gaya ng dati Ateng, Isang spaghetti at dalawang burger, dalawang coke." Order ni Ai, napatawa na lang ako sa sinabi niya, talagang alam na alam na niya ang paborito ko. "Salamat Ai"

Inabot na ni Ateng yung order namin at umupo na kami sa usual spot dun sa may bintana na kita ang buong court. Ito kasing Cafeteria namin sa taas pa ito ng burol matatagpuan, nakakapagtaka hindi ba?

Kumain na kami ni Ai at nagkwentuhan tungkol sa mga gawain mamaya. Matagal ko ng kaibigan si Ai since makapasok ako dito sa school na ito. Ang pangalan ng school ay Bardden Academy. Kung pano ako nakapunta dito? Naglakad lang naman ako mula sa bahay namin hanggang sa mapunta ako sa lugar na ito, hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito sa amin. Isang liblib na lugar pero may eskwelahan.

Naglalakad na kami ni Ai patungo sa aming klase ng may nakasalubong kaming mga nagtatakbuhan na mga lalaki. "Parating na sila! Magsitakbo na kayo!" sigaw ng isa, hinila ko papalapit sa akin ang isang tumatakbo at tinanong, "Sino ang dadating?" tanong ko sa kaniyang naguguluhan. Ngunit hindi pa siya nakakasagot e may dumaan ng apoy sa pagitan naming dalawa, napalingon ako sa may gawa non. "Ang Sorcerers." mahina niyang bulong sa akin.

***

Started: August 30, 2020

Bardden AcademyWhere stories live. Discover now