Fifth

3 0 0
                                    

Hindi pa rin kami nakakahanap ng pang iilaw namin ng biglang bumukas ang ilaw. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nahuli na ba kami nung dalawang matanda?! Oh my shit. "Magnanakaw!!!" shit naman, nakakabingi ang sigaw ni Aling Bebang, pero nagulat ako sa ginawa ni Zapphire, mabilis ang pangyayari at nagyelo na agad si Aling Bebang, wtf? "Ang ingay e, nakakabingi, palamig muna siya diyan." Sabay kibit balikat ni Zapphire SHIT?! ANG TINDI!

Gulat pa rin ako at hindi makapaniwala sa ginawa ni Zapphire, mabubuhay pa ba yung matanda pagka tunaw nung yelo? Shit talaga. "Don't worry Lia, mabubuhay pa yung matanda." Pagcocomfort sa'kin ni Seraphina dahil sa pagkaka shock ko, "Move on na Lia." Ugh so what's with "Lia thingy?" pauso nanaman to si Seraphina porket tinawag ko lang siya na Phina kanina, bagay naman e mukha kasi siyang pinya char.

"Hoy! Ano pang tinutunganga niyo diyang dalawa? Sumunod na kayo sa'min ni Zapphire at baka kayo pa ang sunod na maging ice candy diyan haha!" baliw talaga to si Ai e hays.

Pumunta na kami sa likod nung apartment, sinandal na ni Zapphire yung hagdan dun sa may pader sa tapat ng bintana ko, alam na alam talaga kung nasaan ah.

Hindi na ako nagtaka nung naunang umakyat si Ai sa hagdanan na yon. Malamang excited siya e.
Sumunod na si Zapphire kay Ai at sumunod na rin si Seraphina at sumunod na ren ako syempre.

Pagkaakyat ko sa apartment ko, parang namiss ko talaga to or should I say baka mamimiss ko 'to kasi ang balita sa'kin ni Seraphina matagal kaming mamamalagi sa Bardden Academy.

Parang dun na kami titira, depende daw sa Queen kapag nagustuhan niya kami at nagtagumpay kami sa mga challenge at sinabak kami sa tinatawag nila na "The War."

Kinuha ko na ang mga bag ko at nagsimula na akong mag gayak ng mga dadalhin ko sa school na yon. Yung mga kasama ko ayun humiga sa kung saan saan. "Ah guys, akala ko ba pumunta tayo dito para tutulungan niyo akong mag gayak ng mga gamit ko?" tanong ko sa kanila habang nakaharap ako sa cabinet ko at nakatalikod naman ako sa kanila, "Huh? Ang akala ko sasamahan ka lang namin at ikaw lang ang magagayak ng mga gamit?" sabi sa'kin ni Seraphina, eto talagang si Seraphina pahirap sa buhay ko e.

"Oo nga Lia, kaya mo na yan! Support na lang kami dito." At nagtawanan ang mga walang hiya, ang galing.

"Ganun ba? Sige kaya ko na to," sarkastiko kong sagot at ngiti sa kanila pagkaharap ko. Mga walangya ito nandito lang pala para panoorin ako sa ginagawa ko.

"Anong plano natin bukas? Anong oras tayo maglalakbay papunta dun sa sinasabi niyong school?" tanong ko sa kanila.

"Si Zapphire na ang bahala diyan, siya magaling magplano e haha," sagot sa'kin ni Ai.

Tiningnan ko si Zapphire, "Huwag ka mag alala, basta sumama ka lang sa amin bukas at hindi ka mapapahamak."

Well, may tiwala naman na ako sa kanila dahil nga mga "ka uri" ko sila, malamang sila lang din makakaintindi sa'kin.

Natapos na'ko sa pagiimpake at humiga na rin sa kama ko. "Dito na lang tayo matulog!" Ideya ni Seraphina.

"Sira ka, edi nahuli tayo nung dalawang matanda?!" pagsuway ko sa plano niya.

"Ano ka ba naman Lia? Wala ka bang tiwala kay Phina? Marunong mag invisible yan! Pero pansamantala lang yun like thrice niya lang magagamit gano'n tapos kapag naubos na yung tatlong beses na yon mawawala na." Paliwanag ni Ai.

"Ang bida bida mo girl! Sinabi mo na ang Special Ability ko, pero Lia di yun yung main super powers ko kasi parang "trial card chuchu" ko lang yung invisibility na yon." Paliwang din ni Phina.

So grabe naman pala? Hindi pala talaga sila mga normal? Grabe, nagiging invisible pa 'to si Phina nakakamangha lang, sana all.

"Sige, dito na tayo matulog, inaantok na rin ako e, feeling ko napakarami nating ginawa." Pag sang-ayon ni Zapphire sa suhestiyon ni Seraphina.

Wow napagod na siya do'n? Wala naman kaming ginawa ah? Kumuha lang naman kami ng hagdan sa karinderya at ginawa niyang yelo si Aling Bebang, "Kung nagtataka ka Lia kung bakit pagod na pagod si Zapphire dahil yun sa gumamit siya ng kaniyang Powers, mabilis mabawasan ang energy niya kasi kinukuha nung Special Ability niya yung enerhiya niya hehe."

"Bakit parang nababasa niyo isip ko? Or baka naman nakakabasa talaga kayo ng isip?" nagtataka kong tanong sa kanila.

"Hmm, lets say na parang ganoon na nga, parang nakakabasa talaga "tayo" ng isip." Inemphasize niya yung word na "tayo" so kasama ako? Nakakabasa ako ng isip? Weird.

"Ah ganoon ba? Sige, matulog na tayo, maaga pa tayo bukas diba?" tanong ko sa kanila.

"Oo, maagang maaga pa tayo bukas." sabi ni Ai.

"Okay! Magsitulog na tayo." sabi ni Phina at humiga na siya don sa folding bed.

Umayos na kami ng mga higa namin, si Ai dun sa tabi ko si Zapphire sa tabi ni Seraphina, dalawa kasi ang folding bed dito, magkatabi yung kanila at ako syempre sa tabi ni Ai.

Tiningnan ko sila isa isa bago ako pumikit. Siguro napaka swerte ko sa kanila dahil nakilala nila ako. Sana matulungan din nila ako sa misyon ko.

Tumitig ako sa kisame at nag isip isip. May nag flashback na memorya sa kisame na tinititigan ko.

"Papa! Mama! Tulungan niyo ako." sigaw ng isang bata sa kalye. Wala itong kasama na kahit sino at humihingi siya ng tulong sa mga tao pero ang mga tao ay hindi siya napapansin at parang hangin lang siya sa mga ito.

"Papa? Nasaan na ba kayo?" iyak nung bata "Balikan niyo ako dito, gutom na gutom na po ako."

Biglang bumuhos ang ulan at nataranta ang bata, naghanap siya ng masisilungan ngunit hindi niya makita ng maayos ang dinadaan niya nagulat na lang siya at may babangga na sa kaniyang sasakyan at nabundol na siya nito.

"Liaa!!! Gumising ka na!!!"

Ano yung panaginip na yon? Ako ba yung bata do'n? Tiningnan ko silang tatlo na nakatayo sa harap ko. "Bakit kayo nakatayo diyan?" tanong ko sa kanila, "Nanaginip ka kanina, ay hindi pala panaginip binabangungot ka ata, kasi umiiyak ka tapos umuungol ka, siguro sumisigaw ka sa panaginip mo kaya gano'n na parang umuungol ka." Nagulat ako sa sinabi ni Ai pa'no niya nalamn yon?

Bumangon na ako at pumunta sa comfort room pero bago ako makapaghilamos nakita ko ang sarili ko sa salamin, bakit ako may luha?

***

ily. :'>

Bardden AcademyWhere stories live. Discover now