Second

21 2 0
                                    

"Ako si Iza, Venus." pagpapakilala niya sa akin at tumingin siya sa gawi ko. "Bakit ka natahimik? Liana Diamond?" tanong niya sa akin, paano niya nalaman ang pangalan ko? Nalaman niya ata ang iniisip ko at pinakita sa akin ang hawak niyang papel. Ang poster ng mga parak! Kinuha ko sa kaniya iyon at binasa, Liana Diamond. WANTED. Dahil sa kulay ng kaniyang mga mata. PABUYA: 10MILLION.  Nagulat ako sa nabasa ko, ano ba namang kalokohan ito? Dahil lang sa kulay ng mata ko? Pero bakit itong si Iza e hindi naman wanted kagaya ko? "Bakit ikaw? Kagaya naman kita di'ba? Pero bakit hindi ka Wanted kagaya ko?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa malaking bahay at dire diretsong pumasok sa loob nun, sumunod ako sa kaniya at tumingin sa kaniya, nagulat ako ng makita ko na iba na ulit kulay ng mga mata niya purong itim na ang dalawa niyang mga mata! "Paano mo nagawa iyan? Tsaka sino ka ba kasi talaga?" tanong ko sa kaniyang gulat at naguguluhan. "Sinabi ko na sayo Liana, ako si Iza Venus ngayon kung hindi ka naniniwala nasa sayo na iyan," sagot niya sa akin. "Pero paano nagiba ang kulay ng mga mata mo? Kanina lang magkaparehas tayo ng kulay ng mata a." tanong ko sa kaniya, "Dahil yan sa special ability na nakapaloob sa ating mga katawan."

Special ability? So hindi talaga ako normal? Tsaka bakit kami ganito? "Iza, kung may special ability tayo ano ang iyo? At ano ang sa akin?" tanong ko sa kaniya pero iniwasan niya lang ako ng tingin at dumiretso sa kusina "Alam kong hindi ka pa kumakain, kumain ka muna upang may lakas ka." Sumunod naman ako sa sinabi niya at tiningnan ang nakahain sa lamesa. Bacon at Itlog may tinapay may ham at may sinangag. "Wala bang lomi dito? Ayun kasi ang paborito kong kainin sa karinderya na lagi kong kinakainan kapag almusal." Napatawa siya sa sinabe ko, "Naghanap ka pa talaga ng lomi, walang lomi dito, kainin mo kung ano ang nakahain, aakyat muna ako sa kwarto ko." Pagpapaalam niya sakin at umakyat siya sa hagdanang paikot. Umupo na ako sa tapat ng lamesa at nagsimulang kumain.

Ginalaw ko na ang pagkaing nakahain sa aking harapan, inuna ko ang kanin at bacon, masarap naman siya hindi sunog ang pagkakaprito mukhang magaling magluto itong si Iza. Bumaba na si Iza mula sa taas, may dala dala siyang arnis, "Anong gagawin mo diyan Ai?" tanong ko sa kaniya. Lumingon siya sa akin na may naglalakihang mga mata, "Anong tinawag mo sa akin? Ai?" sagot niya sa akin "Oo bakit? Anong masama doon?" nagtataka kong tanong sa kaniya "Wala naman, ang cute lang kasi." napatawa siya sa sinagot niya sa akin. Mabait naman pala siya e, mabuti ang puso, pero minsan ang sungit talaga tsk.

"So ano ngang gagawin mo diyan sa arnis na yan?" tanong ko ulit sa kaniya, "Ah ito, armas ko ito," sagot niya sa akin, "Armas? Para saan? Tsaka ano ka ba kasi talaga? Ano ba talaga tayo? Pwede bang ipaliwanag mo naman sa akin ng maayos." nagtataka na talaga ko sa tunay na katauhan namin, naguguluhan rin.

Tiningnan niya lang ako ng maigi at bumuntong hininga, "Unang una sa lahat ako si Iza Venus-" pinutol ko ang sasabihin niya, "Alam ko na yang part na yan pwede yung ibang part naman?" tanong ko sa kaniya, "Eto na nga di'ba ikekwento na, wag ka kasi sumingit!" singhal naman niya sa akin. "Woah, okay! Chill!" sagot ko sa kaniya.

"Okay take two, unang una sa lahat, ako si Iza Venus nagaaral sa Bardden Academy, yung Bardden Academy hindi siya yung tipong paaralan na normal lang para sa lahat, paaralan yun na kung saan tutulungan kang magamit ang iyong special ability." paliwanag niya sa akin, Bardden Academy? Meganon? "So? Anong sunod?" tanong ko sa kaniya. "Doon ka na rin mag-aaral, since hindi mo pa alam ang iyong special ability tutulungan kitang alamin kung ano iyon, at itong armas ko," sabay angat niya ng kaniyang arnis "Ang gamit nito ay para tulungan ako sa ibang grupo na ipagtanggol ang sarili ko." paliwanag niya ulit sa akin.

Ibang grupo? Teka parang ang gulo naman ata non? "Pero teka, pano naman ako naging wanted? At bakit mo ako dinala dito?" tanong ko ulit sa kaniya. "Dinala kita dito para itago ka sa mga parak, kaya ka nasa wanted list ay dahil nga sa iyong mga mata, hindi mo ba nabasa kanina nung binigay ko sa iyo yung poster?" sarkastikong sagot niya pa sa akin, aba talaga nga namang napaka sungit nitong isang to, "Nabasa ko ang nakasulat doon pero bakit? Anong masama sa magkaibang kulay ang mata?" tanong ko sa kaniya "Illegal yan sa lugar na ito Liana, kaya please lang kapag napasabak ka na sa training sundin mo ang lahat ng sasabihin nila."

"Teka, ano namang training iyan? Hindi ko pa nga alam kung ano nga ba talaga ako tapos may pa training pa?" naguguluhan na talaga ko dito, kung ano ano na lang ata ang sinasabi ng isang to e. "Mamayang gabi pupunta tayo sa tinitirahan mo at kukunin lahat ng gamit mo pupunta tayong Bardden Academy." sabi niya sa akin.

Hindi na ako tumanggi at umakyat na lang sa taas ng bahay na ito. "Saan ang kwarto ko dito,?" aba syempre naman alam ko na agad na dito niya ako papatirahin dahil isa itong liblib na lugar at illegal ang mga nasa mata ko kaya alam ko na dito niya ako itatago. "Kahit saan diyan mamili ka na lang." sagot niya sa akin, pumunta ako sa unang kwarto at dun na lang pumasok.

Malaki ang kwarto, pang mayaman at may kurtina pa ang kama hindi mo aakalain na ganito ang itsura nito sa loob, umupo ako sa kama sobrang lambot, ang bango pa ng kobre-kama, nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto may sofa bed may coffee table at may malaking bintana. Ang ganda naman ng mansyon na ito pero bakit parang hindi na ata to tinitirhan dahil sa labas kung titingnan mo parang haunted house na e. May kumatok sa kwarto ko at binuksan ko ang pinto, may pumasok na babae na hindi ko kilala hindi ito si Iza, teka sino ba ito?

"Uh, sino ka?" tanong ko sa kaniya, tinawanan niya muna ako bago niya ako sinagot. "Zapphire," inabot niya ang kamay niya sa akin, "Zapphire Sin." Inabot ko rin ang kamay niya at nginitian siya, bumitiw na siya sa shake hands kuno namin at dire diretso siyang tumungo sa kama at humiga, nakapikit pa talaga siya agad ah matutulog ata. "Sa kabilang kwarto ka na lang, akin na tong isang to e."

***
A/N: Sorry for typos.

Bardden AcademyWhere stories live. Discover now