"Lianaa!! Gumising ka na! Maghahapunan na tayo." Ano ba naman to ang ingay, natutulog pa yung tao e. "Oo sige pababa na!" sigaw ko pabalik, sana naman sa susunod wag na sila ganiyan mang gising nakaka bulahaw sila e, tsk.
Bumangon na ako sa higaan at tiningnan muna ang sarili ko sa salamin na nakita ko sa coffee table, ayos pa naman maganda pa rin naks.
Lumabas na ako ng kwarto at dumireto na sa ibaba. Nandoon na ang tatlong babae, si Iza, Zapphire at Seraphina, mukhang ako na lang talaga ang hinihintay nila ah.
"Kamusta naman ang tulog ng aming mahal na prinsesa?" pambungad na bati sa'kin ni Iza tss, eto nanaman napaka jolly nanaman niya. "Sino ang kumalabog sa pintuan ko?" tanong ko sa kanila na medyo nagtataray pa. "Ako, bakit may problema ba don? Liana?" nanigas ako sa sagot ni Zapphire, parang hindi niya pa ako tinitira ng yelo niya e nanigas na ako sa sobrang lamig ng boses. "W-wala naman Zapphire hehe, pasensya na kayo at tulog mantika ako ha, tara kain na tayo hehe." wew kinakabahan naman ako sa babaeng to.
"Takot ka no?" pang-aasar sa akin ni Seraphina, tinarayan ko na lang, napaka bully naman ng isang to, syempre si Zapphire yun sinong di kakabahan sa sinabi ni Ai na "natawa lang ako at hindi ka niya pinatigas na parang yelo."
Pagka punta namin sa kusina, andaming nakalagay na gamit sa lamesa teka akala ko ba kakain kami? Ano to mukbang ng mga gamit? "Ah girls? Baket puro kagamitan ang nakahain dito at hindi pagkain?" tanong ko sa kanila. "Ano ka ba?! Magpaplano ren tayo para sa pagkuha ng mga gamit mo sa apartment mo, syempre baka mahuli tayo hindi pa tayo matuloy bukas sa paglalakbay natin papunta sa Bardden Academy." mahabang paliwanag ni Iza, 𝘢𝘩 𝘨𝘢𝘯𝘰𝘯 𝘣𝘢 𝘺𝘰𝘯? 𝘖𝘬𝘢𝘺."Simulan na natin ang plano!" masiglang wika ni Zapphire, 𝘸𝘰𝘢𝘩 𝘱𝘢𝘳𝘢𝘯𝘨 𝘬𝘢𝘯𝘪𝘯𝘢 𝘢𝘯𝘨 𝘵𝘢𝘳𝘢𝘺 𝘯𝘪𝘵𝘰 𝘢𝘩. May kinuha si Zapphire na malaking papel hmm parang mapa? "Ano pang tinutunganga mo diyan Liana? Tara na dito." aya sa akin ni Seraphina ako na lang pala hindi lumalapit sa lamesa sa pagkakamangha ko sa kanila, nakakahiya.
"So ganito natin gagawin ang plano," panimula ni Ai napakaseryoso nilang tatlo e gamit ko lang naman sa apartment yung kukunin namin, sabagay, baka kasi mahuli. "Una dadaan tayo sa likurang bahagi ng apartment na yon, nasa second floor ang kwarto ni Liana," nagulat ako sa sinabe niya, pano niya nalaman yun? Tiningnan ko si Ai na nagtataka pero nginitian niya lang ako at nagpatuloy ulit siya sa pagsasalita. "Siguro gagamit na lang tayo ng tali para akyatin yun kasi saan naman tayo hahanap ng hagdan diba?" tanong ni Ai, pero teka may hagdan ata akong nakikita na ginagamit ni Aling Bebang kapag naglilinis siya ng kisame. "Tekaa, may alam ako na hagdanan na ginagamit dun sa may karinderya, ayun na lang gamitin natin kesa magtali tayo delikado." suhestiyon ko, tumingin ako sa kanilang tatlo at wala naman silang bayolenteng reaksyon.
"Tama ang sinabe ni Liana, gumamit na lang tayo ng hagdan dun sa may karinderya na sinasabi niya," pag sang-ayon sa akin ni Zapphire, "So ganun ang gagawin natin kailangan walang ingay tayong gagawin para hindi magising ang mga tao sa apartment at lalo na sila Aling Bebang at Marites." sunod na paliwanag ni Seraphina sumang ayon na kaming lahat at hindi na umangal, buti naman at tapos na dahil nagugutom na talaga ako, feeling ko mahihimatay na ko sa sobrang gutom.
"Pwede na ba tayong kumain? hehe," tanong ko sa kanila, hindi ba sila nakakaramdam ng gutom? Bakit ako gutom na gutom? Siguro dahil hindi ako nagmeryenda at natulog lang ako buong maghapon. "Okay, let's eat. Nagugutom na ang ating mahal na prinsesa haha," pang aasar nanaman ni Ai, kanina pa siya diyan mahal na prinsesa ng mahal na prinsesa ah nakakainis na. "Oh bakit nakasimangot ka?" tanong sa akin ni Seraphina isa pa 'tong babaeng 'to hindi niya ba naririnig sinasabi ni Ai? "Paano ba naman kasi itong si Ai, ilang beses na akong tinatawag na mahal na prinsesa, mukha ba akong prinsesa?" rant ko kay Seraphina, "Hayaan mo na yang si Iza di yan mahal ng mama niya haha" pagbibiro niya pa. "Hoy ano nanamang chinichismis mo diyan Seraphina haa?" panghihimasok ni Ai sa usapan naming dalawa.
YOU ARE READING
Bardden Academy
FantasiaBardden Academy. Yan ang tawag sa isang paaralan na kung saan napupuno ng mga estudyanteng may kakaibang kakayahan. Special abilities sabi ng iba, sabi naman ng iba mga "Abnormal." Ano nga ba ang totoo? Ang tanong may katotohanan nga ba? This is my...