First

30 1 5
                                    

"Yan! Tama! Lumayas ka na dito!" sigaw sa akin ni Aling Bebang, ano bang problema niya at sumisigaw nanaman siya diyan? Porque nakita niya lang akong aalis akala naman niya lalayas na ako. "Bakit niyo ho ba ako pinapaalis Aling Bebang?" nagtataka kong tanong sa kaniya. "E paano naman kasi salot ka dito sa bayan namin, tingnan mo nga iyang mga mata mo! Magkaiba ng kulay! Kung wala ka namang lahi e ano ka? Aswang?" singit naman ni Aling Marites.

Tingnan mo nga naman tong dalawang to oh, nagkampi pa. Nandito kasi ako sa pinauupahan nilang bahay. Simula nung nalaman nila na nagiiba kulay ng mata ko ganiyan na nila ako tratuhin. Anong masama sa magkaiba ang kulay ng mata? Hindi ba sila naaangasan? Sabagay matatanda na kasi kaya ganiyan. "Saan naman ako titira nito Aling Marites at Aling Bebang ha? Tsaka kung pinapalayas niyo ako, ibalik niyo lahat ng binayad ko sa inyo!" sigaw ko pabalik sa kanila.

Hindi sila kumibo sa huling sinabi ko. Si Aling Bebang bumalik sa kaniyang pagwawalis at si Aling Marites bumalik sa kaniyang pagtitinda. "Yan ang tama! 'Wag niyong papakielaman ang buhay ko dito. Nagbabayad ako ng tama kaya tratuhin niyo ako ng tama!" singhal ko sa kanila at dire diretsong umalis ng bahay upang magpalamig ng ulo. Ke aga aga hina highblood ako ng mga kapit bahay ko.

Papunta ako sa paborito kong kainan na karinderya ng may biglang humatak sa akin papunta sa isang masikip na eskinita, ano ba naman ito?? Hindi pa ba tapos ang kamalasan ko ngayong umaga? Gutom na gutom na ako hindi pa ako agad naka kain kanina dahil dun sa mga kapit bahay ko! Napatigil ako sa pagiisip ng nakita ko ang humatak sa akin.

Babae siya, maganda at kulay lila ang buhok. Ang suot naman niya ay all black na fitted shirt at naka ripped jeans. Wow ang angas naman nito! Sana all may ganiyang buhok, 𝘯𝘢𝘱𝘢𝘵𝘢𝘸𝘢 𝘯𝘢 𝘭𝘢𝘯𝘨 𝘢𝘬𝘰 𝘴𝘢 𝘯𝘢𝘪𝘪𝘴𝘪𝘱 𝘬𝘰 𝘨𝘳𝘢𝘣𝘦 𝘵𝘢𝘭𝘢𝘨𝘢. "Teka lang naman Ate, sino ka ho ba at bakit mo ako hinatak dito sa masikip na lugar na ito?" tanong ko sa kaniya. Nagulat ako ng lumingon siya sa akin may takip siya sa kaniyang mukha ngunit kitang kita ko ang kaniyang mga mata, mga matang kagaya ng akin kulay berde ang kaliwang mata at kulay kayumanggi naman ang kanan.

Kauri ko ba ang isang to? Hindi pa rin siya sumasagot sa tanong ako, ano bang problema ng isang to? "Ate? Sumagot ka naman ho," ulit kong tanong sa kaniya pero nakatitig lang siya sa akin. Tumingin siya sa labasan ng eskinita, napatingin ren ako at nagulat ako sa nakita ko. Mga parak! Bakit sila nandito? At bakit sila may hawak na poster?

Naguguluhan na talaga ako sa nakikita ko ngunit lalong gumulo ang isipan ko ng makita ko ang hawak nilang poster na may mukha ko. Teka ano ito? Bakit? Bakit ako nakalagay doon? at may nakalagay pang "Wanted" sa itaas ng litrato ko, ano bang kalokohan ito? Tumingin ako sa babaeng humatak sa akin. Kaya niya ba ako hinatak kasi Wanted ako? Pero bakit? Paano?

Magtatanong na sana ulit ako pero hinatak nanaman ako ng babae papunta sa kung saan. "Teka teka, saan mo ako dadalhin? Bakit hinahatak mo nanaman ako?" tanong ko nanaman sa kaniya at pakiramdam ko hindi nanaman sasagot ang isang to. Ngunit nagbago ata ang ihip ng hangin at sumagot siya sa akin. "Huwag ka ng maginarte at sumunod ka na sa akin, kundi mahuhuli ka nila." sagot niya sa akin. "E bakit naman nila ako huhulihin? Dahil ba may Wanted dun sa poster na nakalagay? At tsaka pano ako naging Wanted? May kinalaman ka ba dito?" andami kong tanong sa kaniya sana naman sagutin niya kahit isa lang diyan.

"Kung ako may pakana nito, bakit kita tutulungang tumakas?" tanong niya naman sa akin, oo nga naman pero hindi naman niya ako kailangang tulungan kaya ko naman ang sarili ko. "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya. "Basta sumunod ka na lang sa akin ako ang bahala sayo." sagot niya at hinila niya na ako ulit. Papunta ata kami sa isang bodega pero ang itsura sa labas e malaking bahay na kulay kayumannggi na parang Haunted House.

Tumigil kami sa paglalakad at huminto sa tapat ng malaking bahay na iyon. "Anong gagawin natin dito? Bakit mo ako dinala dito?" tanong ko sa kaniya. "Dito ako nakatira," sagot niya sa akin. Tumingin ako sa buong bahay, hindi naman na masama pero nakakatakot ang aura nito. "Sino ka ba kasi talaga? Pwede bang magpakilala ka muna?" tanong ko nanaman sa kaniya. "Ako si Iza, Venus."

***

Bardden AcademyWhere stories live. Discover now