8| The Sidekick

1.1K 51 0
                                    



Matteo


"Boss, nabalitaan namin mula kila Juanito at Roger ang nangyari kahapon, iyong ginawa niyo raw kay Miss Tuazon. Sinabuyan niyo raw ng tubig," panimula ni Annie, kinakausap ang nakadekwatrong si Juan Enrique. "Boss naman. Alam naman naming mainit ang dugo niyo kay Jodie pero 'wag naman po sana ninyong paabutin sa ganoon kasi kawawa naman 'yong tao."

Nasa loob sila ng isang nakaparadang Grandia ngayon, bagay na ginagawa nila upang maitago ang pagu-usap mula sa iba.

Naroon naman sa may harap na upuan si Lucas Alfaro na abalang naglalaro ng chess sa cellphone.

Nakasuot ngayon ng sunglasses si Matteo habang nakatuon ang tingin sa labas. Pinapanood niya si Jodie Tuazon na naghahatak ng naglalakihang sisidlan ng mga basura kasama ang ilan nitong katrabaho.

Bagaman malaki ang ngiti ng dalaga, hindi maikakaila ang pagod sa hitsura nito.

Napangiwi si Juan Enrique bago tingnan si Annie.

"I do not hate anyone," aniya bagaman iba ang tumatakbo sa kanyang isip. That Tuazon girl is a liar. She knows my grandma personally. I'm sick of how she can lie to everyone's face every single day. "She just gets on my nerves sometimes," pagtutuloy niya sa kasinungalingan.

"Boss, tungkol ba ito kay Kimberly Perez?" sabad ni Lucas na hindi nilingon ang mga kasama sa sasakyan. Nakatuon pa rin ang titig nito sa cellphone. "Kasi Boss, ang kwento ni Berna sa'kin, si Jodie raw pala ang pinagbibintangan niyong nagsumbong."

Nanlaki ang mga mata ni Annie sa narinig mula kay Lucas. "Boss! Is that the reason?" tanong ng beteranang direktor. "Naku po! Itong si Lucas ang nagsabi sa'kin ng tungkol sa inyo ni Kimberly! Siya ang nakakita sa inyo—"

"Yeah. Dito mismo sa parking lot," kaswal na sabi ni Lucas na nagpatikhim kay Matteo. Isinandal niya ang kanyang ulo sa upuan at lalong hinigpitan ang paghahalukipkip habang patuloy na tinititigan si Lucas.

"Kaya Boss, huwag mo nang gaanong sungitan si Jodie Tuazon ha. And for the viewers' sake, please try to smile more," pakiusap ni Annie.

Umiling si Juan Enrique. "No. I am not an actor, Annie. There's a limit to what I can do," aniya bago itapon ni Annie ang sariling mga kamay sa hangin, senyales na sumuko na ito sa katigasan ng ulo ng kausap.

Agad na lumabas ng Grandia ang nakabusangot na direktor na sinundan din naman ni Lucas.

"Ewan ko ba! Patid na patid na ang pisi ko! Hindi ko na alam kung paano pa pakikisamahan ang taong 'yan," giit ni Annie habang naglalakad sila ng kasama palayo.

Bumungisngis naman si Lucas na umakbay pa rito.

"Chillax, Direk. Ang mahalaga rito ay ang makukuha nating sweldo. Hindi pa siguro niya nare-realize na ang Mindy's din ang mapapasama dahil sa kagaspangan ng ugali niya," ani Lucas bago nito nilingon si Juan Enrique na nakatago pa rin sa likod ng tinted windows ng sasakyan.

Lingid sa kaalaman ng dalawang direktor, inoobserbahan sila ni Juan Enrique ngayon at base sa kanilang mga galaw, batid ng negosyante na tulad ng mga empleyado ng Mindy's, maging ang TV crew, ay hindi siya gusto ng mga ito.

Lihim siyang pinagu-usapan ng lahat, hinihimay ang kanyang ugali at bawat galaw. Pinagtatawanan. Minumura. Isinusumpa.

Gayunpaman, manhid na si Juan Enrique sa isyung ito. Kasi nga naman, nang simulan niya ang kanyang winery empire at ang kanyang investment firm, ang reputasyon na ito ang kanyang naging puhunan sa mabilis na pag-angat—pagiging masungit, strikto, matalim ang dila, pranka, at isang perfectionist.

The Love that Made the Stars Fall (+18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon