10| The Italian

1K 46 0
                                    



Jodie


Nang tanggapin ko ang modeling at dancing gig na 'to, agad akong pumayag kasi nga, ang laki ng pasweldo. Four thousand pesos just to plaster my face on some flyers and dance for two hours in front of the shop? Total no-brainer.

Ang problema, walang nagsabi sa'kin na ganito pala kaikli ang ipapasuot nila. Na para bang nasa Boracay kami at hindi sa Baguio.

So here I am, shivering like a leaf from the cold, the sleepless nights, and sheer exhaustion. Yet, I'm giving it my all, swinging my hips with every ounce of energy I've got. Funny enough, the more I move, the warmer I get.

"Tara na! Pasok mga suki! Available sa amin ang pinakabagong model ng paborito niyong brand!" kako sabay taas ng mga kamay ko sa hangin. Good thing I thought to shave my armpits this morning, especially since this tight corset doesn't have any sleeves.

Dancing has never been my thing. The reality is, noong high school, palaging ako ang inilalagay ng PE teacher namin sa likod ng grupo kasi nga, para raw akong robot kung gumalaw. Fast forward to now, ako na ang palaging nasa harap sa tuwing rumaraket ako sa mga dance performances kasi nga, ang galing-galing ko raw. Ang hindi nila alam, bunga ito ng panonood ko ng Youtube tutorials at mga college students na nagpa-praktis sa may Burnham Park.

Desperation does that to you, indeed—makes you master any skill just to make ends meet.

Ang problema, hindi pa rin ako sanay sa atensyon. I keep blinking awkwardly at the people stopping to watch us, especially the guys whose stares feel like they're peeling off my skin. Ugh. Jacob should be grateful he's in Samar; otherwise, nasabunutan ko na siya!

Sabay-sabay kaming umikot ng mga co-dancers ko alinsunod sa prinaktis namin. Pagkatapos, nang humarap ulit kami sa kumpulan ng mga tao, isang pamilyar na mukha ang tumambad sa'kin—Matteo Salvatore, aka Captain Smugface, King Narcissus, the Pretentious Prat, Snobdouche, Asshole of all Assholes, my sworn nemesis.

Seriously, if there were a Jerk Olympics, he'd win gold in every single category.

Naka-shades ito habang nakangiti nang pasarkastiko at humahalukipkip na para bang hinihintay niyang magkamali ako't mapahiya. What else do I expect?

"Mga suki, pasok! May opening sale po kami!" dagdag ko sa microphone, sinusubukang ibaling sa ginagawa ko ang atensyon ko. Pero sadyang mala-halimaw talaga ang presensya niya kahit na ang dami-dami namang ibang tao sa paligid namin.

Nakakainis.

Nakakailang.

What's worse, he's just standing there. Watching. Almost like he's waiting for something.

"Pogi naman nu'ng matangkad na foreigner," bulong sa'kin ni Stefie, isa sa mga babaeng co-dancers ko, habang nagsasayaw kami.

"Pogi nga, wala namang kasing-pangit ang ugali," bulong ko pabalik bagay na nagpangiti sa kanya.

"Kilala mo?"

"Unfortunately, oo. . ."

Isang oras pa ang lumipas bago namin natapos na sayawin ang buong playlist kasabay ng pagpapamudmod ng mga flyers. Hingal na hingal kong pinulot ang towelette na isinampay ko sa isang metal chair sa gilid at saka kinuha ang phone kong ipinabulsa ko sa isa sa mga kasama namin.

I sneak a glance in the direction where I saw Matteo earlier. He's gone—thank god.

Or maybe he's lurking around somewhere—ugh, why do I even care?

The Love that Made the Stars Fall (+18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon