17| The Parade

1K 45 5
                                    





Jodie

Two days later, I head back to work at Mindy's, even though I haven't used up the full week off Miss Evelyn gave me. I pedal energetically to our branch, and when I arrive at the back entrance, I'm greeted by a bunch of dropped jaws. I didn't tell anyone I was coming in today, so their surprise is quite expected.

Napalitan tuloy ng hiya ang malaki kong ngiti habang pinupukol nila ako ng nagtatakang tinginan.

"Hmm. . .Good morning?" Iyon na lang ang namutawi sa bibig ko habang ipina-park ko ang aking bike.

Mabilis akong nilapitan nina Direk Annie at Luke.

"'Nak ng teteng. Ano'ng ginagawa mo rito, Jodie?" bulong ni Direk habang nakapamaywang. Si Luke naman ay nakahalukipkip. Kita sa mukha nila ang pag-aalala.

Nginitian ko sila nang malaki. "I'm ready to work na po—"

"Go home, Jodie. Magbakasyon ka muna. Kung itong shooting ang iniisip mo, ipina-rewrite na namin sa mga writers ang script," paliwanag ni Luke pero umiling ako.

"Kung magmumukmok ako sa bahay, mas lalo lang akong puputaktihin ng kung anu-anong bagay. Mas okay na 'tong maging busy ulit ako."

As I say this, I glance toward the back door just as Matteo steps out. His surprise is evident when he sees me. Instantly, memories from the other day flood my mind—our hug at Burnham Park, our breakfast together, and the Baguio tour I cut short, which clearly annoyed him and kept him from talking to me again. Mabilis na nag-init ang mukha ko.

Gayunpaman, nagpilit pa rin ako ng ngiti at kinawayan pa siya, bagay na sigurado akong pinagtatakahan ng ibang nakakakita sa amin matapos silang masanay na hindi kami nagpapansinan ni Matteo.

Nawala naman ang gulat sa mukha niya at mabilis na napalitan ng. . .wala. Wala na naman siyang ekspresyon at tanging pagtitikhim lang ang itinugon sa akin bago siya nagpatuloy sa paglalakad. My smile disintegrates.

Ah. So, we're back to our cold war, then. Right.

Isa-isa naman akong kinumusta ng aking mga katrabaho pagkapasok ko. Si Berna at si Aling Chita, niyakap pa ako sa loob ng locker room at sinabihan ako na sa susunod na may pupuntahan ay pwede raw akong magpasama sa kanila. Kako naman, wala nang 'Landon' sa buhay ko ngayon kaya wala na silang dapat na ipag-alala pa.

We close the branch early today for a meeting. It's almost February, and from this month until March, tourism in Baguio is going to hit its peak because of the Panagbenga Festival. Magaganap ang opening day nito sa Sabado.

Dito kami sa may dining area umupo lahat. Nakahawak ako ng notebook, inililista ang mga bilin ng aming manager na si Miss Evelyn at ng isa sa mga show writers na si Miss Elaine. They announce that in addition to sponsoring several events, our branch will also participate in the opening parade. My co-workers burst into cheers at the news.

First time kasi naming gagawin 'to. Kada-taon kasi, basta opening day ng festival, hindi na kami magkanda-ugaga sa dami ng dumarayong customer sa amin. We always missed the big events because of that.

Hindi lang ito magmimistulang bakasyon namin; mapapanood namin mismo ang mga kaganapan!

I hear the scrape of a chair next to me and find that Luke has moved closer. He leans in and whispers while the meeting continues.

"Kumusta ang sugat mo, okay na ba?" tanong niya. Tiningnan ko siya.

"Mababaw lang naman. Naghilom na—isang gabi lang. Hindi ko na nga ramdam kung aling braso ko ang nasugat eh," I respond, smiling.

The Love that Made the Stars Fall (+18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon